MYXSICA’S POV
Hindi ko alam kung hanggang saan ang itatagal ko dito sa mundo ng mga dyos at dyosa. Habang tumatagal kasi parang mas lalo akong nahihirapan. Napatingin ako sa kamay ko at saka ako napatingin kay Abus na no’n ay nasa harapan ko na. Hinawakan nito ang panga ko at saka niya ako tinignan sa mga mata ko.
“Hindi ka maaring bumalik hangga’t hindi mo ako natatalo, Myxsica,” ani nito sa akin.
“Kahit na nanghihina ang katawan ko hindi naman ako marunong sumuko,” sagot ko sa kaniya at saka siya ngumisi sa akin.
Tinignan ko sina Naia, Warilina, Linnea, Airalina, Levania maski si Miralina at saka ko binalik ang tingin ko kay Albus. Masama ko s’yang tinignan at saka ko tinapat ng palihim ang palad ko sa bandang t’yan niya. Nang magawa ko ‘yon ay saka ko pinakawalan ang kapangyarihan na nabuo sa palad ko pagkatapos ay tumalsik si Albus. Sa pagkakataon na ‘yon ay mabilis akong kumilos at saka ko nilabas ang espada ko. Agad naman itong sinalag ni Albus at saka siya ngumiti.
“Tama ‘yan… ipakita mo kung sino ka, Myxsica,” sabi nito at saka ako mas lalong nanggalaiti.
Kailangan ko siyang matalo at makabalik bago pa mag-umpisa ang laban sa pagitan ni Milana at Hellgurd. Tinulak namin ang isa’t-isa at saka kami parehong bumaba sa lupa. Nakikita ko ang aura sa kaniya at ramdam ko ang malakas nitong kapangyarihan. Alam kong nagawa ko siyang matakot ng isang beses at ramdam ko ang takot na ‘yon sa mga mata nito.
Tumingin ako sa limang goddess at saka ako nag-isip ng paraan sa kung paano ako mananalo laban sa kaniya. Lumipad ako paitaas at mabilis naman akong sinundan ni Albus at saka ko tinawag ang espada na si Seraphina. Nang lumabas ‘yon ay mabilis akong pumunta sa likuran ni Albus pero naramdaman niya ang pagkilos ko. Mabilis kong sinalag ang espada nito at saka kami nagpangbuno ng lakas dalawa.
“Mukhang nauubusan ka na ng oras, Myxsica?” pang-aasar nito sa akin.
“Hindi,” saad ko na siyang ikinakunot nito ng noo. “Sakto lang ang magiging dating ko,” dugtong ko at saka ko sinapak ang mukha niya.
Tumalsik ito at mabilis akong lumipad paibaba upang salubungin ang pagbagsak niya. Pero tila hindi yata dapat gano’n ang naging plano ko. Mukhang mali yata na naging kampante ako. Mabilis niyang pinakawalan ang malakas niyang kapangyarihan. Agad ko namang naipikit ang aking mata at saka ko hinawakan ng mahigpit ang espada.
Naramdaman ko ang pagbibigay nito ng lakas sa akin at sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay nakita ko mula sa harapan ko kung paanong nagsanib p’wersa ang kapangyarihan ng espada at pati na rin ang kapangyarihan ko.
Buong lakas kong hinawi ang espada dahilan para magliwanag ang buong paligid. Lumikha ‘yon ng malakas na pag-atake at nasira halos ang buong paligid dahil sa ginawa ko. Kanina’y ramdam ko ang panghihina ko pero sa pagkakataon na ‘to ay para akong bateryang muling nagkaroon ng enerhiya.
“Waw,” walang ganang sabi ko habang nakatingin sa espada ko.
“Hindi ako makapaniwala na magagawa mong matalo ang isa sa pinakamalakas na nilalang ng mga dyos at dyosa, nakakamangha ka, Myxsica,” puri ni Miralina.
“Siya pala talaga ang pinakamalakas. Pero bakit parang halos pareho lamang ang lakas naming dalawa?” nagtatakang tanong ko.
“Dahil ang kapangyarihan mo ay halos kasing lakas ng kapangyarihan ni Albus. Gayon pa man ay mayroon pa kaming inaasahan mula sa iyo na tanging ikaw lamang ang makakadiskubre sa sarili mo,” sabi naman ni Warilina.
Tinignan kong muli ang espada at para itong naging tubig na gumapang mula sa aking kamay patungo sa braso ko. Ramdam ko ang kapangyarihan nito at para bang may kung ano’ng kakaiba sa loob ng katawan ko.
“Wala pa tayo sa umpisa, Myxsica. Ito ay isa lamang sa iyong mga pagsubok. Kakailanganin mo ng tapang, dedikasyon at tibay ng puso at isipan,” ani naman ni Linnea.
Tumingin ako sa kanila isa-isa at saka ako bumuntong hininga. “Alam kong nakailag ka sa tirada ko, Albus. H’wag mong gawing tanga ang mga kasapi mo dahil kapangyarihan pa lang ni Seraphina ang tumama sa iyo.”
Nang sabihin ko iyon ay nanlaki ang mga mata nila. Tila hindi inaasahan ang sinabi ko at mula sa nasirang mga bato ay lumitaw ang g’wapong mukha ni Albus. Pinagpagan nito ang kaniyang sarili at saka huminga ng malalim.
“Tingin ko ay kaya na niyang tumbasan ang lakas ni Hellgurd. Ngunit h’wag kang magpapakasigurado—”
“Hindi naman ako kasing tanga n’yong lahat,” putol ko sa sasabihin pa lamang ni Albus. “Sa totoo lang ay may natutunan naman ako sa naging laban ko sa in’yo. Hindi lang ito tungkol sa paglabas ng kapangyarihan, sukat ng galing at sa kung gaano ka katalino at kalakas. Tungkol ito sa kung paano ko dapat kontrolin ang sarili ko, dahil sa oras na hindi ko makontrol ang galit ko ay katapusan na ng lahat,” saad ko na siya namang ikinanganga nilang lahat maliban kay Wilaya.
“Ang totoo niyan… tama ka naman. Ngunit…”
“Hindi mo kailangan mag-alinlangan sa bagay na hindi dapat inililihim, Wilaya. Alam mo ang kahalagahan ng buhay ko at buhay ng taong nagbibigay buhay rin sa mundo ng Devuneike.”
Napangiwi si Albus sa akin at saka siya tumingin kay Wilaya. “Kung gano’n ay buhay siya?” seryosong tanong nito kay Wilaya.
“Oo,” sagot naman nito habang nakayuko.
“Bakit mo inilihim ang tungkol sa bagay na ‘yan, Wilaya?” tanong ni Levania.
Tumingin sa akin si Wilaya at tila nag-aangan sa sasabihin niya. Alam kong hindi lang ito tungkol sa akin o sa Ethrejal. Tungkol din ito sa isa pang propesiya na tanging siya lamang ang nakakaalam.
“Ikaw lamang ang maaring makahana at makapagligtas sa kaniya, Myxsica. Katulad ng mga ligaw na kaluluwa. Kailangan mo siyang maibalik mundong kaniyang kinabibilangan.”
Napangiwi ako kasi nagkaroon na naman ako ng panibagong responsibilidad. Tingin ko kapag natapos ang laban namin ni Hellgurd at nakuha ko ang kailangan ko ay hindi pa matatapos ang laban ko. Parang buong buhay akong makikipaglaban sa pesteng ‘yon.
“Hindi niyo pa ba ako ibabalik? Baka hindi na kayanin ni Milana ang magpanggap,” walang ganang sabi ko at agad naman na binuksan ni Wilaya ang lagusan.
Hindi na ako nag-atubili pa at pumasok na ako roon. Wala rin naman akong balak alamin sa kung ano ang gusto nilang pag-usapan o kung sino ang tinutukoy nila. Kaya kong alamin ang tungkol sa bagay na ‘yon.
“Nagsayang lang ako ng oras para sa walang k’wentang ensayo,” nabubunot na sabi ko sa sarili ko.
Nang unti-unti na akong makakalabas sa liwanag ay naririnig ko ang ingay sa paligid. Dama ko ang sakit ng katawan ko at mula sa harapan ko ay kitang-kita ko ang nakangiting mukha ni Davina. Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko ang walang buhay na katawan ni Kelson, Hexon at Hyx. Si Xiphus naman ay bitag ni Mathilia.
Ramdam ko ang pagpatak ng luha ko pero tingin ko ay hindi ako ang umiiyak kung hindi si Milana. Ngumisi ako kayDavina at saka ko tinignan si Mathilia.
“Tapos na ba kayo?” tanong ko na may kahulugan dahilan upang sumeryoso ang kanilang mga mukha. “Kasi ako naman,” saad ko pa at mabilis na kumilos patungo sa likod ni Davina at at nilabas ang espada ko saka ko ito tinarak sa likuran niya.
BINABASA MO ANG
THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOM
FantasiaAko si Xyca Myxsica Frijado- ang babaing mayroong lila at dilaw na mga mata. Maski ang kulay ng aking buhok ay naiiba dahil ito'y kulay puti na ang dulo ay ginto. Ang magkaroon ng natatanging kapangyarihan na naiiba sa iba ay hindi ko kailan man hi...