21 - WAIXERISUS KINGDOM

200 12 0
                                    

MYXSICA’S POV

“Wala kayong ginawa! Hindi niyo man lang ako tinulungan! Hinayaan niyo ako sa gitna ng laban!” galit na saad ko kina Naia.

“Sapagkat tungkulin mo iyon, Myxsica!” sabi naman ni Albus.

“Isa ka pang lalaki ka. Ikaw ang pinakamalakas sa kanila pero parang ikaw pa ang kailangan nilang ipagtanggol. Mga wala naman pala kayong k’wenta!” singhal ko.

Bigla ay sinakal ako sa leeg ni Albus pero hindi ako nagpatinag sa kaniya. Tinignan ko siya ng masama at saka ako nakipagmatigasan. Hindi niya ako makukuha sa tingin niya at mas lalo na sa galit niya. Dahil kung galit siya ay mas galit ako. Hinawakan ko ang kamay niya at sa ginawa ko ay napainda ito.

“Arrgh!”

“Sa susunod na kantiin mo ako siguraduhin mong mas malakas ka sa akin,” banta ko at saka ko siya binitawan.

Tumingin ako sa mga goddess na nasa harapan ko at nakita ko kung paano silang matakot sa akin. Hindi nila alam kung pipigilan ba nila ako o hahayaan na lang. Masama kong tinignan si Albus at maski na rin si Naia.

“Kung hahayaan niyo lang rin naman pala ako. Mas maigi pa sigurong hayaan ko na rin sila. Sama-sama tayong manatay lahat,” walang ganang sabi ko.

---

Nagising ako na may sinag nang araw na tumama sa mata ko. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay ang kisame. Huminga ako ng malalim at saka ako umupo at napatingin sa kamay ko. May balot ito ng itim na gloves at napakunot ang noo ko. Inalis ko ang gloves at doon ko nakita ang marka na nakuha ko mula kay Davina.

Ang babaing mangkukulam na ‘yon.

Napatingin ako sa pinto nang bigla na lang bunukas ito. Napatingin ako sa kung sino iyon at doon ko nakita si Vox. Tumingin ito sa akin at saka siya ngumiti ng malawak at bigla na lang akong nilapitan at biglang niyakap.

“Hindi ako namatay itigil mo ‘yang kabaklaan mo, Vox,” inis na sabi ko.

Humiwalay siya ng yakap at saka umiiyak na tumingin sa akin. “Kahit masama ugali mo mahal pa rin kita,” sabi nito at napatampal ako sa noo.

“Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi mo o mapapatay kita ng wala sa oras,” asik ko. “Nasaan sina Abriya?” tanong ko pa.

“Nasa garden sila at naghahanap ng panlunas para sa puso mong umaalab,” sagot niya.

Napakunot ako ng noo at tinitigan ko siya kasi mukhang nang-aasar na naman. “Ako ba iniinis mo?”

“I’m not,” agad na sagot niya at saka parehong tinaas ang kamay. “Nandito tayo ngayon sa Waixerisus Kingdom,” aniya pa.

Napatingin ako sa labas at doon ko nakita ang mga kakaibang isdang lumalangoy. Kaya naman pala ang ganda ng pakiramdam ko. Binigyan niya ako ng pagkain at saka ako sinenyasan na kainin iyon. Kahit na hindi ko gusto ang presensya ng isang ito ay hindi naman ibig sabihin na ayaw ko sa kaniya. Kinain ko na lang ang dala niya at naisip ang nangyari at sa ginawa ko kay Albus.

Sa totoo lang ay hindi ko naman intensyon na takutin ang mga goddess. Nagkataon lang na pinikon nila ako dahil sa ginawa nila sa akin. Pakiramdam ko ay isa akong makasalanang nilalang at dahil doon ay pinaparusahan ako ng ganito. Sinamahan ako ni Vix sa labas ng palasyo at mas lalo akong namangha sa ganda ng buong paligid.

Aakalain mong nasa lupa ka pero hindi. Ang nasa paligid ay mga lumalangoy na mga isda at kabilang na ang mga serena. Gayon din ang mga malalaking isda pati na rin ang mga kakaibang isda. May malaking balyena rin at hindi ako makapaniwala.

Nagulat ako sa paghawak ni Vox sa baba ko at sinara ang bibi kong nakanganga. “I-close ang mouth baka pasukan ng isda,” aniya at saka ko siya tinarayan.

“Myxsica!” Napalingon ako sa tumawag sa akin. “Ayos na ba ang pakiramdam mo? Hindi ka na ba hinahapo ng hininga?” sunod-sunod na tanong ni Fracia.

“Ayos na ako,” sagot ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at saka ngumiti. Bakas sa mukha niya na tila nakahinga siya ng maluwag nang maramdaman na maayos lang ako. Tumingin siya sa akin na may naluluhang mata at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

“Pinag-alala mo kami. A-Akala ko… akala ko mawawala ka na. Hindi ka pa nga bumabait mamamatay ka na,” sabi nito at biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ko.

“Waw salamat sa pag-aalala,” sabi ko at tumingin kay Abriya na no’n ay may dalang hindi ko alam kung ano.

“Mabuti naman at maayos ka lang,” sabi nito at ngumiti.

“Hmm.”

“Buti na lang at magaling ka na kahit na paano, Myxsica,” sabi ni Kelson at akmang lalapit sana sa akin para yumakap pero agad siyang hinarangan ni Vox. “Parang yakap lang, eh ang damot mo,” nakangusong sabi nito.

“Akin ‘yan bakit makikiyakap ka? Ako ang prinsipe kaya ako ang masusunod. Hindi ka babae!” asik ni Vox.

Napakamot ako sa ulo ko at saka ako tumingin kay Abriya at Fracia. Lumapit silang dalawa sa akin at saka kami pumasok sa loob ng palasyo at iniwan sila. Sumunod naman sa amin si Hyx. Nang makapasok sa loob ay bumingad sa amin ang dalawang babae at dalawang lalaki. Pare-pareho silang may mga korona sa kanilang ulo. Yumuko kami bilang paggalang sa kanila.

“Kinagagalak kong makitang maayos na ang iyong kalagayan Prinsesa ng Haterial Kingdom,” ani ng reyna.

“Salamat sa pagpaunlak sa amin na manatili sa in’yong kaharian mahal na reyna,” saad ko.

“Kinagagalak naming makatulong,” saad naman ng Hari.

“Hindi naman namin maaaring hayaan kang magdusa habang ang mga kaibigan mo ay nagsusumamo na mailigtas ka,” sabi naman ng Prinsipe.

“Nakita ko nga,” saad ko at saka bumuntong hininga. “Taos puso akong nagpapasalamat,” ani ko pa at saka yumuko.

Ngumiti sa akin ang Hari at Reyna pati na rin ang Prinsipe pero hindi ang Prinsesa. Tumingin ako sa kaniya at nakita ko ang kakaiba nitong tingin sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at umalis na sila habang kami naman ay naiwan habang tinitignan silang paalis. Iba ang pakiramdam ko sa Prinsesa at tingin ko ay kailangan ko s’yang tulungan.

“Grabe ang g’wapo ng Prinsipe,” biglang singit ni Fracia.

Napailing na lang ako at saka kami naglakad patungo sa kusina. Nang makarating doon ay saka nila inilapag ang mga dala nila at saka ko iyon tinignan. Napukaw ng atensyon ko ang isang kakaibang halaman na may makintab na kulay at saka ko iyon hinawakan. Tinitigan ko iyon ng mabuti at saka inamoy pero wala itong amoy.

“Saan niyo nakuha ang mga halaman na ito?” tanong ko sa kanila.

“Sa hardin ng palasyo. Iyang bagay na ‘yan ay kinuha ko malapit sa dulo ng hardin na tila tago. Hindi ko alam kung ano’ng klasing halaman ‘yan. Tinago ko lang dahil alam kong bawal ‘yan pintasin,” paliwanag ni Abriya.

Bawal pitasin?

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon