EPILOGUE (WAKAS)

5.4K 65 3
                                        

EPILOGUE (WAKAS)

“I’m going to marry someone” Brent coldly shift his gaze to his father.

“Yeah whatever” balewala niyang sagot sa ama. Sumimsim siya ng alak at kumunot ang noo nang makitang umupo ito sa tabi niya

“What?” Ngumisi ang ama saka nagsalita

“We're having a dinner. Sumama ka, I want to introduce you to your stepmom” napahinga siya ng malalim

“Do I need to do that? I mean, go on, you can marry her without my presence, as if I care” natawa ang ama sa sinabi niya saka siya tinapik sa balikat

“I'm expecting you to come. Wag matigas ang ulo Brent, hindi mo alam kung paano ako magalit” hindi siya umimik at hinayaang umalis ng ama

Pinagpatuloy niya ang pag iinom. He's just 14 but acted like an adult. Lahat ng gusto niya nakukuha niya nang walang kahirap hirap. Maybe because he's the only unico iho in his own family aside from his dad

He's 15 when he started to know about Gavin, Gavin Magnus Cavalcante. They're friends together with Drax and Xian. Bata palang siya nang matuto siya sa Gang. And his father let him since he's spoiled at hindi rin mapigilan ng ama ang katigasan ng ulo niya

Walang buhay siyang nakaupo sa katabing upuan ng daddy niya. His dad sets up for a dinner date with a woman he never know.

“Bakit apat?” Tanong niya sa ama nang makita ang apat na upuan katabi nila.

“Well, your Tita Ariana has a daughter, magkakaroon ka na ng kapatid” napaasik siya at napailing.

“I don't need a sister” malamig niyang sagot sa ama

May dumating na isang magandang babae habang may hawak itong batang babae. Kumunot ang noo ni Brent nang makitang papalapit ito sa gawi nila

“Sweetheart” tumayo ang ama niya at hinalikan sa labi ang babaeng nagngangalang Ariana. Napatitig siya sa babae

Well, the woman is beautiful, mukha namang mabait, so it's okay for him. Napababa ang tingin niya sa isang batang babae na tahimik lang

May hawak na teddy bear ang bata habang inosente ang mukha na nakatingin sa mga pagkain na nasa lamesa. Hindi niya maiwasang titigan ito

“Aria anak, magmano ka kay Tito Romenick mo” magalang naman na nagmano ang bata sa ama niya

“Hello Aria, nagustuhan mo ba ang mga laruan na binigay ko sayo?” Tahimik itong tumango habang nakatingin sa pagkain

“Have a seat sweet heart” nakangiting umupo Ang babae at pinaupo nito ang batang babae. So, his father wants to marry this single mom? Ayos lang, single dad rin naman ang daddy niya, pero hindi nag asawa. Himala yata at nagplano itong magpakasal

Nag usap pa saglit ang daddy niya at ang stepmom niya. Nakatitig lang siya sa batang babae na ngayon ay nakatitig sa pagkain, alam niyang gusto nang kumain ng bata

“Dad, I'm hungry, let's eat” doon napatingin ang batang babae sakanya at natigilan nang makitang nakatitig siya dito

Para itong nahiya nang magbaba ng tingin. Hindi niya maiwasang mapangisi. Hindi niya alam kung bakit interesado siya sa bata

Nang matapos kumain ay lumayo ang batang babae sa mama nito. Nag uusap naman ang daddy niya saka si Ariana kaya hindi siya napansin ng mga ito

Nilapitan niya ang bata na nasa may di kalayuan. Nakatitig ito sa labas habang yakap ang teddy bear nito. Tahimik itong nakaupo at parang malungkot

“What are you doing here?” Nakita niya na napaigtad ito saka nag angat ng tingin. Nagtama ang mga mata nilang dalawa at hindi niya alam kung bakit parang may nabuhay sa loob loob niya

Montero's Property Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon