THIRD PERSON’S POV
“Kapag nagawa mo akong natalo sa duwelo nating dalawa… Papayag akong maging sa iyo. Pero kapag ako naman ang nanalo… Pasensyahan tayo,” seryosong saad ni Myxsica at mas lalong sumeryoso si Vox.
Wala ‘ni isa ang umawat sa dalawa. Nakatanaw lamang sila sa himpapawid habang nakatingin sa dalawa na naglalaban na. Ang bawat pagsugod ni Vox kay Myxsica ay buong pwersa at basang-basa nila na gusto nitong manalo. Habang nakatingala ay hindi maiwasan na hindi mapailing ni Abriya.
“Tingin mo ba mananalo ang Prinsipe Vox laban sa Prinsesang ayaw ng obligasyon at karelasyon?” tanong ni Frasia.
Napangisi na lang si Hyx sa kaniyang nakikita at naiiling sa nangyayari. Ang bawat kilos at galaw ng dalawa ay halatang walang gustong magpatalo. Si Abriya naman ay inoobserbahan ang kung ano ang mangyayari at sa kung sino ang mananalo. Pareho kasi halos ang lakas nila at kahit na saang angulo tignan ay napapantay ang lakas ng Prinsipe sa lakas ni Myxsica.
“Hindi ako makapaniwala na sa gitna ng mga nangyayari sa atin ngayon ay nagagawa nilang maglaban ng ganito,” kumwento ni Kelson.
Lumipad sila paitaas at doon pumuwesto at muling pinanood ang laban ng dalawa. Sa bawat kilos at galaw ni Myxsica ay nagagawang sabayan ni Vox. Namangha naman si Myxsica sa pinapakitang lakas ni Vox at hindi niya maiwasan ang hindi mapangiti. Naglabas na ng espada si Vox at gano’n din ang ginawa ni Myxsica. Sa pagkakataon na ‘yon ay agad niyang sinalag agn atake na ginawa ni Vox sa kaniya at nakikita nito sa mga mata ni Vox na handa itong gawin ang lahat matalo lamang siya.
Habang tinitignan niya ang mga mata nito ay may kakaiba s’yang napansin. Tumingin ito sa paligid niya at may naramdaman siyang kakaiba. Alam niyang may kakaiba at alam niyang may kung ano sa katauhan ni Vox.
“Xiphus,” seryosong tawag ni Myxsica. “Xiphus! Wake up!” mariing sabi nito. “What the fuck is happening to him?” inis na tanong nito sa kaniyang sarili.
Pumakawala ng malakas na kapangyarihan si Vox dahilan para tumalsik si Myxsica. Napansin naman ni Abriya na may kakaiba na mula sa kanilang Prinsipe at agad naman na pinuntahan si Myxsica.
“Ano na ang nangyayari?” tanong ni Hexon.
“Hindi na siya ‘yan,” sabi naman ni Abriya habang inaaalalayan si Myxsica.
“Naglalaban lang kayong dalawa may sumanib na sa kaniya?” pilosopong sabi naman ni Fracia.
“May kalaban sa paligid,” pabulong na sabi naman ni Myxsica at saka ito tumingin kay Vox.
Nang makabawi ito ay saka siya tumayo at bumaba naman si Vox sa kinalalagyan nila. Mula sa isang madilim na sulok ay may nakapulupot na mga may tinik na halaman sa kaniyang katawan. Hindi siya makawala at mula sa harapan niya ay nakita niya si Helicus sa kaniyang harapan. Nakangiti ito at nakatingin sa kaniya habang siya naman ay nahihirapan.
“Hindi ko alam na darating ang araw na ito para sa ating dalawa, Vox.”
“Pakawalan mo ako dito! Hindi ka patas lumaban!” galit na sabi nito at saka pilit na kumakawala.
Sa kakapiglas niya ay nagkakaroon na siya ng sugat sa iba’t-ibang parte ng kaniyang katawan at sa pagkakataon na ‘yon ay mas lalo pa s’yang nanghihina. Ngiti lamang ang naigagawad ni Helicus sa kaniya at natutuwa ito sa kaniyang nakikita. Ang bawat eksenang kaniyang nasasaksihan ay labis na saya sa kaniyang puso.
Mula sa kaniyang likuran ay hawak nito ang isang bilog na liwanag na siyang nagkokontrol sa katawan ni Vox. Habang nakatingin ito kay Myxsica na no’n ay katatayo lang ay mas lalong lumawak ang niti sa labi nito.
“Hindi kumukupas ang ganda mo, Myxsica. Para kang isang bulaklak na namumukadkad,” sabi nito habang pinagmamasdan si Myxsica.
Nang makatayo na si Myxsica ay pinagpagan nito ang kaniyang sarili at saka siya tumingin kay Vox. Ang tingin na walang kahit na ano mang mababasa sa kaniyang mga mata. Nagsikilos naman ang ibang mga kasama ni Myxsica at saka ito tumingin sa lalaking nasa harapan niya. Unti-unti niya itong nilapitan habang ang espada niya ay nakatapat sa lalaking nasa harapan niya. Nakikita niyang walang kahti na ano mang emosyon sa mukha ni Vox at alam niya rin na hindi si Vox ang nasa harapan niya.
Mula sa likuran niya ay nakita niya ang aatake kay Vox at agad niya itong kinalaban. Nang magawa niya ‘yon ay saka naman tumingin si Vox sa kaniyang likuran at ngumiti kay Myxsica. Tinignan ni Myxsica ulit si Vox sa mga mata nito at doon niya nakita nito ang kung sino ang kumokontrol sa katawan ni Vox.
“Ituloy natin ang laban. Ituloy natin ang napagkasunduan. Kung gusto mo akong maging sa iyo. Dapat maging patas ka sa laban,” sabi nito at saka naman napangisi si Vox sa kaniya.
Ngisi rin ang iginawad ni Myxsica at niya sineyasan na sumugod si Vox na siya namang ginagawa nito. Pero habang sumusugod ito ay gumagawa si Myxsica ng paraan para mapaalis si Helicus sa katawan ni Vox. Nagtama ang pareho nilang espada at saka sila nagkatinginan. Mata sa mata at wala ‘ni isa ang kumukurap.
Unti-unti ay nakikita ni Helicus ang kaniyang sarili sa mga mata ni Myxsica. Napahinto ito at saka nanlaki ang kaniyang mga mata at hindi makapaniwala sa nangyayari. Bahagya itong napaatras at saka siya napatingin kay Vox na no’n ay nakatingin sa kaniya.
“That’s my girl,” bulong nitong sabi.
Malakas na naitulak ni Myxsica si Vox at saka ito napaatras ng bahagya at tumayo siya ng tuwid at saka hinawi ang kaniyang buhok. “Hindi ako magtataka sa kung paano kang nakapasok sa loob ng katawan niya. Pero isa lang ang masasabi ko…” Tumingin muli si Mysica kay Vox at saka mabilis na pumakawala ng kakaibang kapangyarihan.
Sa lakas no’n ay halos humiwalay ang kaluluwa ni Vox sa katawan niya pero sa sandali rin na iyon ay naalis sa katawan ni Vox si Helicus. Parehong katawan nila ang tumalsik at tumama sa mga puno at parehong distansiya ang nagawa nilang dalawa. Mabilis na sumugod si Myxsica kay Helicus at saka ito sinakal sa leeg.
“Hindi ka magaling magpanggap, Helicus. Hindi ka rin magaling gumamit ng kapangyarihan mo babaing mangkukulam,” sabi nito.
Mula sa lukuran niya ay tinapat naman ni Myxsica ang kaniyang kamay dahilan para lumabas ang espadang makapangyarihan. Sa pagkakataon na ‘yon ay nagawa niyang masaksak sa tiyan ang babaing mangkukulam. Agad na bumagsak ito sa sahig at saka niya sunod na sinaksak si Helicus. Sa puntong ‘yon ay ngiti ang iginawad ni Myxsica sa kanila.
“Alam kong hindi kayo basta-basta namamatay. May sa pusa kayo, e. Pero pakisabi kay Hellgurd na… sa oras na makita ko siya magtutuos kaming dalawa,” sabi nito habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOM
FantasyAko si Xyca Myxsica Frijado- ang babaing mayroong lila at dilaw na mga mata. Maski ang kulay ng aking buhok ay naiiba dahil ito'y kulay puti na ang dulo ay ginto. Ang magkaroon ng natatanging kapangyarihan na naiiba sa iba ay hindi ko kailan man hi...