23 - THE BATTLE

175 10 0
                                    

FRACIA’S POV

Habang nasa silid kami ay hindi ko maiwasan ang hindi mamangha kay Myxsica. Siya na ang pinaka walang emosyong nilalang na nakilala ko. Hindi rin talaga siya marunong magpatalo sa kahit na sino. Pero sa oras na may hindi siya nagustuhan ay matuto ka nang makiramdam kasi kung hindi ay baka hindi ka na sikatan ng araw. Habang tinitignan ang halaman na hawak niya kanina ay inaalam ko rin kung ano pa ang maaring maging epekto nito.

“Kanina mo pa pinagmamasdan ‘yan, Fracia. Ano ba ang mayroon diyan?” tanong ni Hexon.

“Ang ganda ng pagkakahulma ng dahon. Ang bawat parte ay detelyado. Nakakamangha lang na nakakaya nitong ibalik ang pinagpalit na katawan. Katulad na lamang no’ng nangyari kanina,” saad ko naman.

“Ang halaman na ‘yan ay tanim ni Ashera.” Napalingon kami ni Hexon kay Abriya.

Nangunot ang noo naming pareho at saka umupo ng maayos. “Paano mo naman nalaman?” tanong ko.

“Dahil walang ibang makakagawa ng bagay na ‘yan bukod sa Prinsesa ng tubig. Ang panibagong kakayahan niya ang naging dahilan para magkaroon siya ng kapangyarihan na hindi niya inaasahan,” paliwanag naman nito.

Nagkatinginan kaming muli ni Hexon at saka kami tumango-tango. Si Hyx ay tahimik na nakaupo sa gilid habang si Kelson naman ay nakikinig lang din sa amin. Napabuntong hininga ako at saka ako tumingin sa labas nitong palasyo. Ang kagustuhan naming puntahan ang Devunieake ay sa kung saan-saan kaming dimensyon napupunta. Ang pinagtatakahan ko lang ay sa kung paanong nangyayari ‘yon.

Posible kayang may isang impostor kaming kasama?

Tinitignan ko silang lahat isa-isa. Wala naman akong nakikitang kakaiba. Wala rin akong maramdaman na kahit na ano. Napabuntong hininga na lang ako at saka napatingin sa ibang direksyon. Tinanaw ko si Myxsica na no’n ay gusto lang ng katahimikan pero naroon ang Prinsipe Vox at ginugulo siya.

“Hindi ko aakalain na may ganiyan pa lang ugali ang Prinsipe ng Arendelle,” napasinghap ako sa pagsulpot ni Hexon.

Mabilis ko s’yang tinulak palayo sa akin at saka inayos ang sarili ko. “Bakit ba nakikisipat ka?” ani ko.

“Tsk. Sinilip ko lang ang kung ano ang sinisilip mo,” sabi nito ng nakanguso.

“Hindi naman talaga ganiyan ang Prinsipe.” Napalingon kaming pareho ni Hexon kay Hyx na no’n ay nakapikit ang mga mata.

“Hindi ako magtataka,” sabi naman ni Abriya. “Sinong hindi matutunaw sa isang Myxsica?” dagdag pa niya.

“Para s’yang apoy at si Xiphus ang yelo,” saad naman ni Kelson.

Napatingin akong muli sa dalawa. Hindi man dito lumaki si Myxsica pero handa naman s’yang tumulong kahit na labag sa loob niya. Ayaw niya ang responsibilidad pero ginagawa niya ang bagay na ayaw niya. Habang nakatingin ako sa kaniya ay wala man lang akong mabasa sa kilos niya. Maski ang ekspresyon ng mukha niya. Ang hirap niyang basahin at ang hirap niya rin kalabanin.

Nanatili pa kami ng ilang araw dito sa Waixerisus. Hindi ko alam kailan kami aalis at maglalakbay ulit. Pero base sa kinikilos ni Myxsica. Mukhang may kailangan pa s’yang gawin dito sa Waixerisus. Maliban sa kapatid ng Reyna ay mukhang may iba pa itong pakay. Pero kung ano man ‘yon ay hindi ko alam. Habang nakaupo ako sa library ay hindi ko maiwasan ang hindi maintriga sa mga nangyayari.

“Hindi ka ba napapagod magbasa?” tanong ni Kelson na no’n ay umupo sa harapan ko.

“Mas nakakapagod kung nandito ka sa harapan ko’t ginugulo ako,” inis na sabi ko.

“G’wapo na lumalapit sa ‘yo tinataboy mo pa,” pagmamayabang naman nito sa kaniyang sarili.

Umasta akong parang nasusuka at saka ko siya tinignan ng masama. “Madiri ka nga,” sabi ko at saka sinara ang libro at binalik ito sa kung saan ko ito kinuha.

Habang binabalik ko ito ay bigla na lang lumindol dahilan para mahulog ko ang libro. Napatingin ako sa bintana at nakita kong nagkakagulo ang lahat. Nagkatinginan kami ni Kelson at sakto naman na nandoon si Myxsica. Ngumisi ito na tila dumating na ang hinihintay niya.

“Nand’yan na siya,” ani nito at saka naunang lumabas.

Mabilis kaming sumunod at nang makarating sa labas ay naroon si Octabina—ang babaing Opitoryo. Napatingala kaming lahat dahil ang lalaki ng mga kasama nito. Naghanda siya sa pagsugod at halata ang galit sa kaniyang mga mata. Nakatingin lang ito kay Myxsica at wala namang kahit na ano’ng ekspresyon ang pinapakita ni Myxsica.

“Ang aga mo dumating, Octabina,” ani nito.

“Hindi naman kasi ako nag-aaksaya ng oras,” saad naman nito.

Natawa ng pagak si Myxsica. Lumabas na ang Hari, Reyna, Prinsipe at Prinsesa. Ang dilim ng buong paligid at ang alon ay nangangalit.

“Nakikita ko nga. Ikaw ang tipo na bubunga ng tinta hanggang sa maubusan ka no’n. Hindi ka magpapatalo hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo,” sabi naman ni Myxsica at saka siya tumingin sa Hari.

“Masyado kang matalino para malaman ang mga bagay na gusto ko, Prinsesa ng Haterial.”

Nagmasid ako sa buong paligid at alam kong lahat sila ay nakaabang lang sa kung ano ang mangyayari. Alam kong magiging isang malaking laban ito kumpara sa laban na naganap sa pagitan ni Myxsica at noong mangkukulam. Walang kilos na ginagawa si Myxsica at naghihintay lang kami sa kung ano ang gagawin niya. Ang hirap niyang basahin kaya ang hirap kumilos kung hindi siya sesenyas at hindi kikilos agad si Prinsipe Vox.

“Pinanganak kasi akong matalino,” pagmamayabang naman ni Myxsica.

Napatakip ako ng bibig ko at saka ako napatingala ngin kay Abriya. “Pinanganak talaga siyang mayabang,” kumento nito at saka ako tumango.

“At pinanganak naman siya para sa akin,” singit ni Prinsipe Vox at tinuro pa ang kaniyang sarili.

“Hindi ko tinanong,” inis na sabi naman ni Octabina.

“Sinasabi ko lang naman!” nakangusong sagot ni Prinsipe Vox at nakita ko kung paanong bumuntong hininga si Myxsica.

“Hindi pa ba natin uumpisahan ang laban? May kailangan pa kasi akong gawin, e,” tila nabuburyong sabi ni Abriya at saka ako natawa.

Tinaas ni Octabina ang isa kaniyang gamalamay at sumugod ang mga alagad nito. Lumabas naman kami sa ginawang pananggalang ni Myxsica at saka kami nakipagbuno sa mga kalaban. Marami sila at hindi ito magiging madali sa amin. Mas lalo pa silang dumadami at mas lalo pa kaming nahihirapan. Tinignan ko si Myxsica na no’n ay si Octabina ang inaasikaso habang kami naman ay sa ibang nilalang na hindi ko na alam kung ano ang tawag sa kanila.

“Hindi sila nauubos! Mas nadadagdagan pa sila!” sabi ng Prinsipe.

Tinaas ng Hari ang kaniyang hawak na tungkod at saka iyon hinamapas sa mga kalaban at sa isang iglap ay natumba sila. Namangha kami sa nangyari pero mula sa ilalim nitong tubig ay may umaak’yat pa. Sa pagkakataon na ‘yon ay mas lalo kaming nahirapan kaysa kanina.

“Hindi na ‘to maganda.”

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon