PROPERTY XXXVIII

691 12 0
                                    

PROPERTY XXXVIII

Mahigpit na nakayakap sa bewang ni Aria si Brent. Nakaupo sila sa di kalayuan para masolo ang isa't isa. Kanina pa tinatawag si Brent ng mga kaibigan pero hindi ito nakinig

“Puntahan mo muna sila oh” saad ni Aria at Itinuro sina Xian at Drax na nag iinuman. Umuwi na si Gavin, hindi ito pwedeng maglasing dahil kasama nito ang asawa

“No. Dito lang ako, I would rather spend my time with you…. Natutuwa lang ako dahil naaalala mo na ko” ngumiti siya at napailing nalang sa sinabi ng asawa

Kanina pa tapos ang kasal nila. Pasado alas tres na ng hapon. Umuwi na rin ang Iba pa nilang bisita at ang mama at Tito Romenick niya ay hindi niya alam kung nasaan

Umuwi na siguro ang mga ito. “Gusto mo kantahan kita?” Malambing nitong tanong sakanya dahilan para mapalingon siya dito.

“Kakantahan mo ko? Diyan?” Nakangiti niyang tanong at tumingin sa isang banda na nagpapatugtog. Sa pagkakaalam niya ay ito rin ang nagtugtog para sa wedding song nila

“Oo, dito ka lang okay? Kakantahan ko ang misis ko” kinindatan siya nito dahilan para kiligin siya at mapangiti

Isang halik ang iniwan ni Brent bago ito umakyat at kinausap ang vocalist para makakanta siya. Tumango naman ang mga ito

Nakita niyang kinuha ng asawa niya ang isang electric guitar saka nagsimulang patugtugin ito. Hindi niya maiwasang mamangha dahil sa galing ng asawa

“This is for you, my baby, my wife, my everything” kinindatan siya nito “I love you” namula ang pisngi niya dahil sa sinabi nito pero hindi naitago ang ngiti sa labi.

“Thank you for bringing joy to my life, you're my everything, and I wanna spend the rest of my life with you” saad nito habang nakatitig sakanya. Nagkantyawan naman ang nasa paligid at inaasar silang dalawa.

Imbes na mahiya ay napangiti nalang siya. Kinikilig din naman siya sa ginagawa ng binata. Nagsimula na itong tumugtog at pumikit saka kumanta

Playing (Forever with you by Insanara)

I just can't forget you
And the moments we're together
Every single word you've said to me
I'll always remember

Natigilan siya dahil pamilyar ang kanyang iyon. Napatitig siya kay Brent na nasa kanya ang atensyon.

One time I said I love you
You said you feel the same way too
I felt the happiness I've longed to feel
And I hope that this will never end

Hindi niya maiwasang mapangiti nang marinig iyon. Parang tugma sakanilang dalawa ang kanta nito

Forever I'll be with you
This love that I feel
Is only for you
And I promise that I will be true
And I will stay forever with you

Naramdaman niya ang malakas na kabog ng dibdib, ramdam niya ang pagmamahal sa boses ni Brent habang kinakanta iyon para sakanya

I'll always be beside you
In the bad times we'll get through
You can count on me I will be there
There's no pain that we can't bear

Parang nangangako ito sakanya. Hindi niya maiwasang maluha at mapangiti. Alam niyang marami pa silang kakaharaping dalawa ni Brent, pero nangangako siya na magiging mabuting asawa para sa lalaki.

Forever I'll be with you
This love that I feel
Is only for you
And I promise that I will be true
And I will stay forever with you

Napapikit siya habang pinapakinggan ang magandang pagtugtog ng asawa sa electric guitar. Hindi niya maiwasang sumunod sa indayog ng kanta

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon