1 - THE CHALLENGES

970 28 0
                                    

MYXSICA'S POV

Hindi ko maiwasan ang hindi kabahan sa kung ano ang maaaring mangyari. Dalawang taon pa lamang ako sa mundong ito at dalawang taon pa lang simula nang malaman ko ang kakayahang mayroon ako. Habang nakatingin sa ibang kasamahan ko ay pakiwari ko'y gusto ko na lang magpatalo. Hindi ko gustong magkaroon ng responsibilidad sa lahat ng nandito at wala rin akong balak na ialay ang buhay ko para sa ibang tao.

"Handa na ba ang lahat?!" tanong ng nang namumuno nitong paligsahan.

Naroon nakahanda ang tubig at apoy. Kung magagawa namin pagsabayin o kaya naman ay sunod-sunod na palabasin ang apat na elemento. Kasabay nito ang iba pa naming kapangyarihan ay s'yang matitira. Habang nakatingin ako sa tubig at apoy ay wala akong balak na palabasin ito o kaya naman ay gamitin sa puntong ito.

Sumenyas na ang aming punong guro at tinignan ko lang ang kung ano'ng ginagawa nila. Nagkunwari akong mahina at hindi kayang palabasin ang apat na elemento. Ginamit ko lang ay ang kapangyarihan ko na maglabas ng iba't-ibang klasi ng liwanag. Pero hindi ko alam kung bakit bigla na lang ang kapangyarihan na inilabas nila'y papalapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at nai-cross ko ang parehong kamay ko at hinintay ang pagtama sa akin ng mga kapangyarihan nila.

Walang tumama? Ano'ng nangyari?

Naimulat ko ang mga mata ko at doon ko nakita kung paano kong nagawang mailabas ang isang malaking kalasag.

Ay pusang gala! Paano nangyari 'to?!

Agad kong naibaba ang kamay ko at unti-unting nawala ang malaking kalasag sa harapan ko. Napatingin ako sa kamay ko at nagtaka sa kung paanong nangyari iyon. Hindi ko pa kahit na kailan nailalabas ang gano'ng kalaking kalasag at ang mas madalas kong magamit ay ang maliit lamang.

"Woah! Ang galing mo, Myxsica!" natutuwang sabi ni Fracia.

Napalunok na lang ako ng sarili kong laway at saka tumingin sa aming punong guro. "Ang marka ay ating malalaman," saad nito. "Ang may mataas na marka ay si Abriya!"

Narinig ko ang palakpakan ng mga tao at nakita ko kung gaanong ka-proud si Abriya sa kaniyang nakuha. Pero napangiti ako kasi ako ang may pinakamababa dahil wala naman akong ibang nagawa. Nagpahinga lang kami saglit at inihanda na ang aming gagamitin na mga palaso.

Tinignan ko ang nasa harapan ko at hindi ko alam kung gaano itong kalayo pero halos manliit ang mga mata ko sa pulang bilog na nasa malayo. Napangiti na lang ako kasi hindi ko balak tamaan iyon ay kailangan ko lang ay ang makakuha ng mababang marka.

"HANDA!" senyas nito. Hinanda namin ang aming mga palaso at saka tumingin sa pulang bilog. "NGAYON NA!"

Pinakawalan namin ang aming mga palaso kasamay no'n ay nanlaki ang mga mata ko nang makita kong mayroong nakapalibot na puting liwanag ang bumalot dito. Sa hindi ko inaasahan ay tumama ito sa mismong gitna kaya naman sa pagkakataon na 'yon ay nainis ako. Napatingin sa akin si Fracia at tila natuwa pa sa kung ano ang kinalabasan nito.

Kinuha nang isang estud'yante ang marka at sa punto na iyon ay ako ang may pinakamataas. Gigil kong nahawakan ng mahigpit ang palaso at kahit na ito'y yari sa matibay na metal ay hindi ito nakawala sa malakas kong kamay.

"Huy! Huminahon ka!" sabi ni Fracia.

"Hindi dapat ako nakakuha ng mataas na marka!" galit kong sabi.

"Pasalamat ka nga at nakuha mo iyong mataas na marka," mataray na sabi ni Abriya.

Tinignan ko ito ng masama. Inirapan lang ako nito at saka ako huminga ng malalim. Ang sabi kasi nila ay kapag hindi nakapasa sa pagligsahan na ito ay itatapon sa mundo ng mga tao. Sa mundo kung saan ako lumaki at mas nakilala ang mga magulang na kinalakihan ko.

"Bakit ba gustong-gusto mo ang matalo? Hindi ba dapat ay lumaban ka? Kahit hindi ganoon kataas basta hindi ka lang maipatapon o bumalik muli sa mundo ng mga mortal," sabi ni Akia.

"Lumaki ako sa mundo ng mga mortal na sinasabi n'yo kaya mas gugustuhin ko pang bumalik doon kaysa ang manatili dito," walang ganang sabi ko at saka inis na inalis ang mga nasa katawan ko.

Habang naghahanda sa pangatlong hamon ay nag-iisip na ako ng kung ano ang maari kong gawin. Ang paggamit ng espada ay mas bihasa ako. Dahil ito ang mas gusto kong ginagamit lalo na sa mga pagsusulit na ginagawa namin. Nang makita ko ang mga espada ay tila kuminang ang mga mata ko at hindi ko alam kung paano kong pipigilan ang sarili ko.

"Magpapatalo ha?" kumento ni Akia.

Tumingin ako sa kan'ya. "P'wede bang tigilan n'yo ang pang-aasar sa akin?" inis na sabi ko.

Tinawanan lang ako ni Fracia at Akia at saka napabuntong hininga. Kanina ko pa rin napapansin na kanina pa may nakamasid at nakatitig sa akin. Tumingin ako sa paligid at doon ko nakita ang Prinsipe at prinsesa. Ngunit hindi ang ora nila ang napapansin ko. Nang mapatingin ako sa paligid at pilit kong hinanap kung saan ito nangagaling.

"Ihanda n'yo na ang in'yong mga sarili."

Napatingin ako sa aming guro at at saka ako nabalot ng kana sa aking dibdib. Hindi ito dahil sa excitement kung hindi dahil sa nakakainis na pakiramdam na hindi ko mawari.

Sumenyas na itong muli at saka kami nagtapat-tapat. Sakto pang nakatapat ko si Abriya. Malawak ang ngiti nito sa akin na ani mo'y s'ya ang mananalo sa aming dalawa. Ang panghuling hamon ay ang paggamit ng kalasag habang nakikipaglaban kaya hindi ko alam kung paano ko konontrolin lalo ang aking sarili.

"Mayroon ka bang isang kahilingan bago kita matalo?" tanong nito sa akin.

"Sana manalo ka," sagot ko naman.

"Salamat," nakangiting sabi nito. "Ang iyong hiling ay aking susundin," dagdag pa niya.

Ngumisi lang ako sa kan'ya at pinagtapat na namin ang espada namin. Nauna nang makipaglaban ang iba habang kami at nag-uusap pa. Agad akong inunahan ni Abriya at mabilis ko itong nasalagan. Naiinis akong parang hindi ko kontrolado ang aking katawan. Nakita ko kung paanong sumilay ang nakakademonyo nitong ngiti habang ako naman ay nagtataka sa inaasta ng aking sariling katawan.

Muli s'yang sumugod sa akin at mabilis kong nasalagan na naman ang kan'yang espada. Ngayon ay nakita kong sumeryoso ang mukha niya na s'yang ikinatawa ko kasi halos mag-init ang mukha nito sa galit at inis sa akin.

"Masiyado kang magagalitin. Isipin mo na lang ang iisipin ng prinsipeng pinapangarap mo, Abriya," pang-aasar ko sa kan'ya.

Sa puntong ito ay bigla na lang s'yang sumeryoso. Hindi ko alam kung bakit naging ganoon ang reaksyon nito samantalang wala pa naman akong ibang ginagawa. Pero sa puntong ito ay gumamit na ito ng kapangyarihan dahilan para mapatigil ang iba at mapalingon sa aming dalawa.

"HINDI AKO MAGPAPATALO!" sigaw nito.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon