30 - MILANA

136 8 0
                                    

FRACIA’S POV

Sa totoo lang ay natatakot ako kay Myxsica. Hindi dahil sa ngising iginagawad niya sa mga kalaban kung hindi sa kapangyarihang taglay niya. Hindi ko alam kung paano niyang nalalaman ang mga bagay na katulad ng kanina. Wala rin akong ibang alam sa Devuneike at sa totoo lang hindi ko rin alam ang kung sino ang tinutukoy niya.

Bumaba si Myxsica galing sa itaas at saka siya masamang tumingin kay Hellgurd. “Kung gusto niyo ay bukas na lang natin umpisahan ang laban. Tingin ko kasi ay masyado pang maaga at masyadong nakakabigla para sa aking pinakamamahal na Lola,” sabi nito at saka siya tumingin sa kaniyang Lola

Tumingin si Hellgurd kay Mathalia at saka siya tumingin kay Myxsica. “Sang-ayon ako. Sige bukas na lang natin umpisahan,” sabi nito at tumalikod na ito sa amin at ang iba naman ay biglang nawala.

Tumingin ako kay Myxsica na no’n ay seryoso ang mukha at wala akong mabasa na kahit na ano man lang. Tumabi ako kay Abriya at saka ako kumapit sa braso niya. “Nababasa mo ba ang isipan ni Myxsica?” bulong na tanong ko sa kaniya. “Sobrang nakakatakot talaga ang ora n’ya. Para s’yang papatay kahit na ano’ng oras. Ang hirap niya rin pa lang pigilan,” sabi ko at saka tumingin kay Myxsica.

“Saan tayo magpapahinga nito?” tanong ni Hexon.

“H’wag kayong mag-alala nandito tayo sa Fuego. Pero kanina ay malapit na tayo sa Lavaticus, e,” kumento ko.

“Alam niya ang pakay natin kaya kahit na malapit na tayo sa Lavaticus ay kailangan na niyang gumawa ng paraan at wala na rin s’yang choice kung hindi ang lumabas sa lungga at harapin ako,” sagot naman ni Myxsica.

“Grabe talaga ang kapangyarihan na mayroon ka Myxsica. Katumbas mo na ang mga dyos at dyosa o baka nga mas higit ka pa sa kanila.”

Napahinto si Myxsica at napahinto rin kami sa ginawa niya. Nakatingin lang ito sa kung saan at hindi man lang kami nililingon nito. Bigla ay nawalan ito ng balanse at akmang sasaluhin ni Hyx pero naunahan siya ni Prinsipe Vox. Napatingin ako sa kaniya at saka ako natawa.

“Ako na lang saluhin mo, Hyx,” sabi ko at umaakmang mahihimatay. “Ang daya ah. Kapag si Myxsica kilos agad. Masyado kang pihikan,” nakangusong sabi ko at si Abriya naman ay naiiling.

Binuhat ni Vox si Myxsica at nagpatuloy naman kami sa paglalakad. Biglang may sumalubong sa amin na mga sundalo at saka kami tinuro sa palasyo. Nagkatinginan na lang kaming lahat at sumunod na lang din sa kanila. Nang makapasok kami sa loob ay sumalubong sa amin ang mga maid at saka ako napatingin sa buong paligid. Ang saming magagandang mga kagamitan at purong ginto ang lahat ng nasa paligid.

Nang maihatid na nila kami ay pumasok na kami sa silid. Magkahiwalay ang lalaki sa babae kaya naman kami ni Abriya ang magbabantay kay Myxsica. Nang makalabas na ang mga lalaki ay umupo na kami ni Abriya. Pero bigla kaming napatayo nang bigla na lang bumangon si Myxsica.

“Anak ka ng nanay mo,” ani ko habang sapo ang dibdib ko.

“Myxsica?” tawag naman ni Abriya na tila nairita sa ginawa nito.

Tumingin sa amin si Myxsica pero tila wala ito sa wisyo. Nagkatinginan kami ni Abriya at saka kami nagtabi dalawa. Hindi namin alam ang kung ano ang gagawin. Bigla ay lumapit sa amin si Myxsica at biglang nag-iba ang kaniyang ora. Ang kaninang itim ngayon ay nawala na.

“Alam kong nagtataka kayong dalawa. Pero kasi ang hirap magpanggap,” sabi nito at saka tinignan ang buong katawan. “Bakit ba naman kasi sa dami ng napili nilang ilagay sa katawan an ‘to ay ako pa? Hindi ba p’wedeng si Kalia na lang?” tila iritadong saad nito. “Pero hindi bale na. Pansamantala lang naman ‘to,” dagdag pa niya.

Napanganga kami ni Abriya at hindi namin alam ang kung ano ang tinutukoy niya. “S-Sino ka?” nauutal na tanong ko.

“Ako nga pala si Milana Vali ang dyosa ng mga bituin,” sagot nito sa amin at saka siya ngumiti.

Bigla ay nanayo ang balahibo ko sa pagngiti nito. Hindi dahil sa siya si Milana kung hindi dahil sa mukha ni Myxsica ang nakikita namin. “Kaya pala hindi ngumingiti si Myxsica at palaging seryoso. Mas maganda siya kapag nakangiti,” wala sa sariling usal ko. Bigla ay siniko ako ni Abriya. “Aray ko ha!”

“Bakit ka nasa katawan ni Myxsica?” tanong ni Abriya.

“Sa totoo niyan ay kailangan kasing pag-aralan ni Myxsica ang pagkontrol ng kapangyarihan niya,” sagot nito sa amin.

“Ha? Bakit naman?”

“Dahil para sa isang mas mataas pa sa mga dyos at dyosa. Magagawa n’yang sirain ang lahat at baka pati nga kayo ay mapatay pa niya,” sagot nito.

Nanlaki ang mga mata namin ni Abriya at saka napaupo. Pakiramdam ko tuloy ay hindi magandang sumama ako kay Myxsica at sa totoo lang pinagsisisihan ko iyon sa puntong ito. Huminga muna ako ng malalim at saka tumingin kay Myxsica.

“Hanggang kailan siya mawawala sa katawan niya?” usisang tanong ni Abriya.

“Sa totoo niyan ay hindi ko alam. Hindi ko nga alam kung paano ko haharapin si Hellgurd. Isa siya sa pinakamataas na dyos ng mga apoy,” sagot nito.

Kaya naman pala halos pantay ang lakas nila ni Myxsica.

Napangiti ako at saka ako lumapit kay Myxsica-este Milana. Tinanong ko siya sa kung ano-ano ang pangyarihan niya at sa kung ano ang mga kakayahang mayroon siya. Sasamantalahin kong ganito ang magiging ugali ni Myxsica sa pamamagitan ni Milana. Ang hirap kasi niyang malapitan at makakuwentuhan dahil sa ayaw niya ng kung sino-sino ang lumalapit sa kaniya maliban kay Prinsipe Vox. Napapailing na lang si Abriya sa aming dalawa kasi kami lang ang maingay.

Pakiramdam ko tuloy ay nahawa na si Abriya sa pag-uugali ni Myxsica. Pero naalala kong dati na nga pa lang ganiyan si Abriya. Ang pinagkaiba lang nila ni Myxsica ay ang pag-uugali. Mas masama kasi ang ugali ni Abriya kaysa kay Myxsica. Buti na nga lang at nakatapat niya si Myxsica noon dahil kung hindi ay mas may isasama pa sana ang ugali niya ngayon.

“Kung gano’n pala ay kailangan mong manatili d’yan hanggang sa magawa ni Myxsica ang misyon niya sa mundo ng mga dyos at dyosa?” ani ko.

“Tama ka. May malaking papremyo rin kasi ang ibibigay sa kaniya,” nakangiting ani nito.

“Ano naman?” tanong ni Abriya.

“Ang kalayaang magbukas ng lagusan kahit saan niya gusto itong buksan patungo sa mundo ng mga normal na tao. Ito kasi ang isa sa naging hiling niya bago ako makapasok sa katawan niya. Iyon lang din ang huli kong narinig,” saad nito.

“Sabik na sabik pa rin siyang bumalik sa mundo ng mga mahihinang nilalang,” walang ganang sabi ni Abriya.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon