31 - PRETENDING

112 5 0
                                    

FRACIA’S POV

Nang magising kami kinabukasan ay nabulabog kami ng malakas na katok sa pinto. Nagkatinginan kaming tatlo sa nangyari at napatingin ako sa pinto. Tumayo kami at saka binuksan ito at bumungad sa amin ang mukha nina Hyx, Kelson at Hexon. Nangunot ang noo ko nang hindi ko makita ang mahal na Prinsipe.

“Ano ba ang nangyayari?” tanong ni Abriya.

“Iyan ang gusto naming sabihin. Nawawala ang prinsipe kagabi pa,” sagot ni Kelson.

“Ano? Bakit?” tanong ko.

Nagkatinginan kaming lahat at saka lumabas ng silid. Si Myxsica—este si Malina ay sumabay sa amin ni Abriya. “Sinong Prinsipe ba ang nawawala?” bulong na tanong nito sa amin.

“Ang Prinsipe ng Arendelle Kingdom,” sagot ni Abriya. “Sa oras na may mangyaring masama sa kaniya, mananagot ka kay Myxsica,” bulong na banta naman ni Abriya kay Malina.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi nito. Pero tingin ko naman ay seryoso si Abriya sa sinabi niya. Kung titignan ay mas nag-aalala pa nga si Abriya kay Prinsipe Vox kaysa kay Myxsica na gusto at Mahal ni Prinsipe Vox. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ayaw ni Myxsica kay Vox. Wala naman hadlang sa kanilang dalawa pero pakiramdam ko may pinangangalagaan si Myxsica.

Nang makarating kami sa labas ng palasyo at saka ako tumingin sa buong paligid. Normal ang lahat at maayos. Nagkatinginan kami at saka naghiwa-hiwalay sa paghahanap sa Prinsipe. Sumama sa amin si Myxsica at saka siya lumapit kay Abriya.

“Tingin ko ay hindi naman nawawala ang sinasabi n’yong Prinsipe,” sabi nito at saka ako napakunot ng noo sa kaniya.

“Ano ang ibig mong sabihin?” takang tanong ko.

“Hindi ko man siya kilala pero tingin ko ay kilala ng katawan na ‘to kung ano ang presensya ng Prisipeng sinasabi niyo. Hindi ako nakakaramdam ng kahit na ano mang panganib,” saad pa niya.

Habang naglalakad kami ay napahinto kami nang makita namin si Prinsipe Vox na may kausap na isang babae. Nagkatinginan kami at agad naman na lumapit si Abriya. Nagtinginan kami ni Myxsica at saka siya nagkibit balikat. Tinignan lang namin si Abriya kung saan hinatak niya ang braso ni Prinsipe Vox at saka inilapit ito sa gawi kung nasaan kami.

“Ano ba ang ginagawa mo?” tanong ni Prinsipe Vox.

“Pinag-alala mo kami alam mo ba ‘yon?” inis na sabi ni Abriya.

Bakit pakiramdam ko ay siya lang ang nag-alala?

“Kaya ko ang sarili ko at hindi ako kasing hina ng mga iniisip niyo,” sagot naman nito at saka tumingin kay Myxsica. “Good morning mylove~” ani niya at akmang yayakapin si Myxsica nang hinarang nito ang kamay niya.

“Subukan mong lumapit para tumama sa ‘yo ‘tong kamao ko,” sagot naman nito at saka saka napanguso si Vox.

Tumingin ako kay Myxsica at hindi ko mabasa ang ung ano man ang iniisip niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa kung ano ang nangyayari pero sa tingin ko ay nagagawa naman niyang gayahin ang pag-uugali ni Myxsica. Bumalik kami sa palasyo at pagbalik namin ay saktong naroon na rin ang mga lalaki. Agad na sinalubong ni Kelson ang Prinsipe at saka ito niyakap. Nagkatinginan lang kaming tatlo at saka nagkibit ng balikat namin.

Gano’n pa man ay bigla na lang lumitaw si Hellgurd pati na rin si Mathilia. Naroon na rin ang ibang maid at mayroon itong dalang mga pagkain. Nagkatinginan kaming lahat at saka napatingin sa pagkain na nasa harapan namin.

“Waw, ang sasarap ng mga pagkain,” kumento ni Hexon.

“Oo nga. Grabe gutom na gutom na ako,” sabi naman ni Kelson.

“Maaari kayong kumain. Hindi naman p’wedeng gutom kayo habang nakikipaglaban. Hindi ‘yon masaya,” sabi ni Hellgurd.

“Masyado mo naman kaming iniintindi,” sabi ni Malina at napatingin ako sa kaniya.

Ang seryoso ng mukha niya at hindi ko tuloy alam kung siya ba si Malina o siya si Myxsica. “Hindi ko kasi maaatim na makita ang aking mahal na nanghihina,” sabi naman ni Hellgurd kay Myxsica.

“Kinagagalak kong mayroon kang hinanda para sa amin pero makakasigurado ba kaming ligtas ang mga ito?” singit ni Prinsipe Vox.

Tumingin si Hellgurd kay Prinsipe Vox at saka siya ngumisi. “Hindi naman ako gano’n kahina para lasunin kayong lahat. Kaya ko naman kayong patayin gamit ang kamay ko,” sabi nito at nakita ko kung paanong nainis si Prinsipe Vox.

Napahawak ako sa kamay ni Myxsica at nakita ko kung paano itong huminga ng malalim. “Salamat sa mga pagkain. Alam ko rin naman na hindi ako matitiis ng aking Lola,” sabi nito at ngumisi sa kaniyang Lola Mathilia.

“Wala rin nama akong balak na gutumin ka mahal kong apo,” sagot naman ni Mathilia.

“Kung gano’n p’wede na ba kaming kumain ng kapatid ko? Hindi na talaga namin kaya ang gutom,” paalam ni Hexon kay Myxsica at saka naman tumango si Myxsica sa kanila.

“Hindi ako makapaghintay na makaharap ka sa laban mamaya,” sabi ni Mathilia at saka siya ngumisi kay Myxsica.

“Kinagagalak kong malaman ‘yan. Siguro naman magiging patas kayo hindi ba?” ani ni Malina at saka bumaling ang tingin kay Hellgurd.

“Bakit kailangan maging patas? Hindi ba’t buhay at kamatayan ang basehan sa ating laban? Kaya nga pinakain ko na kayo kasi ayan na ang magiging huli n’yong pagkain,” sabi ni Hellgurd at saka ito tumawa.

Nawala si Hellgurd at Mathilia at napabuntong hininga naman si Myxsica. Tumingin siya sa amin at saka tumingin sa mga kaibigan naming kumakain.

“Nahihirapan akong magpanggap,” sabi ni Malina.

“Nakikita ko nga,” sabi naman ni Abriya.

“Ang galing mo nga magpanggap, e,” sabi ko at saka tinaas ang parehong hinlalaki ko.

“Talaga? Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ang hirap kayang hindi mahalin ang lalaking ‘yon. Kahit masamang nilalang siya kung gano’n ka-gwapo ang papatay sa akin ay ayos lang,” sabi nito at tila kinikilig pa.

Napatampal ako sa noo ko at si Abriya naman ay pinipigilan ang pagtawa. Napapailing na lang ako at nakisalo na lang sa pagkain kasama sina Kelson, Hexon, at Hyx. Si Prinsipe Vox ay sumabay pero parang ang lalim ng iniisip niya. Bakas sa mukha niya na hindi siya nakatulog ng maayos at sa totoo lang ngayon ko lang nakitang naging ganito.

Tumabi na sa akin si Abriya at Malina. Habang kumakain ay hindi ko maiwasan ang hindi mag-alala. Kung hindi kaagad makakabalik si Myxsica ay ano kaya ang pusibleng mangyari sa laban mamaya? Pakiramdam ko ay hindi magiging maganda ang kakalabasan ng lahat. Kahit na nakarating na kami sa destinasyon namin pakiwari ko ay hindi magiging maganda ang katapusan.

“Hindi mo kailangan mag-alala. Hindi naman nagpapatalo si Myxsica,” bulong na sabi ni Malina sa akin.

Napalingon ako sa kaniya at napangiti. “Si Myxsica ang tipo ng babaing hindi tumatanggap ng kahit na ano mang pagsubok pero handa naman ialay ang sarili para sa kaligtasan ng mga taong hindi niya naman lubos na kilala,” kumento ni Abriya.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon