ABRIYA’S POV
Habang naglalakad kami patungo sa paglalabanan namin ay hindi ko maiwasan ang hindi matakot at hindi kabahan sa kung ano ang mangyayari. Pakiramdam ko kasi ay matatagalan bago makabalik si Myxsica sa katawan niya. Nang makarating kami sa gymnasium ay naroon na ang maraming tao. Tumingin ako kay Milana at saka siya tumingin sa buong paligid.
“Grabe, ganito pala dito sa Devuneike?” hindi makapaniwalang usal niya.
“Tingin ko ay hindi ka naman uunahing makipaglaban ni Hellgurd. Mahal na mahal niya ang katawan na ‘yan,” ani ni Prinsipe Vox na no’n ay biglang lumitaw sa harapan namin.
Napaisip ako sa sinabi niya at wala namang ipinakitang kahit na ano’ng emosyon si Milana. “Mas matutuwa siguro ako kung hindi ka basta-basta na lang sumisingit sa usapan namin,” ani nito na may halong inis.
Marahan kong tinulak si Prinsipe Vox at saka inayos ko ang sarili ko. Tumingin kami kay Milana at saka siya huminga ng malamim. “Siguro naman ay magiging patas sa atin si Hellgurd?” ani ko.
“H’wag kang pakasigurado,” sabi naman ni Hyx.
“Hindi niyo p’wedeng pagkatiwalaan ang kahit na sino,” sabi naman ni Milana.
“Bakit?” tanong ko naman sa kaniya.
“Nakikita niyo ba ang mga mukha nila?” sabi nito at saka tinuro ang mga nilalang na nasa paligid. “Mga tao ‘yan na pinarusahan kaya ang bawat nandiyan ay mga kaluluwang kailangan maibalik sa kani-kanilang katawan.”
Nanlaki ang mata namin sa sinabi niya at pinagmasdan kong mabuti ang mga ito. Doon ko nakita ang mga kadenang nasa kanilang mga paa at pakiwari ko’y may kung ano sa kanilang mga puso.
“Ngayon ko lang napansin,” sabi ni Fracia at saka sumiksik sa akin.
Sa pagkakataon na ‘to ay nakaramdam ako ng takot. Hindi para sa sarili ko kung hindi para sa mga nilalang na nandidito. Kung hindi sila maibabalik sa kani-kanilang mga katawan. Maaari silang mamatay sa mundo nila at makulong sa mundong ito habang buhay. Tumingin ako kay Milana na no’n ay nakatingin kay Hellgurd at Mathilia. Bumuntong hininga siya at saka pinag-cross ang braso.
“Paano ko sila mapapalaya?” tanong nito.
“Madali lang naman kung isusuko mo ang iyong sarili,” sagot ni Mathilia.
“Eh, paano kung... gumawa tayo ng isa pang kasunduan?”
“H’wag mong sabihin na isusuko mo rin talaga ang sarili mo para lang sa mga ligaw na kaluluwang ito?” nakangising saad ni Mathilia.
“Gano’n na nga… natatakot ka na ba?” mayabang na saad ni Milana.
Hindi ko maintindihan kung bakit at paanong nagagawa niyang magaya ang pag-uugali at ora ni Myxsica. Kahit na wala siya dito pakiramdam ko ay hindi kami makakatakas sa presensya niya. Bawat kilos at galaw niya pakiramdam ko ay siya pa rin ang nandito.
“Tama na nga ‘yan. Hindi pa ba natin uumpisahan ang laban?” tanong ni Prinsipe Vox at saka siya pumagitan.
Umabante si Helicus at saka siya tumingin kay Prinipe Vox at itinaas ang kamay niya. Umangat ang kinalalagyan namin at saka nagkaroon ng hati sa pagitan ng bilog na bato. Sa pagkakataon na ‘yon ay saka naman kami gumilid at sa pagkakataon na ‘yon ay nasasabik akong muling makipaglaban.
“Matirang matibay,” sabi ni Milana.
“Ano? Hahayaan mo kaming mamatay?” sabi naman ni Kelson.
“Ayaw n’yo bang mamatay na may karangalan sa Arendelle?” sabi naman ni Milana.
“Anak ka ng saltik. Paano ko maikalalat ang kagwapuhan ko kung mamamatay rin lang naman ako?” ani ni Hexon.
Napatampal naman ako sa noo ko at saka napailing. Tumingin sa akin si Milana at saka siya may binitay na hindi ko alam kung ano ang tawag. Tumingin sa mga mata ko at saka lumapit sa amin si Fracia.
“Ano ‘yan?” usisang tanong nito.
Sa pagkakataon na ‘yon ay binigyan din ni Milana si Fracia. Parehong nangunot ang noo naming dalawa at sa pagkakataon na ‘yon ay wala kaming naiintindihan sa kung ano ang gusto niyang mangyari.
“Alam kong nalilito kayo sa kung ano ang nangyayari pero kakailanganin niyo ang bagay na ‘yan sa pagbalik ni Myxsica,” sabi nito at saka kami nagkatinginan.
“Eh bakit dalawa lang kami ang mayroon nito?” tanong namin.
“Dahil kayong dalawa lang ang makakagawa ng bagay na ipapagawa ko sa oras na bumalik si Myxsica,” sagot niya.
“Paano?” tanong ni Fracia.
Pare-pareho kaming napalingon sa kinalalagyan ni Hexon na no’n ay nasa gitna na at saka naman lumapit sa amin sina Hyx, Kelson at Prinsipe Vox. Sa pagkakataon na ‘yon ay sandali kaming natigil sa pinag-uusapan namin at saka kami napatingin sa kinalalagyan ng makakalaban ni Hexon. Hindi namin kilala kung sino ang makakalaban niya pero hindi ko rin naman maipagkakailang malakas ang kaniyang kapangyarihan at hindi namin sigurado ang kung ano ang kakayahan nito.
Pumunta sa gitna si Hellgurd at saka nito itinaas ang kamay niya. Pumunta rin doon ang isa pa nilang kaanib at saka naman sumunod si Hexon. Nagkatinginan kaminat saka napangiwi si Kelson. Alam kong nag-aalala siya sa kapatid niya pero wala rin naman kaming pamimilian.
“Hindi ko inaakalang handa kang lumaban para sa iyong grupo?” ani ni Hellgurd.
“Isa lang s’yang mahinang nilalang. Mabilis lang itong laban,” sabi no’ng mayabang na kalaban.
“Talaga? Ramdam mo agad? Grabe, hindi kasi ako p’wedeng sumuko. Kailangan kong lumaban para malagay ako sa libro ng mga bayani,” sagot naman ni Hexon at saka ako napatampal sa noo ko.
Natawa naman si Fracia sa sinabi ni Hexon at sumeryoso naman ang mukha ni Kelson. Sumeryoso naman ako at saka umupo sa isang gilid. May upuan naman para sa amin habang pinapanood ang paglalaban nila. Habang nakataas ang kamay ni Hellgurd at nakita ko ang ngisi mula sa mukha ni Mathilia. Napakuyom ako ng kamay ko kasi alam kong mangkukulam si Davina at maaari silang mandaya.
Hinawakan ni Milana ang kamay ko at saka ako napatingin sa kaniya. “Hindi mo kailangang mag-alala. Hindi lang si Davina ang maaaring gumamit ng salamangka dito,” sabi ni Milana gamit ang isip.
“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ko gamit rin ang isipan.
Tumingin siya kay Fracia at napakunot ang noo ko sa ginawa niya. Imposibleng isang mangkukulam rin si Fracia. ‘Ni minsan hindi ko pa nakikitang gumamit siya ng kahit na ano mang salamangka o mahika. ‘Ni wala man lang siyang libro para sa mangkukulam. Nagpakawala ng apoy si Hellgurd hud’yat na umpisa na ang laban. Hindi ko magawang hindi mangamba lalo na kung naging malapit na silang lahat sa akin.
“Kahit masama ugali mo nagawa mong mag-alala para sa amin.” Unti-unti kong nilingon ang nagsalita at doon ko nakita ang nakangiting mukha ni Kelson.
“Gusto mo bang ako mismo pumatay sa ‘yo?” inis na sabi ko.
BINABASA MO ANG
THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOM
FantasyAko si Xyca Myxsica Frijado- ang babaing mayroong lila at dilaw na mga mata. Maski ang kulay ng aking buhok ay naiiba dahil ito'y kulay puti na ang dulo ay ginto. Ang magkaroon ng natatanging kapangyarihan na naiiba sa iba ay hindi ko kailan man hi...