27 - VISION

179 8 0
                                    

MYXSICA’S POV

“Panalo ka sa ngayon, Myxsica. Pero babawi ako sa susunod!” sabi ni Davina at mas lalo akong napangisi.

“Hihintayin ko ‘yan. Kahit magsama-sama pa kayong mga kupal,” sabi ko at saka sila biglang nawala.

Napabuntong hininga ako at saka ako tumingin kay Xiphus. Wala itong malay at tingin ko ay napuruhan ko siya dahil sa ginawa ko kanina. Lumapit ako sa kaniya at saka tinignan ang katawan nito. May mga sugat at galos s’yang natamo at bakas sa mukha niya na nadismaya siya sa nangyari.

Hinawakan ko ang ulo niya at saka ang kamay at saka ko siya pinagaling. Matapos kong gawin iyon ay unti-unting nawala ang sugat nito. Unti-unti n’yang iminulat ang mata niya at saka siya napatingin sa akin.

“Nasa impyerno na ba ako?” tanong nito at nangunot ang noo ko. “Bakit may demongyong anghel sa harapan ko?” ani niya at saka ko siya sinampal.

“Napakakupal mo talaga kahit kailan,” inis na sabi ko at saka ako tumingin kay Hyx na no’n ay lumapit sa akin.

“What happened?” nagtatakang tanong nito.

“Pumasok sa katawan niya si Helicus. Sinamantala naman ni Davina kaya nagawa ko siyang masugatan,” sagot ko.

“Pangalawang beses na nila ‘tong ginawa,” sabi ni Fracia.

Tumingin ako kay Abriya at saka siya napatingin sa akin. Wala s’yang kahit na ano mang sinabi pero dama ko ang irita nito. Napaupo na lang ako at saka kami nagpahinga saglit. Kailangan namin makaipon muna ulit ng lakas dahil sa nangyari kanina. Habang nakaupo ay napatingin ako kay Xiphus. Wala itong imik at tahimik lang siya.

Ang seryoso ng mukha niya at hindi niya ako kinulig ngayon. Sa totoo lang ay nakakapanibago pero mas maigi na ‘yon dahil walang mangungulit sa akin. Habang nakatingin ako kay Xiphus ay lumapit sa akin si Fracia.

“Baka matunaw,” bulong na sabi nito.

Lumingon ako sa kaniya at saka ko siya masamang tinignan. Napataas naman ito ng kamay niya at saka siya natatawang umiling. Nagpahinga na lang kami at kailangan naming makaipon ulit ng lakas sa kung sakaling may kalaban na naman. Parang walang araw kaming hindi nakikipaglaban at tila hindi nila kami titigilan hangga’t wala ‘ni isa sa amin ang namamatay.

Nagising ako sa kamay na humaplos sa mukha ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at tinignan kung sino iyon. Pero hindi ko alam kung bakit tila ang labo ng paningin ko at tanging lalaking may korona lamang ang naaaninag ko. Ang hugis ng katawan niya ay bago sa paningin ko at alam kong hindi siya si Xiphus o kahit na ang mga kasama naming lalaki. Mas lalong hindi rin siya si Helicus.

Kung gano’n…

“Bakit ayaw mo pa siya patayin?!” galit na tanong ng tinig.

“Hindi p’wede!” sagot naman ng lalaki.

“BAKIT NGA HINDI P’WEDE!”

“DAHIL ANG BUHAY NIYA AY ANG BUHAY NG BUONG DEVUNEIKE!” sigaw nito.

Sa sandali na ‘yon ay pakiramdam ko may dahilan kung bakit ako nabubuhay at sa kung bakit ako ang naging tagapangalaga ng Arendelle. Naramdaman ko ang pagpikit ng talukap ng mga mata ko at tuluyan nang nandilim ang buong paligid ko. Nang muli akong magmulat ay nasa harapan ko na si Hyx at Xiphus na no’n ay ginigising ako. Agad akong napabangon at saka ako napahawak sa dibdib ko. Tila ba kababalik ko lang nang mga sandaling iyon at hinahabol ko pa ang hininga ko.

“Ano ‘yon?” bulong na tanong ko sa sarili ko.

Napatingin ako sa kamay ko at ginalaw-galaw ito. Hindi ko alam kung panaginip ang nangyari. Pakiramdam ko ay totoo at ang haplos ng lalaking iyon ay ramdam na ramdam ko.

“W-What happened?” tanong ni Xiphus at saka ako napalingon sa kaniya.

“Ikaw ang nagdala sa akin sa mundo ng mga tao hindi ba?” ani ko at saka siya tumango. “Wala ba akong kapatid?” usisang tanong ko sa kaniya at saka nangunot ang noo niya.

“Hindi ko alam kung mayroon. Wala naman ako doon noong isinilang ka ng iyong ina,” sagot nito at napatampal ako sa noo ko.

“Bakit mo naman naitanong, Myxsica?” usisang tanong ni Kelson.

“N-Nanaginip ako… Ibig kong sabihin… h-hindi ko alam kung panaginip n-nga ba. P-Para kasi s’yang totoo at iyong paghaplos noong lalaki sa akin ramdam na ramdam ko—”

“Lalaki?”

“Sinabi ko bang babae?” iritadong hanas ko. “Ang sabi niya hindi niya magagawang patayon ako o kung sino man ‘yon dahil siya o ako ay buhay ng buong Devunieke,” litaniya ko at saka sila nagkatinginan sa isa’t-isa.

Wala akong nabasa tungkol sa kung sino ang nangangalaga ng buong Devunieke. Wala rin kahit ang Ethrejal. Bago mabuo ang limang kaharian sa palibot ng parehong mundo dapat ay may kasaysayan ang mga ito sa kung sino ang naging unang reyna, hari, prinsesa o prinsipe. Napahawak ako sa ulo ko at saka ako inalalayan ni Xiphus.

Pinaupo na muna niya ako at saka ako binigyan ng tubig. Nang makainom ako ay saka ako huminga ng malalim. Kailangan kong malaman kung sino ang hawak ng mga nilalang na iyon at kung ano ang kinalaman niya sa akin at sa Devunieke.

“Aalis na ba tayo o magpapahinga pa ulit?” basag ni Hexon sa katahimikan.

“Aalis na tayo pero sa puntong ito ay lilihis tayo ng dadaanan,” seryosong sabi ko.

Sumang-ayon na lang sila sa akin dahil wala rin naman silang ibang magagawa. Kumain na muna kami bago kami nag-umpisang maglakad ulit. Dahil aabutin na naman kami ng gabi sa daan. Nang sumapit ang gabi ay napagpasiyahan na naming magpahinga at napagod na rin ang mga paa namin. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina at sa kung sino ang tinutukoy nila na buhay ng Devunieke.

“Kung iniisip mo ang panaginip mo kanina. Maaaring si Mathilia lamang ang maaaring makasagot sa tanong mo,” seryosong sabi ni Xiphus at umupo lang ito sa tabi ko.

“Mukhang tama ka,” sagot ko naman.

Hindi ako sanay sa pagiging walang kibo niya. Hindi rin ako sanay na hindi siya sumasandal sa balikat ko. Naiinis ako sa nangyayari ngayon at nabubwisit ako kasi hindi ko siya hinayaang manalo. Pakiramdam ko tuloy ay ang layo niya sa akin kahit na ang lapit lang naman niya.

“Iniisip ko lang… kung sakaling hindi mo ako nadala sa mundo ng mga tao… mamamatay kaya ako at hindi magkakaroon ng ganitong responsibilidad para sa kaharian niyo?” tanong ko sa kaniya at napatingin siya sa akin.

“Isa lang masasabi ko,” sabi nito. “Kung hindi kita dinala sa mundo ng mga tao. Mawawala ka sa akin at mawawalan din ng k’wenta ang pangako ko para sa iyong mga magulang. Mawawalan ng saysay ang lahat at ang kinalalagyan natin ngayon ay mawawalan ng buhay.”

Sa pagkakataon na ‘yon ay nakaramdam ako ng kakaiba sa sistema ng katawan ko. Hindi ko alam kung saan banda sa sinabi niya ang mas importante. Ang mawala ako sa kaniya o ang pangakot niya sa mga magulang ko. Pero sa ngayon ay kailangan ko munang iligtas ang Arendelle bago ko tuklasin ang nangyari sa pagitan ng Ethrejal at Devunieke.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon