PROPERTY XXVII
Nakatitig lang si Aria sa kisame habang nakahiga sa kama kasama si Brent. Mahimbing ang tulog ng lalaki. Tiningnan niya ito at nakita ang payapa nitong mukha habang natutulog
Napahinga siya ng malalim at napailing. Hindi niya alam kung bakit hindi man lang nabawasan ang pagmamahal niya sa lalaking katabi.
Dapat nandidiri na siya pero hindi niya alam kung bakit naglaho lahat kahit pa alam niyang kapatid niya si Brent
Nakayakap ang mala-ahas nitong braso sa bewang niya at nakatanday ang mabigat nitong binti sakanya. Sinisiguro talaga ng binata na hindi siya makatakas
Pero hindi ito maaari. Oo at mahal pa niya ang lalaki pero hindi iyon sapat para ipagpatuloy nila ang relasyon nilang dalawa. Sa mata ng batas at sa mga tao, kasalanan ang ginagawa nila
Dahan dahan niyang inalis ang braso nito at ang binti na nakatanday at dahan dahan na bumangon. Kailangan niyang makausap ang ama ni Brent. Kailangan din niyang makita ang mama niya.
Hindi niya alam kung saan hahanapin ang ama ni Brent. Kung saan saan na siya napapadpad dahil sa laki ng mansyon na ito. Hindi man ito kasing ganda at laki ng mansyon ni Gavin pero alam niyang sapat na iyon para maligaw siya
Napatingin tingin lang siya sa paligid at namamangha sa mga mamahaling vases, mga antique at mga pictures na nakasabit doon.
Nahinto ang tingin niya sa isang picture frame. Isang litrato iyon ng masayang pamilya
Kinuha niya iyon at pinakatitigan. Ang mama niya kasama si Romenick at si…. Brent
Kuha iyon nung graduation ng lalaki. Hindi niya maiwasang makaramdam ng pait sa dibdib lalo na at mukhang masaya ang mga ito.
Mabuti pa si Brent at nakasama ang mama niya. Hindi niya maiwasang mainggit sa lalaki dahil nagkaroon ito ng masayang pamilya na noon niya pa pinangarap
Mabuti pa si Brent at naranasang masabitan ng mga medals na noon niya pa gustong maranasan. Kada may achievements siya sa school ay walang ibang magsasabit sakanya kundi mga teachers lang
Napailing si Aria saka ibinalik niya ang picture frame. Gusto lang niyang makita ang mama niya, Wala siyang balak kunin ito o di kaya ay isama ito sakanya
Wala siyang bahay na matitirhan at hindi niya rin alam kung paano ito alagaan. Nakikitira lang din siya kay Gavin.
“Saan ka pupunta iha?” Napatingin siya sa nagsalita at nakita si Romenick.
Nakahinga siya ng maluwag at tumingin sa lalaki. “Tito gusto ko na pong umuwi” saad niya. Natigilan naman ang lalaki
“Saan ka nakatira? Doon pa rin ba?” Umiling siya saka nag iwas ng tingin sa lalaki. Ayaw niya dito dahil naalala pa niya noon kung paano siya nito pagsalitaan ng masasakit na salita, kung paano siya nito hindi tanggapin bilang isang anak
Akala siguro ng lalaki ay hindi niya iyon narinig noo. “Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero gusto ko na pong umalis dito” seryoso niyang saad
Napangisi si Romenick sakanya. “Then how about my son? Iiwanan mo ang anak ko?” Matalim siyang napatitig sa lalaki
“Magkapatid kaming dalawa kaya Wala nang dahilan pa para manatili ako dito. At isa pa, wag mong kokonsentihin si Brent sa mga kabaliwan niya” galit talaga siya sa lalaking ito.
“Oh? I'm afraid I can't help you iha” nagkunwari itong malungkot sa harapan niya dahilan para mapakuyom ang kamao niya
“Why are you tolerating him Tito? Magkapatid kaming dalawa, magkadugo, hindi ba kayo nandidiri na ang anak niyo may relasyon sa anak ng asawa niyo? Kahit hindi niyo ko anak pero still anak pa rin ni mommy si Brent! That makes him my brother!” Seryosong tumingin si Romenick sakanya at napailing
BINABASA MO ANG
Montero's Property
Romance"Don't worry Aria, I'm here, ready to fix the broken you" -Brent Lincoln Montero BOOK COVER NOT MINE, CEEDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: PINTEREST