PROPERTY VIII

851 16 1
                                    

PROPERTY VIII

Nakatulog si Aria nang hindi niya namalayan, at pag gising niya, nasa kwarto na siya kung saan siya pinatuloy ni Gavin.

Napabangon siya at napasapo sa noo saka inalala ang nangyari. Pag alala ang bumalatay sa mukha niya nang maalala si Brent. Is he okay? Gusto niya itong puntahan, kailangan niyang malaman kung ayos na ba ito

Bumangon siya sa kama at agad na naligo saka nag bihis. Nang lumabas siya ay kusa siyang natigilan nang makita si Gavin na nakaupo sa kama niya habang nagsisigarilyo. Hinihintay siya

Napahigpit ang kapit niya sa tuwalya na nakabalot sa katawan niya. Malamig siyang tiningnan ni Gavin bago ito tumayo at kaagad na may kinuha sa cabinet niya

“Here, next time, bring you own clothes with you” tumango lang siya at kinuha iyon

“Salamat po” kaagad siyang pumasok at isinuot ang mga damit. Hindi naman siya nakaramdam ng ilang Kay Gavin, sa katunayan ay komportable siya sa lalaki

Nang lumabas siya ay nakita niya pa rin ito sa kama niya, pero hindi na nakasigarilyo Ang lalaki.

“Sir here Aria” Itinuro ni Gavin ang katabi nito, senyales na doon siya gustong paupuin ng lalaki.

“I'm glad about your performance last night. You're good at fighting. I'm glad that you k*lled Moreno” natigilan siya dahil sa sinabi ng lalaki

Doon pumasok sa isipan niya si Brent. Hindi naman siya ang p*matay Kay Moreno at mas lalong hindi siya ang nagpatumba ng iba pang tauhan nito, si Brent. Kumusta na kaya ang lalaki?

“H-hindi po ako ang p*matay kay Moreno” napayuko siya at napakutkot sa daliri nang sabihin niya iyon. Hindi siya pwedeng magsinungaling, ayaw niyang magsinungaling lalong lalo na Kay Gavin, pakiramdam kase niya ay kahit magsinungaling siya mahuhuli at mahuhuli pa rin siya

Narinig niya ang pagngisi ng lalaki. “Oh, I never thought you'll tell the truth Aria. Well, I know it, hindi Ikaw ang nagpatumba at lumaban Kay Moreno. It was Brent right?” Tumango siya habang hindi pa rin makatingin sa mga mata ni Gavin

“Look at me Aria” napahinga siya ng malalim bago sinalubong ang walang emosyon na mukha ni Gavin. Napalunok siya dahil bigla siyang natakot

Hinawakan ni Gavin ang panga niya at iniharap iyon sa binata. “Since you break the rules that I made, you two will face the consequences…. Mapaparusahan kayong dalawa” ngumisi si Gavin sakanya habang siya ay hindi nakaimik

“P-pwede bang ako nalang po? S-si Brent kase, nabaril siya kagabi” saad niya dahilan para matigilan si Gavin. Binitawan nito ang panga niya habang nakatitig pa rin sakanya ang lalaki

“Yeah I know. Kapag gumaling na siya saka naman niya matatanggap ang parusang para sakanya. You also have your own punishment” umiling siya at hinawakan ang braso ni Gavin. Nagmamakaawa, hindi niya alam kung bakit ayaw na niyang masaktan pa si Brent, naaawa siya sa lalaki

“W-wag…. Ako nalang please…. Tutubusin ko nalang siya” naoahinga ng malalim si Gavin saka ngumisi. Sinuklay nito ang buhok gamit ang daliri saka siya hinawakan sa kamay

“Are you sure?” Tumango siya. “Then let's go to the basement, doon kita paparusahan” ngisi nito. Takot siya, hindi naman siya robot para hindi makaramdam ng takot, sadyang kailangan niya lang iyon harapin para sakanila ni Brent. Ang binata ang nagsakripisyo sakanilang dalawa kagabi, siya naman ngayon. Pambawi nalang sa lahat ng sakripisyong ginawa nito sakanya kagabi

Nang makapunta siya sa basement ay nadagdagan ang takot na naramdaman niya. Madilim sa loob ng basement, may basement sa ilalim ng bahay ni Gavin

Kumalat ang ilaw sa buong paligid at bumungad sakanila ang napakaraming bagay na pang torture. Natakot siya, hindi siya tanga para hindi malaman na dito siya paparusahan. Kinikilabutan siya habang inilibot ang tingin sa buong basement, nakakatakot ang itsura, may mga bungo pa ng tao ang nandito

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon