9 - THE SWORD OF THE LEGENDARY WARRIOR

376 18 0
                                    

MYXSICA’S POV

Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming naglalaban. Basta ang alam ko ay wala ‘ni isa sa amin ang gustong magpatalo. Kahit na nasa anyong dragon s’ya ay hindi ‘yon alintana sa akin. Malaki man o maliit wala akong pakialam dahil hindi rin ako nagpapatalo pagdating sa laban.

“Ano? Hindi pa rin ba tayo hihinto? Sinabi ko naman na sa iyo na wala akong balak na kunin ang espadang pinangangalagaan mo,” naiinis kong sabi.

“Kahit na ano pang gawin mo ay hindi ako maniniwala sa mga pinagsasasabi mo!”

“E’DI ITANONG MO KAY MIRALINA!” galit na sigaw ko dahilan para magbago ang ekspresyon ng mukha niya. “Sinabi ko na sa kan’ya na hindi ko kukunin ang espada niya kahit na ano pang mangyari dahil ayaw ko ng responsibilidad! Kung sana hindi siya namatay noon ay wala sanang ipapasang responsibilidad ngayon! Pinapagod mo lang ang sarili mo sa akin.”

Nagbago ang anyo nito at muli s’yang naging isang magandang babae. Ngunit naroon ang gasgas sa kan’yang mukha at pati na rin sugat sa kan’yang braso nang dahil sa akin.

“N-Nakausap mo siya?” tanong nito at bakas sa mukha niya na tila naluluha. “Tanging itinakda lamang niya ang maaaring makakausap sa kan’ya. Matagal ko na s’yang gustong makita at mayakap pero…” napahinto ito at saka napaupo. “Bakit gano’n? Sa iyo lang s’yan nagpakita?”

Sa pagkakataon na ‘yon ay tila alam ko na kung bakit siya naging ganoon. Pakiwari ko ay dahil sa espada ay nakakulong siya ngayon. Kailangan niya itong alagaan at kailangan ay wala kahit na sino man ang maaaring humawak no’n kung hindi ako lamang.

“Kaano-ano mo ba si Miralina?” tanong ko.

“Ako ang kan’yang kambal diwa,” sagot nito. “Dahilan upang pangalagaan ko ang kan’yang pagmamay-ari,” dagdag pa niya.

“Kambal diwa? Ano ‘to Engkantadia?” napipikong saad ko.

“Kung kanina mo pa sana sinabi na ikaw ang susunod na tagapangalaga at nakausap mo na siya ay hindi na sana tayo naglaban,” sumbat nito sa akin.

“Kasalanan ko pa? Sinabi ko na sa iyo kanina na dinala ako dito ng pesteng libro na ‘yan, oh!” Turo ko doon sa libro. “Kung hindi dahil d’yan ay wala ako dito ngayon. Ang espadang ‘yon ang susi pero wala akong balak na—” napahingo ako nang sasabihin nang bigla na lang akong nasa loob ng k’weba.

Mula sa harapan ko ay naroon ang espada at pakiwari ko’y tinatawag ako nito. Ang ganda ng espada. Ang kinang nito at tila ang talim rin. Nakakaakit ito sa totoo lang.

Hindi ko hahayaan na madala ako ng kakaibang enerhiyang nag-uutos sa akin na kunin ang espada.

Mula sa harapan ko ay naroon si Miralina na nakatingin sa akin. “Hindi mo malalabanan ang pagtawag sa iyo ng espada, Myxsica. Alam kong magiging mabigat na responsibilidad ang maaaring maging kapalit ngunit kinakailangan mo itong gawin,” saad niya.

“Mas mabuti pang mamatay na lang ako kaysa makipaglaban sa mga masasamang nilalang at ialay ang sarili ko sa iba!” mariing sabi ko.

Bakas sa mukha nito ang lungkot ngunit totoo ang mga sinabi ko. Mas gugustuhin ko na lang mamatay kaysa mangalaga ng mundo ng iba. Mas lalong lumalakas ang liwanag ng espada. Mas lalo rin akong hinahatak ng kakaibang enerhiya. Hindi ko alam kung paano ko s’ya lalabanan.

“Halika, Myxsica, hawakaan mo ako,” ani ng espada sa akin.

“B-Bakit n-nagsasaliga ang e-espada?” naguguluhang tanong ko.

“Ako ang nangangalaga ng espada ngunit ang boses na iyong naririnig ay ang buhay na espada,” sabi ng dragon.

“A-Ano ang ibig mong sabihin?”

“Ang espadang iyan ay si Seraphina,” singit ni Miralina.

Kumalat ang liwanag nito na para bang lubid. Pumulupot iyon sa kamay at paa ko at pilit akong hinihila. Nakantingin lang sa akin ang babaing dragon at pati na rin si Miralina. Pilit kong nilalabanan ang paghila nito sa akin ngunit huli na rin ang lahat. Nakalapit na ako dito at halos kuminang ang mga mata ko sa ganda nito.

“Ang tadhana ay tadhana, Myxsica. Kahit na ano pa mang gawin mo ay hindi mo na ito mababago,” sabi ni Miralina. “Ang espada ko’y ikaw na ang magmamay-ari. Walang kahit na sino man ang maaaring makahawak n’yan. Dahil sa oras na hawakan nila ito’y maaari silang malason,” dugtong pa niya.

Nagbabad’ya ang luha sa aking mga mata. Mga alaala nang mga magulang ko ang aking nakikita sa espada. Ang mga kinalakihan kong mga magulang sa mundo ng mga tao. Kung paano nila akong dinala sa isang portal upang makabalik sa totoong mundo ko.

“Ito na rin ang panahon upang hanapin mo ang iyong totoong mga magulang. Kung gusto mong malaman kung sino sila at ano silang klasing nilalang,” sabi ng dragon.

Iyong kamay ko ay halos hawakan na ang hawakan ng espada. Gusto kong magwala ngunit wala nang kahit na ano pang lumalabas sa bibig ko. Mas lalo pang nagliwanag ang buong paligid at napainda ako dahil sa lakas nang kapangyarihan na tila pumapasok sa katawan ko. Hindi ko kakayanin at ano mang oras ay maaari akong bumagsak

Napapikit ako ng mariin dahil tila sumasakit ang katawan ko. Napahiyaw na ako sa sobrang sakit at halos hindi ako makahinga. Ayaw ko tagala itong hawakan ngunit ang p’wersang bumabalot sa katawan ko ay unti-unti naman akong pinapatay. Nagmulat ako ng mga mata ko st tinignan ang espada. Sa pagpatak ng luha ko ay hinawakan ko ito at saka unti-unting hinugot mula sa pagkakabaon nito sa bato. Sa puntong iyon ay mas lalong kumakas ang pagkalat ng liwanag sa buong paligid at bumalot ito sa aking buong katawan.

Nakita ko si Miralina na nakalutang sa harapan ko. “Ako, si Miralina— ang dating sugo at tagapangala ng buong Ethrejal at ang dakilang mandirigma ng kaharian ng Arendelle ay pinapasa ang tungkulin at pangangala sa buong Ethrejal sa iyo Mxysica,” sabi nito habang makaharap sa akin at nakapatong ang espada sa aking balikat. “Ikaw na ngayon ang bagong tagapangalaga sa mundo ng Ethrejal at kahiran ng Arendelle.”  Nang maramdaman ko ang lakas sa katawan ko at bumalot ang kapangyarihan sa buong katawan ko ay unti-unti kong naipikit ang mga mata ko.

Sa puntong iyon kahit na sabihin kong hindi ko gusto ang nangyayari ay kapalaran mismo ang gumawa ng paraan sa obligasyong pilit kong gustong takasan. Ngunit sa pagkakataon rin na ito napagtanto kong hindi mo p’wedeng takasan ang responsibilidad na sa iyo ay nakaatang.

Bakit ba ako nabuhay para sa ganito? Bakit taliwas ang gusto kong mangyari? Sana hindi na lang ako nabuhay.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon