MYXSICA’S POV
Huminto kami sa paglalakad nang mapagod kami. Hindi ko na alam kung gaanong kalayo ang nilakad namin. Nakarating kami sa isang ilog. Ang ganda nito at ang daming iba’t-ibang uri ng mga isda.
“Mukhang may sumasabutahe nga sa atin habang naglalakbay tayo,” saad ko.
Tumingin sila sa akin na may nangungusap na mga mukha. “Sino naman kaya?” tanong ni Fracia.
“Tingin ko ay alam n’yang aalis tayo o kaya naman ay may isa sa in’yo ang nasa ilalim ng kan’yang kapangyarihan,” saad ko.
Agad naman nagsipagtayuan silang lahat at saka lumayo sa isa’t-isa. Tinignan nila ang bawat isa sa kanila at saka kinapa ang kanilang mga katawan. Tumingin ako kay Hyx na no’n ay nakatingin sa akin at tila ba may gustong malaman.
Kailangan kong malaman kung sino ang nananabutahe sa amin.
“Myxsica.” Napalingon ako sa likuran ko nang mayroong tumawag sa akin.
“Hindi kaya isa sa in’yo ang nabihag?” tanong ko.
“N-Nabihag? Nabihag nang ano?” takang tanong ni Fracia.
“Orasyon,” sagot ko.
Bakas sa mga mukha nila ang pagkalito at pagtatanong ngunit may iisa lang akong napapansin. Namumukod tangi at alam kong siya ang nabihag. Hindi ako maaaring magkamali dahil sa daalwang taon ko sa Arendelle Academy ay ngayon ko lang nakita ang kakaibang ora nito.
Bumuntong hininga ako at saka umupo. Katahimikan ang namumutawi sa amin pero ang pagkamalandi ng Prinsipe ang namumutawi sa kaniya. Kahit na hindi siya ganoon kaingay ay naiirita ako sa palagi nitong sobrang lapit sa akin na ani mo ay linta.
“Magpahinga na muna tayo ngayong gabi dito. Alam kong pagod na ang bawat isa sa atin,” sabi ko at saka nilabas ang pagkain na baon namin.
Habang kumakain ay kaniya-kaniya silang kuwentuhan habang ako, si Hyx at Vox ay tahimik lamang sa isang tabi. Tumingala ako at nakakaramdam ako ng mga matang nakatingin sa akin. Ramdam ko ang nanlilisik nitong tingin at alam kong hindi ito basta-basta lang. Habang nakatingala ay ngumiti ako sa kaniya at saka ngumisi. Pagkatapos no’n ay tumayo ako.
Napahinto silang lahat sa pagkukuwentuhan nila at saka napatingin sa akin. “Bakit?” tanong ni Abriya.
“Gagawa ako ng pananggalang,” sagot ko.
Itinaas ko ang kamay ko at kasabay no’n ay ang paglitaw ng tila bilog na liwanag sa amin. Pero may ginawa akong kakaoba upang hindi niya malaman na mayroon akong ginagawa. Bukod doon ay hindi nito malalaman na nahuli ko ang puppet niya. Pagkatapos kong gawin iyon ay bigla akong nag-teleport sa harapan ni Abriya at tinutok ko ang espada sa leeg niya.
“M-Myxsica ano’ng ginagawa mo?” tanong nito sa akin.
“Oo nga, Myxsica. Bakit nakatutok ang espada mo kay Abriya?” tanong ni Kelson.
Tinignan ko sa mga mata si Abriya at saka siya ngumisi. Sabay kaming nagpunta sa p’westo ni Hexon. Nasa likuran si Abriya habang ako naman ay nasa harapan niya. Nagulat ito sa ginawa namin kaya hindi na ito nakapalag pa. Nakuha ni Abriya ang ibig kong ipahiwatig kaya naging mabilis rin ang naging kilos niya. Lumapit si Vox sa amin at saka niya hinarap si Hexon.
“Nasaan ang totoong Hexon?” tanong nito sa pekeng Hexon na nasa harapan namin.
“A-Ano bang pinagsasabi ninyo? A-Ako ‘to si Hex—”
“Sinungaling ka,” singit ni Kelson. “Hindi ikaw ang kakambal ko at mas lalong wala dito ang totoong, Hexon,” giit niya.
Pumiglas ito kay Abriya at agad na tumulong si Hyx. “Mahsabi ka ng totoo dahil hindi alam ng amo mo ang ginagawa natin ngayon,” sabi ko at mas lalo itong natakot.
“Uulitin ko ang tanong ko at kapag hindi ka sumagot ay ito na ang magiging huling hininga mo,” seryosong sabi ni Vox sa kaniya.
“H-Hindi ko alam… b-basta inutusan lang ako at wala na akong ibang alam,” sagot niya.
“Imposibleng hindi mo alam!” sabi ni Kelson.
Tinignan ko siya at pakiwari ko’y nagsasabi naman ito ng totoo. “Binatawan mo,” utos ko kay Hyx.
“Bakit?”
“Basta bitawan mo.”
Sinunod naman nito ang pinapagawa ko sa kan’ya at pagkatapos ay naglabas ako ng kapangyarihan kasabay noon ay ang pagsuntok sa t’yan nito ng malakas. Halos mahiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya dahil sa ginawa ko. Bigla ay naging dalawa ang Hexon na nasa harapan namin.
“Hex!” tawag ni Kelson sa kapatid niya.
“Augh… g-grabe ang lakas sumuntok ni Myxsica,” sabi nito at hawak ang t’yan niya. “Ang solid mo, pre,” dagdag pa niya bago mawalan ng malay.
Tumingin ako sa Hexon na nasa harapan ko at saka ako naglabas ng apoy. Ngumisi ako sa kaniya at saka ako lumapit. “Sa oras na magsalita ka sa nangyari ngayon. Ibabalik kita bilang alikabok sa hangin,” banta ko.
Agad na tumango ito sa akin at saka ko nilapitan si Hexon. Lumapit si Fracia at saka nilagay ang kamay niya sa katawan nito at inalam kung may iba ba itong nararamdaman. Gayon pa man ay maayos naman ang pakiramdam nito at nakikita kong hindi naman ito napaano sa ginawa ko. Ang kailangan ko lang ay makaisip ng ibang paraan para maitago ang totoong Hexon.
“Ano ang gagawin natin ngayon kay, Hexon?” tanong ni Vox sa akin.
Sa totoo lang ay palagi siyang seryoso pero may mga oras na para s’yang siraulo. “Itago,” sagot ko na walang kabuhay-buhay.
“Paano naman natin siya itatago?” tanong ni Abriya.
Nilabas ko lahat ng mga gamit na nailagay ko sa bulsa ko at saka tinignan iyon. May nahagilap akong manika na hindi ko alam saan ko nakuha pero maayos naman siguro ‘to.
“Dito,” sabi ko.
“Pero paano ang isang ito?” tanong ni Vox.
“He will stay… he need to pretend that there’s nothing happened. He didn’t know what happened,” saad ko.
“Hindi ka nila maiintindihan,” sabi ni Vox at napatingin ako kila Fracia na no’n ay nakanganga.
“Ang ibig kong sabihin ay kailangan niyang magpanggap at kung hindi ay mapipilitan akong patayin siya at hanaip ang amo niya,” banta ko.
“O-Opo! Gagawain ko, buhayin mo lang ako!” pagmamakaawa naman nito.
Nilagay ko ang manika sa ibabaw ng dibdib ni Hexon at saka ko pinatong ang dalawa n’yang kamay sa ibabaw nito. Pagkatapos ay pinatong ko ang kamay ko pero nabigla ako nang tabigin ito ni Vox at saka ako pinaalis at siya na daw ang gagawa.
“Hindi p’wedeng kung kani-kanino kang humahawak na kamay. Hindi ko pa ‘yan nahahawakan,” sabi nito at nialay ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ni Hexon.
Nang magawa na nitong ilagay ang katawan ni Hexon sa manikay ay pinahawak ko ito kay Kelson at sinabing itago. May dala naman s’yang bag kaya maitatago niya ito. Gayon pa man ay nilagyan ko ng proteksyon si Hexon. Bumalik kami sa kan’ya-kaniyang p’westo kanina at saka ako hindi umimik. Tumabi pa rin sa akin si Vox at sa kabila ay si Hyx.
Kailan kaya ako lulubayan ng dalawang ‘to?
BINABASA MO ANG
THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOM
FantasyAko si Xyca Myxsica Frijado- ang babaing mayroong lila at dilaw na mga mata. Maski ang kulay ng aking buhok ay naiiba dahil ito'y kulay puti na ang dulo ay ginto. Ang magkaroon ng natatanging kapangyarihan na naiiba sa iba ay hindi ko kailan man hi...