MYXSICA’S POV
Habang nakatingin sa mga kalaban ay hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti. Sa pagkakataon kasi na ‘yon ay unti-unti kong nailalabas ang kapangyarihan na no’n ko lang rin nailalabas. Pare-pareho silang umaatake at hindi nila ako binibigyan ng tsansang makaganti. Napipikon na ako sa kanilang lahat at pakiwari ko’y balak nila akong tapusin.
Napasakampak ako sa sahig ay sa punto na ‘yon ay napaangat ako ng ulo ko dahil sa espadang itinutok sa akin ni Davina. Halata sa mga mata niya ang pag-aasam na patayin ako ngunit bigla na lang s’yang tumalsik dahil sa kapangyarihang inilabas ni Hellgurd at Helicus.
“ANO BANG GINAGAWA NIYO?!” galit na sigaw nito.
“Batid ko ang nais mong gawin, Davina,” sagot ni Hellgurd.
“Ngunit iyon naman talaga ang ating dapat na gawin hindi ba?” seryosong sabi nito at saka tumingin sa akin. “Ang patayin ang babaing iyan upang tayo ang mamuno sa mundong ito!” dagdag pa nito.
Tumayo ako at saka binalot ng kapangyarihan ang mga kasama ko. Pagkatapos no’n ay isa-isa silang nawala na parang bula. Dinala ko sila sa ligtas na lugar kung saan sila magagamot. Hindi nila kailangan na pagdaanan ang ganitong senaryo dahil alam kong sila rin ang magiging dahilan upang manghina ako.
“Nakita niyo na ang in’yong ginawa?!” galit na sabi ni Mathilia. “Nawalan tayo ng panlaban sa kaniya!”
“Bakit ba nasasabik kayong tapusin ang buhay ko? Iisa lamang ang kalaban niyo ngunit pare-pareho kayong naduduwag?” nakangising sabi ko.
Tumingin ako kay Hellgurd at matalim itong nakatingin kay Helicus. “Duwag? Bakit kaya hindi mo sabihin sa iyong sarili ang bagay na iyan, Myxsica?” ani ni Davina.
Inilabas ko ang espada ko at saka natawa sa sinabi niya. “Alam mo ang tanga mo ‘no? Sa sarili ko itatanong ang bagay na ‘yan?” sabi ko sabay turo sa sarili ko. “Tignan mo nga itong laban. Lahat kayo laban sa akin. Hindi hamak na mas dehado ako kaysa sa in’yo. Nagtutulungan na nga kayo para lang mapabagsak ako pero walang nangyayari.”
Nakita ko kung paanong nagtiim bagang si Mithalia at Davina habang sina Hellgurd at Helicus ay matalim pa rin ang tingin sa isa’t-isa. Napabuntong hininga na lang ako sa kanilang dalawa at saka tinignan ang ibang kalaban na no’n ay pasugod sa akin. Agad kong tinawag si Seraphina upang tapusin ang dalawang mahihinang nilalang.
Nagliyab ang espada ko at saka ko uto winasiwas sa hangin. Nang magawa ko iyon ay nahati sa gitna ang dalawang kalaban dahilan para mapunta sa akin ang atensyon nilang lahat. Nakita ko kung paanong manginig ang kamay ni Davina kaya naman siya ang sunod kong inatake.
Mabilis na pumunta sa harapan ko si Helicus at akmang sasalagin ang espada ko pero dahil sa lakas ni Seraphina ay nahati ang espada ni Helicus dahilan para dumampi sa dibdib niya ang dulo ng espada ko. Nagkaroon siya ng sugat sa dibdib na agad namang nilapitan ni Davina.
“Waw?” hindi makapaniwalang saad ko.
Bigla ay napatalon ako sa pag-atake ng magandang Lola ko at batid ko ang galit sa mga mata nito. Umatake ulit siya sa pagkakataon na ‘to ay sabay-sabay na silang lahat.
Paborito nilang magsabay-sabay tapos kapag ako ang aatake halos ayaw ako pagbigyan.
Mabilis ang mga naging kilos ko at wala rin akong inaksayang oras. Hindi ko hinayaan na magalusan ako ng isa sa mga sandata nila o maski ang kapangyarihan na binabato nila. Mula sa harapan ko ay agad akong napayuko at sakto naman ang mukha ni Hellgurd sa pagsapak ni Davina.
“AURGH! ILONG KO!” inda nito.
Tumawa lang ako sa nangyari at saka tumingin kay Davina at binigyan ito ng nakakalokong ngiti dahilan para maglabas ito ng kapangyarihan. Agad naman na inilagan ko ‘yon pero sa pag-ilag ko ay natamaan naman si Mathilia at tumalsik ito pababa ng entablado.
Halos hindi ko mapigilan ang tawa ko dahil sa parang kinakalaban lang din nila ang kani-kanilang mga sarili. Batid ko ang mga kagustuhan nilang mapatay ang isang katulad ko pero hindi ko naman hahayaan na matalo ako ng katulad nila.
“Napakasuwerte mo talagang babae ka!” galit na ani ni Lola.
Kahit na nakangisi ako ay wala naman akong ibang expresyon na ipinakita sa kaniya. Bukod kasi sa wala akong pakialam sa kanilang lahat ay nakakawalang gana rin silang kalaban. P’wera na lang kay Hellgurd at Lola Mathilia. Sa pagkakatanda ko’y malapit na siyang maging isang ganap na dyosa—dyosa ng kasiraan at kasamaan.
“Sa totoo lang ay nasasayang at naaaksaya ang oras ko sa in’yo. Kayong apat na nga ang kalaban ko pero… hindi niyo pa rin ako mapabagsak,” walang ganang ani ko at saka ako lumapag. “Siguro gawin na natin ang best part ng laban na ‘to.”
“Ano bang sinasabi mong babae ka. May mga lenguahe ka na namang sinasabi na hindi namin maintindihan,” ani ni Helicus.
“Kung wala kang ibang sasabihin manahimik ka na lang. Hindi mo rin naman ako kayang saktan dahil alam kong gusto mo ‘ko,” diretsang saad ko sa kaniya.
“Ano?” hindi makapaniwalang sabi ni Hellgurd. “Kung gano’n ay tama ang hinala ko noong una pa lamang, Helucus?” seryosong sabi nito at nakatingin kay Helicus.
“Sigurado naman akong ginagamit niyo lang ang isa’t-isa,” pang-aasar ko sa kanilang lahat.
Nagkatinginan silang lahat sa isa’t-isa at namutawi ang ngisi sa labi ko. May pagkakataon akong mapatakas ang mga bihag nila habang abala silang tapusin ang isa’t-isa. Sa pagkakataon na ‘yon ay sinugod ni Hellgurd si Helicus at si Davina at Mathilia naman ay sinusubukang awatin ang dalawa. Agad kong pinakawalan ang mga bihag nila at saka ako lumipad paitaas upang gumawa ng isang malaking bola ng kapangyarihan.
Habang ginagawa ko ‘yon ay nakaramdam ako ng bigat sa katawan ko. Hindi ko alam kung bakit gano’n ang nangyari pero muling nanumbalik sa akin ang dahilan kung bakit ako nandito at sa kung ano’ng dahilan upang gawin ko ang misyon na ‘to.
“Myxsica!” Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Fracia at Abriya. “H’wag kang magpapadala sa bugso ng damdamin mo. Alalahanin mo ang nga nabubuhay sa dalawang dimensyon at sampung kaharian,” dagdag pa niya.
“Kahit kailan talaga wala kang kontrol sa sarili mo!” sabi naman ni Abriya. “Pansarili mo lang iniisip mo. Ganiyan ba talaga kakitid ang utak mo?” seryosong sabi nito.
Hindi ko alam kung bakit ko sila nakikita samantalang dinala ko sila sa mas ligtas na lugar para may dahilan akong magwala. Pero ano ang ginagawa ng dalawang ito dito?
“Kaya mo silang kalabanin ng hindi ka gumagamit ng malakas na kapangyarihan. Ikaw kaya si Myxsica. Ang babaing ayaw ng responsibilidad at ayaw pinangungunahan sa mga disisyon niya sa buhay. Kung gusto mong makabalik sa mundong inaasam mo… pakalmahin mo ang sarili mo at lumaban ka ng patas at maayos. Tutulungan ka namin!” nakangiting sabi ni Fracia.
Sa sandali na ‘yon ay nangunot ang noo ko. Agad kong binawi ang pagbuo ko ng bolang kapangyarihan at saka ako mabilis na lumapit sa kanila. Pareho ko silang sinampal at tumama ang parehong kamay ko.
“So it’s true? Both of you are not my hallucination?” mahinang usal ko.
“Ayan na naman siya sa lenguahe niya. Ang sakit ng sampal mo ah!” reklamo ni Fracia.
Bigla ay sinampal ako ni Abriya. “Paganti. Hindi libre ang pagsampal sa akin. Dapat may bawi ako,” saad nito.
Akmang sasampalin rin sana ako ni Fracia ng tignan ko siya ng masama. “Sabi ko nga masama ang gumanti, e,” sabi na lang niya at saka napangiwi.
BINABASA MO ANG
THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOM
FantasyAko si Xyca Myxsica Frijado- ang babaing mayroong lila at dilaw na mga mata. Maski ang kulay ng aking buhok ay naiiba dahil ito'y kulay puti na ang dulo ay ginto. Ang magkaroon ng natatanging kapangyarihan na naiiba sa iba ay hindi ko kailan man hi...