PROPERTY VI

1K 18 0
                                    

PROPERTY VI

“Aria….”

Napalingon siya kay Brent nang magsalita ito kalaunan. Seryoso ang gwapong mukha ng katabi at tumingin sakanya ng diretsahan.

Napaiwas siya ng tingin nang makaramdam ng pagkabog sa dibdib.
Bakit ba ito ang naramdaman niya?

“Are you sure you can do it?” Tumango siya Kay Brent nang hindi tumitingin sa binata

“O napipilitan ka lang dahil sa utang na loob?” Doon siya natigilan. Tama naman din ito. Pero hindi siya napipilitan

“Wag ka nang tumuloy….” Gulat siyang napatingin kay Brent na ngayon ay matiim na nakatitig sakanya. Hinawakan nito ang isa niyang kamay dahilan para mas lalo siyang matigilan

“H-hindi pwede….” Nauutal niyang sagot. Nandito na sila. Nandito na siya Wala nang atrasan

“Talaga bang ito ang gusto mo Aria?” Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak sakanya ni Brent. Halos mapugto ang hininga niya nang lumapit ang mukha nito sakanya

“You look innocent. I know you can't kill people. Hindi ka mamamatay tao Aria, even though you always look emotionless, I knew that you're kind” mahinahon na Saad ni Brent nang hindi pinuputol ang titig nito sakanya.

Siya naman ay di makapagsalita. Hindi alam kung bakit kung makapagsalita ang lalaki ay parang kilala siya nito

“Don't let Gavin use you. Hindi magandang tingnan na papatay ka” sumeryoso ang mukha niya at saka inagaw ang kamay sa lalaki saka nag iwas ng tingin dahil sa nakakabinging kabog ng dibdib

“Wala na akong aatrasan master Brent. Nandito na ako kaya gagawin ko na. After all hindi na ako inosente gaya ng iniisip mo. Nakapatay na ko” nawalan ng emosyon ang mukha niya habang sinasabi ang panghuli

“Aria look at me” walang emosyon niyang tiningnan ang lalaki na ngayon ay matamang nakatitig sakanya

“Please…. Ako nalang ang gagawa ng misyon. I can't barely watch you killing Moreno, ako nalang ang papatay sakanya” hindi siya nakinig dito at ipinagsawalang bahala ang sinabi ng lalaki at di nalang umimik

Hindi pwede ang iniisip nito dahil misyon niya ito. Siya dapat ang magtrabaho para dito at tumapos

Hanggang sa makarating sila sa lugar kung saan gaganapin ang misyon, Wala pa rin sa sarili si Aria. Hanggang sa makababa ng sasakyan

Nakita niya ang isang malaking mansyon sa di kalayuan. Sinabi na ni Gavin ang gagawin niya. Kailangan lang niya patayin si Moreno, nakawan ito at agad na bumalik sa naghihintay na sasakyan

Akmang aalis na siya dala ang gamit niya nang may kamay na pumigil sakanya. It was Brent. Seryoso ang mukha ng lalaki pero kita niya na ayaw nitong tumuloy siya

Inalis niya ang pagkakahawak nito pero binalik pa rin ng lalaki kaya naman inis niya itong tiningnan

“Ano bang problema niyo? Pwede ba bitawan niyo na ako para matapos ko na ang misyon?” Natigilan si Brent sa uri ng boses na ginamit niya pero hindi naman nagsalita

“Fine, but I'll come with you…. Just in case you need me” hindi niya ito pinansin

Nagdadalawang isip ang binata na bitawan siya pero walang nagawa kundi ang bitawan siya ng dahan dahan kahit na ramdam niyang labag sa loob ang pagbitaw nito sakanya

Akmang maglalakad na ulit siya nang hawakan ulit siya ni Brent. Napapikit siya at handa na sanang singhalan ang lalaki pero nang humarap siya ay kaagad itong nagsalita

“Mag iingat ka….” Mahina nitong saad dahilan para umatras lahat ng naipong inis sa dibdib kanina at napalitan ng hindi pamilyar na emosyon

Natigilan siya sa sinabi nito. Napahinga siya ng malalim nang magsimula na namang magwala ang maingay na kalabog ng dibdib niya. Siguro dahil ito ang unang beses na may isang taong magkaroon ng concern sakanya.

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon