15 - TREEMAKO KINGDOM

244 12 0
                                    

MYXSICA’S POV

Habang nakatingin sa mga iyon ay may naalala akong naibulsa ko bago ako umalis. Kinuha ko iyon at saka pinalaki at doon ay nagsipaghinto ang mga ito sa pagsugod sa amin. Nagtinginan sila at saka tumingin sa akin. Tumingin din sina Fracia, Abriya, Hyx, Kelson at Hexon—p’wera lang doon sa lalaking masama ang tingin kay Hyx kasi sobrang lapit sa akin.

“Ano ‘yan?” takang tanong ni Abriya.

“Mahiwagang bulaklak,” sagot ko.

“Saan mo naman nakuha ang bagay na ‘yan?” tanong ni Fracia.

“May nabasa ako tungkol sa mga Falistia. Mayroong isang mahiwagang bulaklak ang nawawala sa kanila at sa tingin ko ay ito iyon,” sagot ko.

Inalis ko ang barrier namin at saka lumapit ang isang babaing Falistia. Inilatag nito ang kaniyang kamay at saka naman lumutang sa ere ang bulaklak na iyon at nagkaroon ng liwanag sa buong paligid. Sa puntong iyon ay namangha kami at hindi ko inaasahan na mas maganda ang kaharian nila kaysa sa nakikita ko sa libro. Hindi ko lang alam kung paano’ng ang kaninang dinaanan namin ay ang itim na gubat kung sa Treemako pala kami mapapadpad. Kung hindi ako nagkakamali ay malamang malapit lang ang naharian dito.

“Woah!” -Fracia.

“Ang ganda,” hindi makapaniwalang sabi ni Kelson.

Naglakad ako at saka tinahak ang landas papunta sa nakikita kong liwanag. Nang makalapit na ako doon ay napapikit pa ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mga mata ko. Nang imulat ko ito ay saka tumambad ang kaharian ng Treemako sa harapan ko.

Mukhang mayroon ngang nagmamasid sa amin at tingin ko ay mali ako ng akala na doon ang tagos patungo sa paroroonan namin.

“Ang ganda pala ng Treemako?” kumento ni Abriya.

“Oo, maganda rin kasi ang pamumuno ng hari at reyna dito,” sagot ni Hexon.

“Kung gano’n ay mali ba tayo ng dinaanan? Akala ko ba ay doon tayo tatagos sa Lavaticus?” usisang tanong ni Fracia.

“P’wede bang manahimik ka?” ani ko at hindi tumitingin sa kaniya.

Nakita ko kung paanong napanguso si Fracia at saka ako lumipad. Sumunod naman din sila sa akin kahit na hindi ko sinasabing sumunod sila. Habang nakatingin sa buong paligid ay hindi ko maiwasan ang hindi mapaisip sa nangyari. Napahinto ako sa gitna at saka tumingin sa gubat na pinagmulan namin. Ngunit wala na ito at laking gulat namin na iba na ito.

“There’s something wrong,” bulong ng Prinsipe sa akin.

“I know,” sagot ko.

“What do you think?”

Tumingin ako sa kaniya at saka bumalik ng tingin sa pinagmulan namin. Itinaas ko ang kamay ko at saka ako gumawa ng malaking bola ng apoy. Sa puntong iyon ay binato ko iyon sa pinagmulan namin dahilan para magkaroon ng isang malaking pagsabog.

Naririnig ko ang pagpapanik ng mga tao gayon pa man ay bigla kaming bumagsak dahil sa lambat na galing sa hindi ko alam. Pagkabagsak namin ay naroon ang mga kawal at kita ko ang kanilang mga seryosong tingin. Lalo na iyong isang may itsurang namumuno sa kanila. Napabuntong hininga na lang ako at inalala ang kung ano ang nangyari bago kami bumagsak.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon