MYXSICA’S POV
May tumatawag sa pangalan ko at pakiwari ko’y nangagaling iyon sa k’weba. “Myxsica!” Napalingon ako sa Prinsipe at masama ko s’yang tinignan.
“Hindi mo ako kailangang sigawan! P’wede bang iwan mo muna akong mag-isa?” walang ganang saad ko sa kan’ya.
“Ano ba ang tinitignan mo sa bundok?” tanong nito.
“Eh, ano bang pakialam mo? Bakit ba hindi na lang ang pagiging Prinsipe mo ang atupagin mo? ‘Ni hindi mo nga nagawang perotektahan ang kapatid mo laban sa lalaking bumista o kung sino man s’ya,” inis na sabi ko saka muling naglakad.
Sinundan pa rin niya ako at sa pagkakataon na ‘yon ay naglabad ako ng espada at saka ko ito itinutok sa kan’ya. Nang maitutok ko ito ay saka siya napaangat ng ulo niya at halos mapalunok din.
“Easy lang. Masiyado kang mainit,” sabi nito at saka itinaas ang parehong kamay na ani mo ay sumusuko.
“Tantanan mo ‘ko dahil gigil na gigil na ako sa ‘yo. Namumuro ka na para kang asong sunod ng sunod,” galit na sabi ko.
“Sige na hindi na kita susundan. Mayroon lang akong itatanong.”
“Ano?”
“Iyong sinasabi mo kanina na liwanag na itinuro mo sa akin. Totoo ba ‘yon?”
Napabuntong hininga ako at saka ibinaba ang espada ko. “Kung nagbibiro ako ay hindi ko makikita ang libro na ‘yon.”
“Sa mga kinalakihan mong mga magulang—”
“ANG DAMI MO NAMANG TANONG!”
“Okay! Ito na!” ani niya at saka biglang nawala.
Napahawak ako sa ulo ko at kanina ko pa tinitiis ang sobrang tinis na kakaibang tunog. Napabaling muli ang tingin ko sa k’weba at saka nakitang tila kumukulimlim ang buong paligid. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin no’n pero pakiramdam ko ay may kailangan akong gawin. Bumalik ako sa dormitoryo pero lahat ng mga estudyante ay nagtatakbuhan palabas na s’yang ikinalito ko. Hindi ko alam kung bakit sila nagtatakbuhan at bakit parang nababahala silang lahat?
“Myxsica! Ano’ng ginagawa mo? Hindi ka p’wedeng bumalik!” sabi ni Fracia at saka ako hinila pabas.
“Ano ba ang nangyayari?” nalilitong tanong ko.
“Kapag ganiyan na bigla na lang umiitim ang kaulapan, may posibilidad na may biglang mamatay. Dahil sa oras na mabalutan ang ‘ni isa sa atin ng dilim, t’yak na mamamatay,” paliwanag nito.
Tumakbo kami papunta sa Olympus at doon ay may maliwanag na bola ang nakabalot. Naroon lahat mg tao at halata ang takot sa kanilang mga mata. Habang tinitignan ko silang lahat ay may mga itim na anino ang umaaligid sa labas.
“Ang dami nila,” sabi ko at napalingon sa akin si Akia.
“Ang alin?” nagtatakang tanong nito at saka tinignan ang tinitignan ko.
“Iyong mga sinasabi niyong mga halimaw,” sagot ko naman at saka napalingon si Fracia.
“Wala akong nikathalang kahit na ano’ng aniyo, Myxdica. Ano ba ang nakikita mo?” nagtatakang tanong naman nito sa akin.
BINABASA MO ANG
THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOM
FantasyAko si Xyca Myxsica Frijado- ang babaing mayroong lila at dilaw na mga mata. Maski ang kulay ng aking buhok ay naiiba dahil ito'y kulay puti na ang dulo ay ginto. Ang magkaroon ng natatanging kapangyarihan na naiiba sa iba ay hindi ko kailan man hi...