PROPERTY XXXIII

623 14 1
                                    

PROPERTY XXXIII

Walang emosyon ang mukha ni Aria habang inilibot ang buo niyang tingin sa pinagdalhan sakanya ni Gavin. Hindi siya dapat apektado, at hindi dapat siya natatakot, pero may parte sakanya na nangangamba. Ah, hindi siya ito

Napahinga siya ng malalim at pumikit, pilit inaalala ang iba pang mga nangyari sa buhay niya bago siya na amnesia at hindi makaalala

Isang taon na magmula nang magising siya sa coma. Gavin, her boss told him who she is and what's her role to his life. Iilan lang ang naalala niya tungkol sa buhay niya noon bago siya maaksidente. Although she got an amnesia, it was just temporary, babalik pa ang iba sabi ng doktor niya

Nang magkamalay siya ay si Gavin ang una niyang naalala, bago ang pangalan niya. Hindi niya maiwasang maalala kung paano siya magulat nang malamang may anak na pala siya. Anak nilang dalawa ni Gavin

He ask him if they had an affair before, or do they love each other pero ang sabi ng lalaki, Wala. It was an accident. A plain accident. The man accidentally impregnate her and that make sense to her now. Marami pa itong sinabi at inamin sakanya, kung paano siya nito nakita at ano ang nangyari bago siya mawalan ng alaala, at may lalaki itong binabanggit na hindi naman niya kilala.

She always had a dream about a man. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng lalaki pero sapat na iyon para kahit paunti unti, maiguhit niya ito, at kada mananaginip siya patungkol sa lalaki, iginuguhit niya para kahit papaano ay maalala niya.

Pero parang may mali…. Parang may kulang sakanya. Parang may gusto siyang maalala na hindi niya magawang alalahanin. Pinilit niya. Pero nauuwi sa pagsakit ng ulo at pagdurugo ng ilong kapag ginawa niya iyon, at iyon ang ayaw na mangyari ni Gavin

Kapag tulala naman siya, kusang sumasakit ang dibdib niya at kumakabog ng husto ang puso niya na para bang may naalala ito, kahit wala namang naalala ang puso niya, parang may hinahanap ito at hindi niya alam kung ano

Gusto niyang hanapin ang sagot sa mga tanong niya. Gusto niyang malinawan, at hihintayin niya ang oras na kusa siyang makaalala, pero minsan, naaatat siyang malaman kaagad ang sagot sa mga tanong niya

“Are you sure about this, Aria?” Malamig na tanong ni Gavin sakanya nang pumasok ang lalaki.

Nakaharap siya sa salamin suot ang damit na panglaban. Sasali siya sa pag eensayo, gusto niyang pumasok sa sinasabing organisasyon ni Gavin.

“Oo boss, gusto ko sumali dito” may pag aalangan ang mukha nito

“The other founders are also here, handa ka na ba talagang makaharap siya?” Nagtatanong siyang tumingin sa lalaki

“Sinong siya?”

“Hindi mo pa rin pala maalala” namulsa ito at naglakad papunta sa likuran niya saka siya pinakatitigan

“May dapat ba akong maalala?” Makahulugan lang na nakatingin sakanya ang lalaki bago nagkibit balikat at umalis sa likuran niya

Napatingin siya sa nilabasang pinto ni Gavin. Naiwan siya sa loob na may nabubuong maraming katanungan sa isip

Lumabas siya at tumingin sa mga taong nasa malaking dining hall ng hideout nina Gavin. Nilibot niya ang tingin at nakita ang iilang mga nakaitim na lalaki sa loob

Kung hindi sanay ang pumunta dito, paniguradong matatakot dahil sa itsura ng hall nila. Nakakatakot ang mga tao, kahit saan, alam niyang walang inosente sa mga ito,  maski siya alam niyang hindi siya inosente

Alam niyang nakagagawa na ng masama ang mga taong nandito. Hindi niya rin maiwasang matakot pero kaagad naman iyong nawawala

Kusang nabaling ang tingin niya sa dalawang lalaki sa may di kalayuan. Natigilan siya nang mapatitig sa mga ito, lalong lalo na sa isang lalaki na nakaawang ang labing nakatitig sakanya

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon