PROPERTY XXV

564 11 0
                                    

PROPERTY XXV

Namangha si Aria sa napakalaking manor na nasa harapan niya. Hindi niya maiwasang hindi malula dahil sa ganda nito

“This is our manor where my parents use you stay. Halika, nasa loob sila together with abuela” mahigpit na hinawakan ni Brent ang kamay niya at sabay silang pumasok.

Hindi niya maiwasang kabahan habang papasok sila. Inayos niya talaga ang sarili niya at talagang sinadya niyang desente ang isuot para maayos siya sa harapan ng mga magulang nito

“Buenas tardès señorito” bati ng isang matandang ginang na alam niyang katulong.

“Buenas tardès manang Lolit, si mommy?” Magalang na tanong ng boyfriend niya sa matandang babaeng kaharap

“Nasa taas ho ang mommy ninyo” magalang ulit na sagot ng matanda

“How about dad and abuela?” Tanong ni Brent

“Natutulog na po ang abuela ninyo dahil Oras na ng siesta…. Ang daddy niyo ay nasa trabaho” tumango si Brent at inakbayan siya

“Manang Lolit, si Aria po pala…. Girlfriend ko” napaangat ng tingin ang matandang babae at sandaling tumitig sakanya

“A-ano ulit ang pangalan mo?” Nagtaka siya dahil bumalatay ang gulat sa mukha nito.

“Aria po. Magandang araw po pala” magalang niyang saad. Hindi naman nakaimik ang matanda at parang napaisip saka napailing

“Marahil ay kapangalan mo lang, O siya, nasa taas ang mommy mo, puntahan mo na at matagal ka nang hinahanap nun” nakita niya ang paghinga ng malalim ni Brent

“Umiiyak na naman po ba si mommy?” Lumungkot ang mukha ng matanda dahil sa sinabi ni Brent at bumaling ng tingin sakanya

Natigilan siya sa uri ng pagkakatitig nito sakanya. Para bang may gustong sabihin pero hindi nito masabi

“Palagi namang malungkot ang mommy mo, nangungulila sa dati niyang anak” mahinang Saad ng matanda habang ang atensyon ay nasa kanya.

Hindi niya alam kung bakit siya kinabahan sa uri ng titig na iyon.

“Sige po, aakyat na po kami. Ipapakilala ko kay mommy ang girlfriend ko, paniguradong matutuwa iyon” hindi umimik ang matanda at tumango lang habang ang atensyon ay nakatuon sakanya.

Hindi niya alam kung bakit parang may iba siyang naramdaman dahil sa uri ng titig nito sakanya

Umakyat na silang dalawa sa isang napakagandang hagdanan. Mas maganda pa ang mansyon ni Gavin pero hindi din naman niya maikakaila na maganda din ang manor nina Brent

Inalalayan siya ng boyfriend niya na umakyat. “Sa tingin mo, ayaw sakin ni Manang?” Mahina niyang tanong Kay Brent. Kumunot naman ang noo ni Brent

“Bakit mo naman natanong?”

“Iba kase siya makatitig sakin eh. Parang ayaw niya sakin” niyakap siya ng boyfriend niya at hinalikan sa sentido

“Mabait si Manang Lolit, matagal na iyon samin, magmula nung bata pa ako ay siya ang nag alaga sakin dahil may sakit nun si mommy” sandali siyang natigilan at biglang na curious sa mommy ni Brent

“Hindi ba masungit ang mommy mo?” Kinakabahan kase siya sa di malamang kadahilanan

“No. Asahan mo na hindi ka niya kakausapin kapag nakita ka niya”

“Bakit naman?”

“Mommy was once a patient in mental hospital. I don't know what happened to her, pero nabaliw siya when I was a kid. Matagal na siyang gumaling pero minsan lang siya sumasagot kapag kinakausap, nakatulala lang siya” hindi niya alam kung bakit siya malungkot dahil sa kalagayan ng mommy nito

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon