PROPERTY IV

1.3K 22 2
                                    

PROPERTY IV

Nagising si Aria sa hindi pamilyar na kwarto. Natigilan siya saka tumingin palibot. Nagtatanong sa sarili kung nasan siya

Napatingin siya sa suot niya. Isang oversized t-shirt na panlalaki habang may pajama naman sa ibaba. Hindi niya alam kung bakit ganito ang suot niya, sa pagkakaalala niya ay hindi ito ang damit na suot kagabi

“Asan ako?” Wala sa sarili niyang tanong at inalala ang nangyari kagabi

Bigla siyang natigilan nang maalala ang pagbenta ng tiya niya sakanya. Ang pag g*h*sa ng lalaking nagngangalang Quiro sakanya at ang p*gp*tay niya dito.

Hindi niya maiwasang mapangisi nang maalala na Patay na ito. Malamang sa malamang at nasa empyerno na ito.

Natigilan siya sa pag iisip nang may marinig ang pagbukas ng pinto. Nakita niya ang isang hindi pamilyar na lalaki

Kusang nagtama ang mga mata nila dahilan para kilabutan siya. Ang uri ng pagtitig nito sakanya ay malamig at para bang nilulunod siya sa karagatan dahil sa napakagandang kulay asul nitong mga mata

“Glad you're awake” maski ang boses nito ay malamig din

“S-sino ka? Nasan ako?” tanong niya sa lalaki. Hindi ito umimik at tumigil lang sa harapan niya

“I brought you here. You're in my house. Feel free to suit yourself here Aria. Dito ka na manatili” napatitig siya sa lalaki at nawalan ng emosyon ang mga mata niya

“Anong kailangan mo sakin?” Tumayo siya at lumapit dito saka walang emosyong tiningnan Ang lalaki. “pagsasamantalahan mo din ba ako gaya ng ginawa ng hayop na rapist ko?” Matapang niyang tanong dahilan para mamangha Ang lalaki

“Woah. You're amazing I like you already….” Natigilan siya sa sinabi nito pero pinanatili ang walang emosyong mukha

“But I'm here to help you. Not to do something bad to you Aria. I'm a friend” nginitian siya ng lalaki pero parang patay ang mga mata nito kung makatitig

“I'm Gavin Magnus Cavalcante by the way. And you?” Tanong nito sakanya. Wala naman sigurong masama kung sasabihin niya ang pangalan niya. Tutal ay tinulungan naman siya nito.

“Aria. Aria Perez” sagot niya. Napatango naman si Gavin at kaagad na lumapit sakanya saka hinaplos ang pisngi niya na ikinatigil niya

“I want to transform you into something Aria. I don't know what you've been through but seems like you hate the world. Same as me. How about we became friends?” Tanong nito sakanya at dahan dahang hinalikan ang gilid ng labi niya na ikinagiwi niya

“Friends don't kiss” Saad niya dahilan para mapangiti ito. Hinimas nito ang panga niya at ipinatingala sa lalaki

“That was just a friendly kiss” sagot nito sakanya at binitawan siya.

“Do you want revenge?” Tanong ni Gavin sakanya.

Sandali siyang natigilan. Gusto niya. Gustong gusto pero naisip niya na Wala siyang mapapala kung maghihiganti siya. Alam kase niyang talo siya kahit gumanti pa siya

“No need. Gusto ko lang na mabuhay ng tahimik” sagot niya Kay Gavin. Napahalakhak naman ang lalaki dahil sa sinabi niya

“Oh, so you want to have a peaceful life? I'm so sorry Aria. But the life I had is not simple and normal. It's very dangerous” natigilan siya sa sinabi nito

“I want you to work with me. In exchange, you stay here in my house…. But if you don't, feel free to leave” Napahinga siya ng malalim

Kung aalis siya, Wala siyang mapupuntahan, Wala siyang alam na lugar kung saan pupunta. Ayaw niyang umalis sa tabi ng taong tumulong sakanya, kaya in exchange, magtatrabaho siya dito

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon