36 - WARRIOR

94 6 0
                                    

MYXSICA’S POV

Hindi ko maintindihan kung paano silang nandito samantalang dinala ko sila sa mas ligtas na lugar. Napatingin ako sa papasugod na si Hellgurd at agad akong gumawa ng pananggalang para sa aming tatlo. Sa pagkakataon na ‘yon ay naramdaman ko ang lakas nito na siyang kanina ay alam kong tinitimpi niya lamang.

“Bakit ba hindi mo magawang patayin ang babaing ‘yan, Hellgurd! Hindi ba’t ikaw ang pinakapangyarihan sa buong Devuneike?!” sigaw na sabi ni Davina.

Tumingin kaming tatlo sa kaniya na no’n ay nasa ibaba at tila pagod sa pag-awat sa dalawa. “Bakit nakikiepal palagi si Davina? Akala ko pa naman ay tinapos mo na ang babaing ‘yan,” walang ganang sabi ni Abriya.

Tumingin ako kay Helicus na no’n ay maraming natamong sugat gawa ng naging laban nila ni Hellgurd. Napangiti ako sa nakita ko dahil alam kong nanghihina na siya.

Ang bobo pala ng mga nilalang dito.

“Bakit hindi mo pa tinapos ang karibal mo?” nang-aasar na sabi ko kay Hellgurd at saka tinuro si Helicus.

“Bakit ko pag-aaksayahan ng oras ang isang nilalang na wala namang k’wenta?” mayabang na saad nito.

Tumingin ako kay Hellgurd at batid ko ang galit sa mga mata nito. Sa totoo lang ay nakikita ko ang malaking itim na usok mula sa kaniyang likuran. Hindi lang ito basta-basta at alam kong sa oras na ‘to ay napupuno na siya sa mga nangyayari at gusto na niya akong makuha ng sapilitan.

“ANO BA HELLGURD! TAPUSIN MO NA ANG BABAING ‘YAN!” sigaw ni Lola Mathilia na akala mo ay siya ang amo.

“Waw, nakakabangon ka pa pala, Lola?”

Akmang susugurin niya ako nang itapat ko ang palad ko sa kaniya at saka ako naglabas ng kapangyarihan. Sa isang tirahan lang ay nagawa ko siyang mapabagsak at nawalan ito ng malay.

Pasalamat na lang siya at mayroon pa akong natitirang awa dahil kamag-anak ko pa rin siya.

Nagulat si Davina sa ginawa ko at nanlaki ang mata niya na tumingin sa akin. Para tuloy siyang nakakita ng multo at nakita ko kung paano siyang mamutla. Sa punto na ‘yon ay nilabas ko ang espada ko pagkatapos ay saka ako ngumisi sa kaniya. Susugurin ko sana si Davina nang bigla na lang bumalandra sa harapan ko si Hellgurd at saka nito sinalag ang espada ko.

Sa punto na ‘yon ay sinenyasan ko sina Fracia at Abriya na sugurin si Davina na agad naman nilang sinunod. “Hindi ako magiging masaya kung hindi ako ang makakalaban mo, Myxsica,” sabi nito at saka ako napangiwi.

“Alam mo masyado kang kumpyansado na makakaya mo akong matalo, Hellgurd,” sabi ko at saka ako mahigpit na humawak sa espada ko. “Hindi ako kasing hina ng inaakala mo tanga!” galit na sabi ko at saka naman siya sumeryoso ng mukha.

Nauna niya akong sinugod at agad kong iniawasan ‘yon. Mabilis akong pumunta sa likuran niya at saka ko itinaas ang espada ko pero mabilis niya itong nailagan. Sinugod ko siya ulit nang sunod-sunod dahilan para hindi siya makabawi ng ganti sa akin. Pero ang pagkakataon pala na ‘yon ang magiging dahilan para mabasa niya ang mga kilos ko.

“Pantay lang ang lakas nating dalawa, Myxsica. H’wag kang umasa na mahihigitan mo ako!”

“Talaga?” walang ganang sabi ko at saka itinaas ang espada ko.

Inilabas ko na ang lakas ko at ang natatago ko pang kapangyarihan at saka ako tumingin kay Hellgurd na no’n ay handa na rin sa tirada ko. Sa totoo lang ay ine-expect kong gagawin niya ‘yon.

Mula sa harapan ko ay mabilis siyang napunta sa itaas ko at akmang papatamaan ako ng kapangyarihan niya nang hawiin ko ang espada ko. Halos mapaatras ako sa ginawa nito at sa totoo lang hindi ko naman talaga siya minamaliit sa kakayahan niya.

“Kaya mo pa ba?” tanong ni Seraphina sa akin.

Tinignan ko ang espada ko at saka nag-cast ng spell. Hindi ko naman hahayaan na mapahamak si Seraphina nang dahil sa akin ayaw kong siya lang ang naglalabas ng malakas na kapangyarihan. Hindi p’wedeng siya lang ang lumalaban.

“Hindi mo ako kailangan alalahanin,” bulong na sabi ko sa kaniya.

Inihanda ko ang sarili ko pagkatapos ay saka naman ako binalot ng mga armor sa katawan ko sabayan pa ng paggapang ng kapangyarihan ko sa espadang hawak ko. Nawala na parang bula ang binatong kapangyarihan ni Hellgurd at halos hindi ito makapaniwala sa nasilayan nito.

“That is fucking awesome,” mahinang bulong ko.

“Hindi ito maaari,” halos pabulong na sabi naman ni Hellgurd.

Sa pagkakataon na ‘yon ay mabilis ko siyang sinugod at saka ko siya sinapak sa mukha at tumalsik ito pababa. Sa pagkakataon ‘yon ay halos bumaon siya sa lupa. Tumingala ito sa akin at saka ko tinapat ang espada ko sa kaniya at saka ito napaangat ng leeg niya.

“Tingin ko ay hindi mo naiintindihan kung sino at anong klasing nilalang talaga ako, Hellgurd…” sabi ko at saka siya mas napaangat ng ulo niya. “Hindi mo alam kung paano akong magalit,” dagdag ko pa.

“Inaamin kong naging padalos-dalos ako sa naging disisyon ko, Myxsica. Pero hindi ibig sabihin na hindi ako marunong mag-isip!”

“Hindi naman talaga, tanga,” sagot ko at saka ko siya sinugatan.

Napahawak siya sa dibdib niya at saka siya napainda. Bumaba sina Fracia at Abriya na hawak si Davina at Mathilia. Ngumisi ako at saka tinignan ang dalawa at nakalimutan kong nag-e-exist nga pala si Helicus. Kaya naman para hindi naman siya napag-iiwanan. Hinuli ko siya at saka hinila pababa dahil paalis na siya na akmang tatakas pa.

“Wala pa akong ibang ginagawa, Helicus, hindi mo ako kailangang takbuhan,” nakangising sabi ko.

Pilit siyang kumakawala pero hindi niya magawa. Tumingin ako kay Davina at sa Lola kong walang malay. Napabuntong hininga ako at saka ko silang pinagsama-sama at kinulong. Nang gawin ko ‘yon ay nilapitan ako ng dalawa.

“Ngayon sabihin niyo sa akin kung ano ang ginagawa niyo dito at paano n’yong nagawang makabalik dito?” seryosong sabi ko.

Nagkatinginan sila sa isa’t-isa at saka siya nagtutulakan sa kung sino ang magsasabi. “Ikaw na! Ikaw ‘tong malakas loob na gumanti ng sampal, e,” sabi ni Fracia.

Tumingin ako kay Abriya at saka siya bumuntong hiniga. “Inutos ni Milana. Ginamit namin iyong binigay niyang kung ano’ng bato at nandito na kami,” paliwanag nito sa akin.

Bumuntong hininga ako at saka ako napatingin sa hawlang ginawa ko. “Bumalik na kayo at may kailangan pa akong asikasuhin dito,” sabi ko at akmang aangal pa si Abriya nang takpan ni Fracia ang bibig nito at bigla silang umalis.

Hinawakan ko ang hawla at saka ko sila dinala sa pinakailalim ng Devuneike. “Hindi mo ‘to p’wedeng gawin sa amin, Myxsica!” sigaw ni Hellgurd.

“Hindi ko alam kung saan napunta utak mo. Nakikita mo na ngang ginagawa ko hindi ko pa rin p’wedeng gawin? Bobo ka talaga ‘no?” inis na sabi ko. “Bibigyan ko kayo ng panahon at pagkakataon. Sa oras na magawa n’yong makaalis at makatakas at magpalakas sa susunod nating pagkikita… isusuko ko sa inyo ang sarili ko… pero sa oras na hindi n’yo ‘ko mapatay sisiguraduhin kong walang matitirang buhay sa in’yo.”

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon