18 - MATHILIA

212 13 0
                                    

VOX’S POV

Habang nakikipaglaban ay napansin kong nawala ang aking prinsesa. Agad na tinignan ko ang buong paligid ngunit hindi ko man lang makita ang anino nito. Sinubukan kong hanapin ang aura niya at nakita kong tumalon ito sa mga puno at mayroon pang isang aura ang nakita ko.

“Imposibleng nandito siya…”

Sinundan ko ito hanggang sa matunton ko ang kinaroroonan nila at hindi nga ako nagkamali sa kung sino ang sinundan nito. “Hindi mo ba nakikilala ang iyong Lola?” tanong nito kay Myxsica.

Tinignan ito ni Myxsica mula ulo hanggang paa. “Oh?” ani lang niya at nangunot ang noo ni Mathilia.

“Ano’ng oh?”

“Tinatanong ko kung ano ang pangalan mo hindi kung sino ka sa buhay ko,” napipikong sabi nito.

“Ako ang Lola mo sabi!”

“ANO NGA PANGALAN! Punyeta maghuhula pa ako kung sino ka? Dalawa ang Lola na kilala ko. Sino ka sa dalawa kasi nabaliktad ko mukha n’yong dalawa,” sabi nito pero kalmado.

Nakikita ko kung gaanong kalmado ang buong prisensya niya. Sa totoo lang sa puntong ito ang hirap maging kalmado lalo na’t nasa harapan namin ang pinakamalakas na nilalang sa dalawang mundo.

“Myxsica,” tawag ko sa kaniya dahilan para lumingon ito sa akin.

Kahit kailan ang ganda talaga ng babaing ‘to.

Napalingon sa akin si Mathilia at saka ngumisi. “Ikaw pala ang may sala kung bakit hanggang ngayon buhay pa ang babaing iyan!” galit na sabi nito sa akin.

“Mathilia,” ani ni Myxsica.

“Buti naman at—” naputol ang sasabihin nito nang talikuran siya ni Myxsica. “Hoy! Saan ka pupunta! Hindi pa tayo tapos!”

Napahinto si Myxsica at saka lumingon sa kaniyang Lola. Tila hindi nito alintana ang panganib sa paligid at gusto ko ang pagiging kalmado niya. Napangiti ako at saka tumingin kay Mathilia. Hindi pa rin nagbabago ang itsura nito at kahit na lumipas ang panahon ay hindi kumupas ang mukha nito.

“Go, Baby! Ichi-cheer kita!” ani ko at napalingon sa siya sa akin.

“Kadiri,” sabay nilang sabi ni Mathilia.

Mag-lola nga sila.

“Hindi ka nakakatulong,” walang ganang sabi nito.

“Kapag bumagsak ka sasaluhin kita!” ani ko.

“Korni,” sabay na naman nilang sabi. “Kung wala kang sasabihing matino iwan mo na lang kaming dalawa!” sabay ulit ilang sabi.

Napanguso naman ako at saka napamaktol ng aking mga paa. Tumingin pa silang dalawa sa akin ng masama at hindi ko alam kung sino na sa kanila ang mabuti at masama. Pareho na kasi sila ng ugali.

“Nananalaytay ba talaga sa dugo niyo ang pagiging maldita?” tanong ko.

“Hindi ba halata?” sabay na naman nilang sabi at para akong sasabog.

Bumalik na lang ako kung nasaan ang iba pa at nakikipaglaban. Hindi ko na inabala ang dalawang maglola kasi para akong mababaliw sa kanilang dalawa. Bukod sa pareho sila ng ugali ay pakiramdam ko walang magpapatalo sa kanila hanggang sa mawasak ang mundo.

Napalingon ako sa kinaroroonan ni Fracia at nakita konh susugurin siya ng pekeng Hexon. Agad akong pumunta sa likuran nito at saka ko sinalag ng espada ko si Hexon at nagulat naman ito sa ginawa ko. Naglabas ako ng kapangyarihan at saka ko ito binato sa kaniya. Sinipa naman ito ni Kelson. Nilingon ko si Fracia at tila nagulat ito sa nangyari.

“Grabe muntik na ako doon. Maraming salamat po Mahal na Prinsipe,” ani niya at saka yumuko.

Sa pagyuko niya ay mabilis kong binato ng apoy ang papalapit na Doaso at nawala ito na tila abo. Bumalik ulit kami sa pakikipaglaban at halos lahat ay napatumba na namin. Nakita ko ang pagod ng bawat isa sa kanila. Bigla ay may tumilapon sa harapan namin at sa lakas no’n ay natumba ang lahat ng puno na madaanan nito. Tila nanayo ang balahibo ko nang maramdaman ang lakas ng kapangyarihan na ngayon ko lang ulit naramdaman.

“A-Ano ‘yon?” hindi makapaniwalang saad ni Hyx.

Unti-unting nawala ang alikabok sa buong paligid at doon namin nakita ang nakatayong si Myxsica at ang nakahiga nitong Lola na si Mathilia. Ang lakas ng kapangyarihan na bumabalot sa kaniya at tila hindi niya ito alintana. Para bang hindi pa iyon ang lakas niya at natural lang iyon para sa kaniya.

“Kung ako sa ‘yo magdadasal na ako para sa sarili ko. Pasalamat ka at nagtitimpi pa ako. Kasi kung hindi…” itinaas nito ang espada niya at saka ito binaon sa lupa na halos madikit na sa mukha ni Mathilia. “Baka naging katapusan mo na. Sayang naman kung sa una naging pagkikita bigla kang namatay ‘no?” pang-aasar ni Myxsica.

Pakiramdam ko ay hindi ko pa nakikita ang totoong katauhan ng isang Myxsica. Parang pasilip pa lang ‘to ng kan’yang pagkatao. Bukod sa wala akong mabasa sa mga mata niya ay maski ang kilos nito’y napamisteryoso. Napalunok ako ng sarili kong laway na para bang mas lalo akong nagkakaroon ng malalim na nararamdaman sa kaniya.

Sino ba naman ang hindi mamahalin ang babaing ‘to? Bukod sa malakas, matapang at misteryoso ay maganda pa!

Bigla ay nawala si Mathilia sa kinalalagyan niya at nakita na lang namin itong lumulipad. “Hindi pa tayo tapos, Myxsica! Hindi ako papayag na hindi ako makakaganti!” sigaw nito at tuluyan na itong nawala.

“Dapat ba kaming mabahala?” tanong ni Abriya.

“Hindi,” sagot naman niya.

“Paano ka nakakasigurado?” tanong naman ni Fracia.

“Kilala si Mathilia bilang pinakamalakas na nilalang sa dalawang mundo. Paano mong nakakasiguradong hindi siya nakakabahala?”

Tumingin si Myxsica kay Abriya at unti-unting nawawala ang kung ano’ng aura sa buong katawan niya. “Dahil hindi siya ang malakas na kalabang inaakala niyo,” sagot nito na s’yang ikinagulo ng isipan namin.

Lumapit ako kay Myxsica at saka ko hinawakan ang balikat niya. “Hindi ka ba nasaktan? Wala ka bang galos? Iki-kiss ko para mawala,” sabi ko at tinignan lang ako nito.

Doon ay napansin ko ang gilid ng labi niya na may sugat. Napalunok ako sa naiisip ko. Ngumuso ako at saka unti-unting lumapit at pumikit. Pero napamulat ako nang bigla niya akong tampalin at napahawak ako sa nguso ko kasi ang sakit.

“Manyak ka talaga,” walang ganang sabi nito at saka naunang maglakad.

Nakita ko sina Fracia, Abriya at Kelson na no’n ay nagpipigil ng tawa at masama ko silang tinignan. Pero nang sumunod na sila kay Myxsica ay saka sila malakas na tumawa. Tinapik naman ni Hyx ang balikat ko at sumunod na rin sa kanila.

“Ang hirap niya talagang lambingin,” nakangusong sabi ko at saka sumunod sa kanila.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon