PROPERTY XVII
Magkasiklop at magkahawak kamay silang dalawa ni Brent habang pumapasok sila sa museum. Maghang mangha si Aria sa buong paligid. Napagkuha pa ulit sila ng picture dalawa.
Dinala siya nito sa mga mamahaling restaurants at iginala pa sa kung saan. Sobrang saya ang naramdaman ni Aria ng nga panahong iyon. Gustong gusto niya ang pakiramdam na iyon
Hindi niya namalayan na hawak niya pa rin ng mahigpit ang kamay ni Brent na ngayon ay tuwang tuwa sa reaksyon niya. Para siyang bata habang inililibot niya ang paningin sa kahit saan na para bang ito ang unang beses niyang masilayan ang labas
Nang mapatingin siya Kay Brent ay nahihiya siyang napayuko. “you look cute, I love your smiles” puri nito na ikinapula ng pisngi niya
“You should always smile Aria. Smile for me” saad ni Brent at hinawakan ang mukha niya saka nito pinahiran ang iilang butil ng pawis sa mukha niya.
May kinuha ito sa bulsa. Isang panyo, pinahiran nito ang pawis sa leeg at mukha niya. Hindi niya maiwasang kiligin ng palihim dahil sa ginawa ng binata.
“There” mahina nitong bulong at ibinulsa ang panyo saka siya ninakawan ng halik sa labi. Pinagsiklop ulit ng binata ang kamay nilang dalawa at naglakad na sila.
“Saan tayo pupunta?” tanong niya sa binata
“Kahit saan, basta kasama kita” napaiwas siya ng tingin dahil sa sinabi nito. Nakapamulsa pa ang lalaki at parang walang pakialam sa paligid. Kitang kita niya rin ang simpleng pagsulyap ng iilang babae sa katabi niya. Kahit saan ay napapalingon Kay Brent habang ang kasama naman niya ay parang may sariling mundo at hindi pinapansin ang paligid
“It's already 6 in the evening” Saad nito habang nakatingin sa relo. Hindi niya rin nalamayan ang oras
“Gutom ka na?” Tanong ng binata sakanya. Napailing siya at nabaling ang tingin sa isang ice cream station sa di kalayuan. Napalabi siya ng palihim. Gusto sana niya kaso wala siyang pera at nakakahiya naman kung humingi siya Kay Brent
Napatingin siya sa binata at nagulat dahil nakatitig pala ito sa reaksyon niya. Napayuko siya sa hiya at ramdam din ang pag iinit ng pisngi niya.
“You want ice cream?” Nahihiya pa siya pero nagawa niyang tumango. Gusto talaga niyang kumain ng ice cream, ito ang comfort food niya kapag nalulungkot siya
Palagi siyang kumakain nito kada uwi galing skwela dahil palagi naman siyang malungkot
Hinawakan ni Brent ang kamay niya at hinila siya papunta sa gawi ng nagtitinda ng ice cream. Huminto sila sa tapat nito at agad siyang tumingin sa mga flavors. May ube, chocolate, mango, cookies and cream, pandan at marami pang pagpipilian. Napalabi siya dahil natakam siya sa lahat at gusto niya iyong tikman
“Magkano Kuya?” Rinig niyang tanong Kay Brent.
“Ay mura lang iho, may 50, 40, 30, at ang pinaka mura 20, Wala nang Tig sampung piso ngayon, mahal na ang bilihin” pabirong Saad ng matanda. Tumango naman si Brent at agad na tumingin sakanya
“Anong gusto mo?” Tanong nito at hinawakan ang bewang niya. Napatingin siya sa lahat ng flavors, gusto niya lahat tikman pero nakakahiya naman kay Brent, ito ang magbabayad
Akmang magsasalita na sana siya nang maunahan siya ni Brent. “I want the 50 pesos, lahat ng flavors po” nagulat siya sa sinabi ni Brent, maging ang tindero ay nagulat din pero napangiti din kalaunan
“Sige sir” masaya nitong hinanda ang order nila.
“Upo muna kayo sir, ma'am, bibilisan ko lang ang order niyo” inalalayan siya ni Brent na maupo. Magkaharap silang dalawa. Ramdam niya ang titig nito sakanya habang siya naman ay nakatitig lang sa mga hinandang ice cream. Natatakam na siya
BINABASA MO ANG
Montero's Property
Romance"Don't worry Aria, I'm here, ready to fix the broken you" -Brent Lincoln Montero BOOK COVER NOT MINE, CEEDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: PINTEREST
