MYXSICA’S POV
Nang magising ako ay hindi ako pamilyar sa kisameng nakita ko. Napakunot ang noo ko kasi ang gara nito. Inilibot ko ang paningin ko at nasa malaking kama na ako. Agad akong napaupo at saka napahawak sa ulo ko.
“Mabuti naman at gising ka na.” Napalingon ako sa nagsalita at doon ko nakita ang mukha ng Prinsipe.
“Ano ang ginagawa ko dito?” tanong ko sa kan’ya.
“Nakita kitang walang malay sa harap ng Dormitoryo niyo. Kaya kinuha kita at dinala dito,” sagot naman nito.
“Ano naman ang ginagawa mo sa dormitoryo namin?” usisang tanong ko.
Bigla ay napaiwas siya ng tingin at saka napakamot sa batok niya. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo na. Akmang lalabas ako sa silid ng Prinsipe nang bigla nitong hawakan ang braos ko saka ako nito hinarap sa kaniya. Sa pagkakataon na ‘yon at nakita ko ang maganda nitong mga mata.
“Hindi ka p’wedeng lumabas ng basta-basta,” ani niya. Binitawan niya ako at saka siya naunang lumabas.
“Wala namang ibang tao ano bang inaaning mo?” inis na saad ko.
“Eh, hehehehehe. Iniingatan lang kita baka ma-issue ka kasi alam kong ayaw mo sa akin. Kahit sa mundo ng mga mortal ang sama na ng tingin mo sa akin, e.”
“Dahil ‘yang mukha mo ay nakakasura.”
“Sa g’wapo kong ito?”
Napatawa ako ng pagak at saka ako napailing. “Ang hangin mo rin ano? Mas’yado mong pinupuri ang sarili mo,” sabi ko at saka naunang maglakad.
Nang makalabas ng palasyo ay napatingin ako sa k’weba kung nasaan ang espada pero wala na doon ang makinang na liwanag. Napatingin ako sa kamay ko at naalala ang senaryong nangyari. Kung nakita ako ng Prinsipe sa labas ng Dormitoryo ko. Paano naman ako napunta doon? Lumingon ako sa Prinsipe at ngumiti ito sa akin.
Imposible naman na siya ang nagdala sa akin.
Nagpatulay na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa labas ng dormitoryo namin. Naiinis ako at nagagalit sa sarili ko dahil hinayaan kong mangyari ang bagay na hindi ko naman kahit na kailan gusto.
“Hindi mo ba ako titigilan?” walang ganang tanong ko sa kaniya.
Hindi ko siya nilingon at nakatingin lang ako sa dormitoryo. “Titigil lang ako kapag nagustuhan mo na ako,” sagot nito.
“H’wag mo na hilingin. Hindi magkakatotoo,” sagot ko naman sa kaniya.
Bigla s’yang nag-teleport sa harapan ko at halos magdikit na ang aming mga labi. “Tingin mo ba hahayaan kong hindi mangyari ang bagay na nais ko?” sabi nito sa akin na halos pabulong.
Nginisihan ko lang s’ya at saka ako napa-corss ng braso ko. “Kung ako sa ‘yo, h’wag kang umasa na mangyayari ang nais mo. Baka sa sobrang paghahabol mo mawala sa ‘yo bigla,” sagot ko naman sa kaniya.
Tinulak ko siya at saka ako naglakad papasok. Bumalik na ako sa k’warto at saka tinignan ang sarili ko sa salamin. Wala namang kahit na ano’ng nagbago sa akin. Walang kakaiba at walang kahit na ano mang bakas sa mga nangyari. Nawala ang sugat ko.
“Imposibleng panaginip lang ang nangyari. Nawala na ‘yong liwanag na nangagaling sa k’weba kaya alam kong totoo ang lahat ng mga ‘yon.”
Napabuntong hininga na lang ako at saka naligo at nagbihis. Mayroon pa kaming klase kaya kailangan ko rin ihanda ang sarili ko. Nang makabas ako ng silid ay nakasalubong ko si Fracia.
BINABASA MO ANG
THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOM
FantasyAko si Xyca Myxsica Frijado- ang babaing mayroong lila at dilaw na mga mata. Maski ang kulay ng aking buhok ay naiiba dahil ito'y kulay puti na ang dulo ay ginto. Ang magkaroon ng natatanging kapangyarihan na naiiba sa iba ay hindi ko kailan man hi...