MYXSICA’S POV
Hindi ako pinatahimik ng lalaking nasa harapan ko at kung ano-ano ang mga itinanong nito sa akin. Wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang takpan ang tainga ko at hindi siya pansinin. Habang hinihintay ko ang hari at reyna ay kailangan kong pagtyagaan ang kaingayan niya.
“Ano at naririnig ko ang iyong ingay mahal na Prinsipe?”
Natahimik ang Prinsipe at saka lumingon sa kan’yang ina. Ako naman ay napayuko at kasunod nito ang Hari. “Kinagagalak kong makita kayo mahal na reyna at mahal na hari,” magalang na saad ko at saka ako tumingin sa kanila.
“Kinagagalak ka rin naming masilayan,” sabi ng reyna. “Ngunit ano nga ba ang iyong ginagawa dito?” tanong niya sa akin.
“Ipagpaumanhin ninyo ngunit—” naputol ang sasabihin ko nang biglang sumingit sa harapan ko ang Prinsipe.
“Ikasal niyo na kami agad!”
“Xyphus! Hayaan mo muna s’yang masabi ang sasabihin niya. Hindi ‘yong nakikisingit ka sa usapan!” suway ng Prinsesa. “Ipagpaumanhin mo ang aking kapatid…” tumingin ito sa akin na tila tinatanong ang pangalan ko.
“Myxsica.”
“Myxsica.”
“Ahh… Myxsica, ano nga ang iyong sasabihin?” ani ng Hari.
“Nais ko sanang sabihin na hindi ako ang nanalo,” saad ko.
“Pero ikaw ang nakita naming nanalo, Myxsica,” sabi ng Reyna.
Napakuyom ako ng kamay ko nang sandaling iyon. “Ipagpaumanhin ninyo ngunit isa lamang iyon pagkakamali. H-Hindi ko lang napigilan ang aking sarili,” pagpapaliwanag ko.
“Malinaw ang nakita namin sa paligsahan na iyon, Myxsica. Hindi namin p’wedeng ipasa sa iba ang panalo kung ang natalo mo’y nakahimlay pa,” sabi naman ng Prinsesa.
“Gusto mo rin bang mahimlay?” tanong ng Prinsipe sa akin. “Mahimlay sa piling ko?” dagdag pa nito.
Napangiwi ako sa sinabi niya at saka ako tumingin sa Hari at Reyna. “Xiphus! Ganiyan ba ang natutunan mo sa mga mortal?!” ani ng Prinsesa.
“Ano nga ba ang dahilan bakit gusto mong magpatalo at ipasa sa iba ang iyong panalo?” tanong nang Hari.
“Dahil ayaw ko ng responsibilidad,” agad kong sagot.
Katahimikan ang namutawi sa buong paligid at dama ko ang tila pagtataka ng Hari ay Reyna. Nakita ko naman na napatango ang Prinsesa pero doon ay nakita ko kung paanong sumeryoso ang mukha ng Prinsipe. Iyong kaninang makulit nitong aura ay napalitan. Para bang may nasabi akong mali.
“Hindi mo kailangan ipasa sa iba ang responsibilidad na sa iyo ibinigay,” saad nito. “Ang dahilan kung bakit ka nanalo kanina’y dahil ikaw ang itinakdang magtatanggol sa kaharian ng Arendelle,” dagdag pa niya.
“Wala akong pakialam sa kaharian n’yo at wala akong pakialam sa kung sino ang magtatanggol dito. Marami kayong mga makapangyarihan ang nabubuhay dito kaya hindi n’yo p’wedeng iatang sa iisang tao ang Arendelle at buong Ethrejal,” galit kong sabi at saka ako tumalikod at umalis.
Hindi ko kayang makipag-usap sa mga gano’n ang pag-iisip. Nang makarating ako sa k’warto ko ay nakita ko ang litrato ko na kasama ang nakilala kong mga magulang. Pumatak ang luha ko nang hindi ko namamalayan at sa pagkakataon na ‘yon ay nakatulog ako dahil na rin sa pagod. Hindi na ako nag-abala pa na kumain dahil nawalan ako ng gana.
Kinabukasan pagkagising ko ay naririnig ko ang ingay sa labas. Mukhang may hindi kami inaasahang bisita ngayon. Bumangon ako at naligo at saka nagbihis. Hindi ko alam kung mayroon kaming klase o wala. Nang makalabas ako ng silid ko ay naroon na sina Fracia, Akia, Jelaia at ang kambal na sina Hexon at Kelson.
“Ano ang nangyayari?” tanong ko sa kanila.
“Mayroong bisita mula sa mundo ng Devunieake,” sabi ni Fracia.
Pero kataka-taka na takot ang nakikita ko sa mga mata nila. Lumabas ako at doon ko nakita kung paanong ang kalahati ng kaulapan ay naging itim. Napatingin ako sa kung sino ang mga dumating at doon ko nakita ang isang lalaki na mayroong pangit na korona sa kan’yang ulo at ang kan’yang sinasak’yan na hayop.
Uso talaga dito ang kakaibang hayop. Pati mga amo nila hayop din, e.
Bumaba ang lalaki na ‘yon at saka naman saktong dumating ang Hari, Reyna, Prinsipe at pati na rin ang Prinsesa. Nakita ko kung gaanong katalim ang tingin ng mga ito sa mga dumating. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na dumalaw sila pero ito ang unang pagkakataon na masilayan ko sila ng malapitan. Noon kasi ay hindi p’wedeng lumabas ang mga baguhan. Lalo na kung hindi ka pa bihasa sa iyong kapangyarihan at hindi mo pa alam ang iyong lakas.
“Kinagagalak kong muli kayong masilayan Haring Lixon, Reyna Fraville, Prinsesa Arennaia at Prinsipe Xiphus,” ani ng lalaking may pangit na korona.
“Ano na naman ang iyong rason at naparito ka?” seryosong tanong ng Prinsipe.
Iyong aura niya kanina ay hindi naalis. Tila ba nawala ang pagiging makulit nito at para na s’yang sinaniban ng demonyo. Gano’n pa man ay ang g’wapo pa rin nito. May angking kagwapuhan rin naman ang lalaking kaharap niya pero ang pangit pa rin ng korona nito.
“Alam niyo kung ano ang pakay ko,” sagot nito.
Nakita ko kung paanong nagtiim bagang ang Prinsipe at sa kung paano n’yang ikuyom ang kamay niya. “Wala dito ang pakay mo at ilang beses ba namin sa ‘yo kailangang ulitin na wala ang babaing hinahanap mo!” galit na sabi ng Prinsesa.
Naging alerto ang lahat nang bigla na lang naglabas ng sandata ang lalakinat ako naman ay nanatiling nakatayo lang. Sumugod ito sa Prinsesa na agad ko namang pinuntahan at saka sinalag ang espada niya. Sa pagkakataon na ‘yon ay nagulat sila sa ginawa ko pero mas nagulat ang lalaking nasa harapan ko.
Tinulak ko ito nang p’wersahan gamit ang pagkakasalag ko sa espada niya at saka ko tinapat ang palad ko sa kan’ya at nagpakawala ako ng makapangyarihang tubig at binalot siya ng yelo. Pero dahil sa apoy nito ay mabilis niya itong natunaw kaya naman agad akong naglabas ng mga matitinik na alambre at pinulupot ito sa kan’ya.
Wala itong naging palag sa ginawa ko at saka ko tinignan ang mga kasama nito. Mayroon pa itong isa pang kasama pero tinapat ko ang kamay ko sa kan’ya at saka ako naglabas ng apoy.
“Sinabi na ngang wala ang hinahanap n’yo hindi ba?” ani ko sa malamig na boses. “Hindi ba kayo nakakaintindi? O wala sa kalingkingan niyo ang umintindi?” saad ko pa.
Nakita ko kung paanong napakuyom ang lalaki ng kamay biya at pilit na kumakawala sa ginawa ko. Inalis ko iyon at saka ko mabilis na tinapat ang espada ko sa leeg nito at matalim ko s’yang tinignan. Dahil sa wala ‘ni isa ang naglakas loob na kumalaban sa kanila ay ako na ang kumilos. Nakikita ko rin kung paanong seryoso ang mukha ng Prinsipe at sa kung paano itong magtimpi ng galit niya. Pero hindi naman sa lahat ng oras ay gano’n dahil nakikita ito ng kan’yang nasasakupan.
“Sa oras na bumalik ka dito at manggugulo. Hindi lang ‘yan ang aabutin mo,” sabi ko saka mas iningat nito ang leeg niya at napalunok. “Hindi rin ako magdadalawang isip na ibaon sa ‘yo ang talim ng espadang hawak ko.”
Sinenyasan nito ang mga kasama niya at saka unti-unting napaatras. Sa puntong iyon ay masa ang tingin nito sa akin pero naroon ang pagngisi nito. Tumingin siya sa Prinsipe at pati na rin sa Hari at saka sila umalis na wala kahit na ano mang salita. Lumingon ako sa Hari at Prinsipe na may inis.
“Kung ganito kayo mamuno sa mga nasasakupan n’yo…” tumingin ako sa paligid at muling binaling ang tingin sa kanila. “Mas mabuting bumaba na lang kayo sa trono.”
BINABASA MO ANG
THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOM
FantasyAko si Xyca Myxsica Frijado- ang babaing mayroong lila at dilaw na mga mata. Maski ang kulay ng aking buhok ay naiiba dahil ito'y kulay puti na ang dulo ay ginto. Ang magkaroon ng natatanging kapangyarihan na naiiba sa iba ay hindi ko kailan man hi...