22 - OCTABINA

113 10 0
                                    

MYXSICA'S POV

Habang tinitignan ko ang nakuha nitong halaman ay hinahanap ko sa isipan ko ang kung ano'ng klasing halaman ito at sa kung saan ko nga ba nakita ang bagay na 'yon. Habang inaalala ko 'yon ay hindi ko maiwasan ang hindi maisip ang tungkol sa ikinikilos ng prinsesa. Alam kong may kakaiba sa babaing 'yon at sa kung ano man 'yon ay kailangan kong malaman.

"Hindi n'yo ba naitanong sa reyna kung ano'ng klasing halaman ito at bakit mayroon nito dito?" tanong ko sa kanila at saka naman sila umiling.

Tinignan kong mabuti ang halaman at sinubukang alalahanin kung saan ko nga ba ito nabasa o nakita. Habang nag-iisip ako ay may naramdaman akong kakaiba kaya naman mabilis akong lumabas ng palasyo at sumunod silang lahat sa akin. Nang makalabas kami ay doon ko nakita ang isang malaking pusit na may malalaking galamay. Mayroon itong kasama na mga malalaking alimango at ang pagkakatanda ko ang tawag sa kanila ay Manalingo at Opitoryo. Mga halimaw ng Waixerus World.

"Woah, grabe ang laki niyan," hindi makapaniwalang sabi ni Fracia.

"Ano ba ang aasahan mo sa mga halimaw? Maliliit lang?" inis na sabi naman ni Abriya.

"Alam mo ang hirap mong kasama," sabi naman sa kaniya ni Fraacia.

"Mamaya na kayo mag-away," sabi naman ni Hexon.

Tinignan ko lang ang nilalang na nasa harapan namin. Habang tinitignan ko sila ay may napansin akong kakaiba. Gano'n pa man ay naroon na ang Reyna, Hari, Prinsesa at pati na rin ang prinsipe. Napabaling ang tingin ko sa Prinsesa na no'n ay nakatingin lang sa mga halimaw na nasa harapan namin. Mayroon rin akong napansin sa kaniya at saka ko muling tinignan ang malaking pusit na nasa harapan namin. Dumating ang mga serena at saka sila pumalibot sa Hari, Reyna at Prinsipe. Tanging ang Prinsesa lang ang hindi nila pinansin.

Nangunot ang noo ng Reyna at tila nalilito sa kung ano ang nangyayari. Pati kami ay pinalibutan ng mga serena. Akmang susugod sana si Xiphus pero hinarang ko ang kamay ko para senyasan s'yang h'wag gumawa ng kahit na ano mang kilos.

"Ano ba ang nangyayari?" bulong na sabi ni Hyx.

"Ano ang ibig sabihin nito?" tanong ng Reyna.

Tumingin siya sa babae niyang anak at saka binalik ang tingin sa halimaw na nasa harapan niya. "Hindi ko kailangan magpaliwanag. Madali lang sana ang lahat kung wala kang hindi inaasahang bisita. Pero dahil sa mayroon na s'yang napansin at nalaman ito ang naging pagkakataon namin na sumugod," sabi ng Prinsesa at mas lalong naguluhan ang Reyna.

Tumingin sa akin ang Prinsesa at saka ako nito pinalutang sa ere. Tinignan ko sina Xiphus at sinenyasan na h'wag kikilos o gagawa ng kahit na ano. Habang nakalutang sa ere ay napapalibutan ako ng mga pirana.

"Ano ang kinalaman ng Prinsesa ng Haterial dito, Prinsesa Ashera?" tanong ng Hari.

Hindi sinagot ni Ashera ang kaniyang ama at nakatingin lang ito sa akin. Masama ang tingin niya at pakiwari ko ay kilala niya ako. Habang nakatingin ako sa kaniya ay nakikita ko ang galit sa mga mata nito.

"Magsasalita ka o tatahian ko 'yang bibig mo?" banta ko sa kaniya.

Ngumisi siya sa akin at saka ito lumapit. Hinawakan niya ang baba ko at saka ako napaangat ng mukha ko. "Hindi ka dapat nandito at hindi ka na dapat pang bumalik sa mundong ito," mariing sabi niya at saka niya ako hinawakan sa leeg.

Mabilis akong kumawala at tinutok ko ang talik ng espada ko sa leeg niya. "H'wag mo 'kong minamaliit, Prinsesa ng mga opitoryo. Baka pagbumain itong espada ko sa iyo malunod ka sa sarili mong dugo," banta ko.

Nakita ko kung paanong manlaki ang mga mata ng Hari at Reyna pero hindi ang Prinsipe. Nakita ko ang galit sa mga mata nito at nakikita kong tila matagal na n'yang alam ang katotohanan. Nakita ko kung paano s'yang mapalunok at nakikita ko kung paano s'yang manginig at matakot sa akin.

"Hindi ka magaling magtago dahil alam ng Prinsipe ang totoong pagkatao mo."

"MANAHIMIK KA!" sigaw nito sa akin.

Mas lalo kong diniinan ang talim ng espada ko sa leeg niya dahilan para magkaroon ito ng sugat. Sa pagkainda nito ay nakita ko kung paanong napainda rin ang malaking Octopus at napatingin ako sa babaing nasa harapan ko. Ngumisi ako sa kaniya at mabilis ko naman s'yang binihag ng kapangyarihan ko.

"PAKAWALAN MO 'KO!" sigaw nito at pagpupumiglas. "Hindi n'yo na maibabalik pa ang Prinsesang pinakamamahal niyo!"

"Manahimik ka!" sabi ni Abriya at saka siya malakas na sinampal.

"Oo nga!" sabi naman ni Fracia at sinampal din ang babae.

"Bakit ka nakikisampal?!" inis na sabi nito at saka siya tumingin sa akin.

Nagkibit balikat lang ako sa kaniya at saka ako tumingin sa malaking octopus na nasa harapan ko. Hinawakan ko ang ulo nito at saka ko ipinikit ang mga mata ko. Naririnig ko ang sigaw ng prinsesang huwad pero hindi ko siya pinakinggan. Tinignan ko ang kung ano ang mga naganap at sa kung ano ang nangyari. Paano silang nagkapalit ng katawan at paano siyang nabihag. Nang makita ko ang lahat nang iyon ay saka ko minulat ang mga mata ko at muli akong tumingin sa huwad na Prinsesa.

Tinaas ko ang kamay ko at saka hinawi ang kamay ko. Pagkatapos no'n ay saka ko sinenyasan ang mga pirana at serena na tumabi. Ginawa ng mga ito ang sinenyas ko dahilan para lumapit sa akin ang Reyna at Hari. Ang Prinsipe ay sinugo ang huwad na Prinsesa at mabilis naman itong hinarangan ni Hyx at Kelson. Galit ang nakikita ko sa mga mata niya at alam kong mahal nito ang kapatid niya.

"Kahit na ano pa man ang gawin mo. Baguhin mo man ang katauhan mo. Hindi pa rin mapupunta sa iyo ang trono. Ang pagpapanggap mo bilang Prinsesa ng Waixerisus Kingdom ay hindi sulusyon, Prinsesa Octibina," ani ko sa kaniya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"O-Octabina?" nauutal na saad ng Reyna.

"Kilala mo siya, Ina?" tanong ng Prinsipe.

"Siya ang kapatid ko," sagot naman nito. "Octabina..." mahinang usal pa niya.

"Hindi kita tinuring na kapatid kahit na kailan, Adela!"

Tinapat ko ang hawak kong dahon sa ulo ni Ashera na nasa katawan ni Octabina. Nang gawin ko iyon ay bigla na lang itong nagliwanag at narinig ko pa ang sigaw ni Octabina bago pa ito makaalis sa katawan ni Ashera. Sa pagkakataon na 'yon ay bumalik na sa katawan niya si Ashera at gano'n din si Octabina. Ngumisi ako at saka ko nilabas ang apoy ko dahilan para mapaatras siya.

"Hindi ako papayag na matalo sa ganitong paraan! Babalikan kita, Myxsica," banta nito sa akin.

"Kinagagalak ko," sarkastikong sabi ko naman sa kaniya.

Umalis na ito at saka naman ako tumingin sa Reyna, Hari, Prinsipe at Prinsesa. Tinaas ko ang palad ko at binigyan sila ng malakas na barrier para sa kung sakaling may mangyaring hindi maganda ay mararamdaman ko ito.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon