5 - THE BOOK

522 23 0
                                    

MYXSICA’S POV

Nang sabihin ko iyon sa kanila ay hindi sila nakapagsalita sa ‘kin. Tumalikod ako sa kanila at saka ako umalis. Hindi ko gustong makita sila at wala akong pakialam sa kanila. Habang naglalakad ako papunta sa library ay napahinto ako sa paglalakad at saka ako napabuntong hininga.

“Hindi mo ba ako titigilan o gusto mong gilitan kita ng leeg?” babala ko sa kan’ya.

“Bakit ba hindi naaalis ang inis mo sa akin?” nakangusong tanong nito sa akin.

“Sa kakaganiyan mo ay iisipin kong bakla ka,” pang-aasar ko sa kan’ya at saka ako nagpatuloy sa paglalakad.

Pumasok ako sa library at saka ako naghanap ng libro na babasahin ko. Pero hindi pa rin ako tinatantanan ng Prinsipe. Nakabuntot pa rin ito sa akin at sa totoo lang ayaw ko naman pag-aksayahan ng oras na suwarin siya kaya hinayaan ko na lang. Habang hinahanap ko ang libro na gusto kong basahin ay may naririnig akong himig na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Napalingon ako sa ibang bahagi ng mga libro pero wala namang isa sa mga estudyanteng narito ang gumagawa ng ganoong himig.

“Naririnig mo ba ‘yon?” tanong ko sa Prinsipe.

“Alin?” tanong nito.

“Iyong himig ng babae,” sagot ko.

“Ha? Wala naman akong naririnig,” sagot nito at saka tumingin sa paligid.

Nakikita ko kung paano s’yang pagtinginan ng mga babae ang lalaking nakasunod sa akin pero hindi ko na lang din sila pinapansin. Nakarating ako sa pangalawang palapag at habang pinapakinggan ito ay mas lalong lumalakas ang himig nito. Nakarating ako sa may pinakadulo ng shelves at doon ay nakita ko ang kumikinang na libro.

“Ano ‘yon?” nagtatakang tanong ko.

“Ang alin?” Napasinghap ako sa biglang pagsulpot ng Prinsipe sa likuran ko.

“Hindi ka pa rin umaalis?” inis na sabi ko.

“May nakikita ka bang hindi ko nakikita?” nagtatakang tanong niya.

Tumingin ako doon sa nagliliwanag na libro at saka ako tumingin sa kaniya. Nakatingin siya doon sa tinitignan ko pero tila wala s’yang nakikita.

Nakakapagtaka naman na hindi niya nakikita ang nakikita ko?

Muli akong tumingin sa nagliliwanag na libro at saka ako lumapit doon. Nang nasa harapan ko na ito ay kinuha ko ito at nawala ang liwanag no’n at doon ko nakita ang kakaiba nitong itsura. Mayroon itong bilog sa gitna na mayroong nakadisenyong araw at b’wan. Naroon ang apat na crystal no’n at napatingin ako sa Prinsipe. Nangunot ang noo niya habang nakatingin sa librong hawak ko.

“Ngayon ko lang nakita ang libro na ‘yan,” sabi nito at saka kinuha ang libro sa akin.

Binawi ko ito sa kan’ya at saka naunang lumabas. Hindi ko alam kung ano ang laman ng libro pero may palagay akong mayroon itong kinalaman sa naririnig ko kanina. Umupo ako at saka pinagmasdan ang libro at doon ko lang napagtanto na naka-lock pala ito.

“Kailangan ng susi para mabuksan,” sabi ni Prinsipe Xiphus.

“P’wede bang lumayas ka muna?” inis na sabi ko sa kan’ya.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon