PROPERTY XXX

603 12 1
                                    

PROPERTY XXX

Matagal bago nakapagsalita si Gavin. Nakaharap sakanya ang lalaki habang siya ay tulala lang din

“Ilang buwan ang pinagbubuntis mo?” Walang emosyon nitong tanong sakanya.

“S-sabi ng hilot, dalawang linggo pa raw…” mahina niyang sagot. Nakagat niya ang pang ibabang labi

Narinig niya ang paghinga ng malalim ni Gavin. Napasabunot ito sa sariling buhok at napahilamos sa sariling mukha.

“F*ck!” Mahina nitong mura at hinawakan ang kamay niya saka pinisil

“I'm sorry if I made you pregnant, it's not my intention. Anong gusto mong gawin ko?” Mahinang tanong ng lalaki at hinawakan ang tiyan niya

Napaigtad siya at nabigla pero nawala rin kalaunan. Hinimas ng lalaki ang tiyan niya

“W-wala akong maisip, Gavin. Ano sa palagay mo ang gagawin natin?” Hindi nakaimik agad ang lalaki at nanatiling nakatingin lang sa tiyan niya

“Tell me, Aria” sinakop ng buong kamay ng lalaki ang tiyan niya saka siya tinitigan sa mga mata ng diretso

“Do you want you to a mother of this child?” Seryoso ang asul nitong mga mata na nakatingin sakanya.

Nakagat niya ang labi. Isa lang ang pumasok sa isipan niya, ayaw niyang maging ina sa batang dinadala. Ayaw niya. Hindi siya handa at hindi niya kayang maging Ina sa bata

Marahan siyang umiling at tumingin kay Gavin. “H-hindi ko kaya….” Tuluyan na siyang umiyak sa harapan ng binata. Napabuga naman ng hangin si Gavin

“If Brent will going to find this I'm sure that jerk will going to kill me. Nabuntis ba naman kita….” Malamig na saad ng lalaki. Mas lalo siyang napaiyak nang maalala si Brent

Si Brent na tinitibok pa rin ng puso niya. Si Brent na mahal niya pa rin hanggang ngayon, si Brent na gusto na niyang mayakap at makasama.

“Don't worry, I'll help you, ipapa abort natin iyan” gulat siyang napatingin kay Gavin. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nagalit sa binata

Sinampal niya ito ng malakas. Nagulat at natigilan din ang lalaki pero hindi naman napaatras

“H-hindi ko kayang maging Ina sa batang ito pero hindi ko naisip na ipalaglag ito! Ano ba ang akala mo sakin Gavin?! Mamamatay tao?!” Nagngingitngit siya sa galit habang nakatingin sa binata

“N-nakapatay ako ng tao dati pero hindi ibig sabihin nun na papatayin ko kahit inosenteng bata” Dagdag niya. Hinawakan naman ni Gavin ang mukha niya bago iyon pahiran

“Then what do you want me to do?” Kinalma niya ang sarili at pinahiran ang luhang natira sa pisngi

“I-ipapanganak ko ang bata, Ikaw ang mag aalaga at magpapakalaki sakanya” nakagat niya ang ibabang labi

“M-mahalin mo ang anak natin, Gavin…. Wag mong sasabihin sakanya na ako ang nanay niya, hindi ko kayang maging Ina sakanya” sumikip ang dibdib niya at napahawak sa tiyan

“N-nakikiusap ako, Gavin” tinitigan niya sa mata ang lalaki. “W-wag mong papatayin ang magiging anak mo…. Hanapan mo siya ng ina na kaya siyang mahalin at alagaan” mahina niyang saad

“M-maraming babae ang mas deserving na maging anak ang batang ito…. At hindi ako iyon, sana humanap ka ng mabait at matinong babae na kaya siyang alagaan. Iyon lang” nakatitig lang sakanya si Gavin

Siya naman ay napaiyak. Kahit na ayaw niyang maging ina sa batang dinadala, masakit pa rin sakanya na iwan ito. Hindi pa man lumalabas ang magiging anak niya ay mahal na niya ito

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon