PROPERTY I
Alas siete na ng umaga nang matapos si Aria sa paglalako ng mga panindang suman. Pinahiran niya ang mga pawis na tumulo sa noo at pisngi. Kailangan niya iyon lalo pa at may babayaran siya para sa eskwelahan
Nakikitinda lang din siya at hindi naman kanya dahil kailangan na kailangan niya ng pera
Nagmamadali siya dahil paniguradong unang bubungad na naman sakanya ang sermon ng tiya
“T-tiya andito na po ako” kinakabahan niyang tawag dito at agad na nilagay ang basket na pinaglagyan ng mga paninda
“Aba'y mabuti naman kung ganun! Kanina pa kita hinahanap! Bakit ang tagal mo?! Wala pang saing! Wala pang tubig sa dram! Ano ka ba naman Aria! Bakit ang kupad kupad mo?!”
Sigaw nito dahilan para mapayuko siya
“N-naglalako po kase ako saglit” dahil sa sinabi nito ay kaagad siyang nilapitan
“Asan na?! Asan na ang suhol mo?! Halina ibigay mo sakin!” Napailing siya at pinipigilang wag maiyak
“T-tiya ipambabayad ko ho kase ito sa school—
“Akin na Sabi!” Hinila nito ang braso niya. Masakit dahil bumaon ang kuko nito.
Wala siyang nagawa kundi ang ibigay ang 150 pesos na suhol niya. Malaking tulong na sana para sa ipambabayad niya. Nanginginig na inilahad sa kamay ng mapagsamantalang tiyahin
“Ayan, ibibigay naman pala. O siya, mag igib ka na ng tubig at magsaing” tila naging maamo ito. Ganito talaga kapag nag aabot siya ng pera
“T-tiya baka po pwedeng kunin ko kahit iyong Isang daan? May pag gagamitan lang talaga ako eh” Desperada na siya, exam nila ngayon at siguradong hindi siya makakapag test kapag wala siyang maibayad
“Anong kunin?! Kulang pa nga ito sa mga ipinapalamon ko sayo araw araw! Wala ka na ngang kwenta dito! Tsaka pwede ba Aria, magtrabaho ka nalang kaysa mag aral para naman may silbi ka, pabigat ka lang naman dito”
Napayuko siya at hindi nakaligtas ang iilang luhang kumawala sa mga mata niya. Nang umalis ang tiya niya ay napaupo siya habang nanginginig ang mga kamay
Nangangamba na baka hindi makapag exam
Malungkot siyang pumasok. Kahit na walang pera ay pumasok pa rin siya. Baka sakaling maawa ang mga teachers niya at hayaan siyang mag exam. Sayang naman ang lahat ng pinaghirapan niya kung mauuwi sa wala.
Wala siyang kaibigan. Ang iba ay gustong makipag kaibigan pero hindi rin nagtatagal. Siguro kase ayaw niyang makipag halubilo sa iba
“Uy, andito na naman ang anak ng p*kp*k” panunuya nito sakanya. Napayuko siya at Wala sa sariling ikinuyom ang kamao dahil sa pagkapahiya at dahil sa galit
Anong karapatan nitong sabihin iyon ng harap harapan sakanya? Sino ba ito sa inaakala? Bakit kailangang insultuhin siya ng ganun?
“Pwede ba tama na” malamig niyang sagot at malamig din na binalingan ng tingin ang mga kaklaseng nang asar.
“Bakit hindi ba? Tama naman kami di ba? P*ko*k ang nanay mo. Anak ka ng p*kp*k!” Tahimik lang siya at hinahayaan silang insultuhin siya. Hangga't maaari, ayaw niya ng gulo. Lumalayo siya sa gulo
“Wag niyo nang asarin iyan guys, baka mamaya isumbong tayo sa nanay niyan. Ay, Wala pala siyang nanay” saka sila nagtawanan. Hindi ko nalang sila pinakinggan kahit pa gusto na niyang ipaghahampas ang mga ulo nito sa upuan
Pumasok ang teacher nila at bukod tanging siya lang ang hindi nabibigyan.
“Ms. Perez, hindi ka pa nakakabayad ng exam permit mo. Hindi ka pwedeng magtest” kahit na naiiyak ay pinilit niyang ngumiti
BINABASA MO ANG
Montero's Property
Romance"Don't worry Aria, I'm here, ready to fix the broken you" -Brent Lincoln Montero BOOK COVER NOT MINE, CEEDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: PINTEREST