PROPERTY IX

823 11 0
                                    

PROPERTY IX

Humiwalay siya ng yakap at napaiwas ng tingin nang makitang nakatitig sakanya si Brent. Bigla siyang nahiya sa inakto. Bigla siyang nahiya sa pagyakap dito. Hindi naman halatang na-miss niya ng konti ang binata

“K-kumusta ka na pala? M-maayos ka na ba?” Mahina niyang tanong at tiningnan ang braso nitong nakabenda, makikita pa rin ang mga pasa sa mukha

“I'm good. Don't worry about me, how about you? Did you sleep well last night?” Tumango siya saka naalala ang tama nito sa tiyan

“May tama ka kagabi, kumusta naman? Natanggal na ba ang bala?” Nginitian siya ni Brent na sandali niyang ikinatulala. Napalunok siya

“Ayos na ako Aria. Nakuha na ang bala sa tiyan ko kagabi” sandali siyang napatitig dito

“Umupo ka muna, baka kase mapwersa ka” mahina niyang saad at inalalayan itong maupo, naupo na din siya sa katabi nito at sandaling natahimik

“Aria….”

“Hmm-mm?” Nakatitig sakanya si Brent saka nagsalita

“Kapag gumaling na ako, pwede bang lumabas tayo? Gusto ko kaseng…. Maging kaibigan ka” dahil sa sinabi nito ay hindi niya maiwasang magulat.

Maging kaibigan? Siya? Hindi siya makapaniwala. Ito ang unang beses na may nakipagkaibigan sakanya na lalaki. Puro mga babae Ang gustong makipag kaibigan sakanya dati pero kahit isa ay wala. Walang nanatili at nagtiis

“A-ayaw kitang maging kaibigan….” Mahina niyang sagot. Ayaw niyang masaktan ulit. Nagkakaroon siya ng mga kaibigan dati pero kapag lumipas na ang mga iilang araw ay iiwanan na siya ng mga ito

Masakit iyon para kay Aria. Kung kailan unti unti na siyang nasasanay ay mawawala na naman ang mga ito at hahayaan na siya na para bang hindi siya nito kilala.

Gulat na tumingin sakanya si Brent. “W-why? Ayaw mo ba sakin?” Seryoso nitong tanong sakanya. Ayos lang naman maging kaibigan si Brent, hindi lang siya sanay sa binata dahil habang Kasama niya ito ay parang may naramdaman siyang kung ano na hindi pamilyar sakanya

Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay masasaktan siya dito, pero siguro sa isip niya lang iyon.

“Aria” hinawakan ni Brent ang kamay niya kaya naman ay kinuyom niya ito. Nagulat kase siya at parang may naramdamang kung ano

Napansin iyon ng binata kaya binitawan nito ang kamay niya. “Hindi naman ako mananakit Aria. Malinis ang intensyon ko, gusto kitang maging kaibigan….” Tumitig siya sa mga mata nito at hindi umimik

Nang hindi niya makayanan ang titig nito sakanya ay siya na ang nag iwas ng tingin dito. Tumayo siya, ayaw na niyang pahabain pa ang pag uusap nilang dalawa

“Aria–

“Umuwi ka na Brent. Magpahinga ka ng mabuti okay?” Tipid niya itong nginitian saka hinaplos ang buhok nito. Napangiti siya habang nakatitig dito

“Times up! Go home now Montero, visiting hours is over” malamig na saad ni Gavin at tumingin sakanya

“Go back to your room Aria” tumango siya at agad na tumalikod.

Nakakailang hakbang palang siya pero parang may nag udyok sakanya na tumingin pabalik. Nang lumingon siya ay nakita niyang nakatitig si Brent sakanya.

Wala sa sarili siyang napahawak sa dibdib niya habang pinakatitigan maigi ang lalaking hindi naman niya kilala pero iba ang epekto sakanya

KINAGABIHAN, handa na sanang matulog si Aria pero iilang katok ang narinig niya mula sa pintuan. Kaagad niyang binuksan iyon at bumungad sa kanya si Gavin na seryoso ang mukha

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon