MYXSICA’S POV
Binalot na rin namin ang aming katawan ng mga baluti. Ito’y kusang lumalabas sa oras na handa ka na sa laban. Ang silver ay nagre-represent para sa nag-uumpisa pa lamang. Ang bronze naman ay para sa mga may kakayahan nang lumaban at ang gold ay para sa mga warrior.
Halos walang nagpapatalo sa aming dalawa. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming naglalaban. Halos lahat na nga rin ng aming mga kasama ay natalo na rin namin kasi sinubukan nila kaming awatin. Iyong iba ay sugatan gawa ni Abriya. Naiinis ako dahil wala ‘ni isa sa kanila ang umaawat sa kaniya sa kung ano ang ginagawa nito.
“Itigil mo na ‘to, Abriya. Kung gusto mong manalo ay ibibigay ko iyon sa ‘yo pero hindi sa ganitong paraan,” pakiusap ko.
“Hindi mo ako mauuto, Myxsica. Mula sa ibang lebel alam ko ang kakayahan mo at alam kong hindi ka rin marunong magpatalo,” saad nito.
Pagod ang nararamdaman ko at pati na rin gutom. Gusto ko nang kumain pero kailangan muna namin matapos ito bago makakain. Napatingin ako sa punong guro ngunit nakatingin lang ito sa amin.
“Hindi pa ba tapos ang hamon? Gusto ko nang kumain!” inis na sabi ko.
“Ano?” hindi makapaniwalang sabi ni Abriya.
“Bingi ka ba? Hindi mo narinig ang sinabi ko? Gusto mo pang ulitin ko?” sabi ko sa kan‘ya at saka ko s‘ya nilingon. Binalik ko ang tingin sa aming punong guro at saka ko binaba ang espada. “Suko na ako. Wala akong pakialam sa kung ano ang premyo. Ang gusto ko ay kumain at magpahinga.” Tumingin ako sa Hari at Reyna saka ako yumuko. “Ipagpaumanhin po nin’yo ngunit ako’y aalis na.”
Akmang tatalikod sana ako pero naramdaman kong susugurin ako ni Abriya kaya mabilis ko itong hinarap at saka ako nagpakawala ng isang malaking apoy. Nailagan niya ito ngunit napasalampak siya sa sahig at mabilis kong kinuha ang espada at saka ko itinapat sa leeg niya. Napaangat ito ng ulot at sa inis ko‘y muntik ko pang mabaon sa leeg niya ang talim nito.
“Nakiusap ako, Abriya. Hindi mo ako pinakinggan. Hindi ka ba nakakaintindi sa pagod na ako at gusto ko nang kumain at magpahinga?” gigil at galit na sabi ko. “You’re a selfish woman!”
Alam kong hindi nila naiintindihan ang kung ano ang sinabi kong iyon pero wala na akong panahon para intindihin pa sila. Gusto ko na talaga magpahinga at kailangan ko na rin kumain. Nang papalabas na sana ako ay naramdaman kong may nasa likuran ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang gumawang lumingon.
“Ikaw ang itinakda,” ani nang tinig. “Gustuhin mo man o hindi ay wala kang magagawa.”
Napalingon ako sa puntong iyon at wala akong nakitang kahit na sino sa likuran ko. Lahat sila ay tinulungan si Abriya. Akmang aalis na sana akong muli pero napasinghap ako nang nasa harapan ko na ang Prinsesa. Nakangiti ito at lumapit siya sa akin saka hinaplos ang mukha ko.
“Magaling ang ipinakita mo. Sumuko ka man noong una ay nagtagumpay ka pa rin sa huli,” saad nito.
“Wala akong naiintindihan sa sinasabi mo Prinse—”
Nilagay nito ang daliri niya sa labi ko at nangunot ang noo ko sa ginawa niya. “Shhh... maaari mo akong tawagin sa totoong pangalan ko.”
Inalis ko ang kamay niya at saka huminga ng malalim. “Wala na akong panahon makipag-usap sa iyo. Gutom na ako—”
“Alam ko. Kaya nga ako na ang lumapit sa ‘yo. Halika,” aniyaya nito sa akin.
Sumama naman ako sa kan'ya dahil alam kong maraming pagkain ang maibibigay niya. Nang makalabas kami ay hinawakan nito ang kamay ko at saka kami nakarating sa loob ng palasyo. Doon ay nakalatag sa mahabang lamesa ang sandamakmak na pagkain na s’yang ikinatakam ko pang lalo. Tumingin ako sa prinsesa pero nagdududa ako sa kilos niya.
Tinignan ko ang buong kasuotan niya at kahit na ang mukha. Alam kong may kakaiba at alam kong hindi totoo na ang kaharap ko’y Prinsesa. Sumeryoso ang mukha ko at saka ako ngumisi sa kan’ya na s’yang ikinawala ng ngiti nito sa labi niya.
“Kung inaakala mo’ng malilinlang mo ako... nagkakamali ka,” saad ko at saka ko nilabas ang espada ko at itinutok ito sa kan’ya. “Sino ka?” tanong ko.
“Ano ang sinasabi mo? Inaya kitang kuma—”
Hindi ko s’ya pinagpatuloy ng pagsasalita at mabilis akong pumunta sa harapan niya at saka ko itinutok ang espada sa leeg niya. Napaangat naman ito ng kan’yang kamay at saka mabilis na pinakita ang totoo nitong wangis.
“Napakahusay ang iyong ginawa,” sabi nito at saka nilagay ang kan’yang dulong daliri sa talim ng aking espada.
Napasinghap ako nang bigla na lang iyong naging abo at saka ako napa-atras ng bahagya. Napatingin ako sa buong paligid at napalitan na ito ng mga puno’t halaman. Sa likuran nito’y lawa at mayroong isang malaking puno na hitik sa ganda ng mga bulaklak.
Doon ay unti-unti kong napagtanto kung sino ang babaing nasa harapan ko. Agad kong nilagay ang kamay ko sa kaliwang dibdib ko at saka ako yumuko. “Ang dyosa ng digmaan at kapayapaan,” ani ko.
“Hindi mo kailangan gawin iyan, Myxsica,” sabi nito at saka ako napaangat ng tingin. “Sapagka’t halos magkalebel lamang ang ating lakas at kapagyarihan,” dagdag pa nito na ikinakunot ng aking noo.
“Ano ang kailangan mo sa akin at bakit ako nandito?” seryosong tanong ko.
Imposibleng mapadpad ako dito ng basta-basta. Hindi ako malakas at ‘ni hindi ko nga maalalang may dugo akong dyosa.
Tinaas nito ang kan’yang kamay at doon ay lumabas ang apat na babae. Ang isa ay pula ang buhok, ang isa naman ay berde, ang isa ay asul at ang huli ay abo. Ang babaing nasa harapan ko ay mayroong puting buhok. Mas lalong lumalala ang kakaibang kutob ko sa mga nangyayari.
“Totoo nga ang sinsabi sa propesiya ni Wilaya. Totoong mabubuhay muli ang itinakda,” sabi noong babaing asul ang buhok.
“Isa lang din ang ibigsabihin nito, Naia,” sabi no'ng babaing pula ang buhok. “Bumalik na rin ulit si Davina at Helicus,” saad nito na tila may pangamba.
“Sandali. Sabihin n’yong mali ang iniisip ko...” ani ko at tinignan sila isa-isa at saka umiling. “Imposible... wala naman akong ginawa kanina dahil mas iniisip kong kumain at magpahinga. May nagawa ba akong mali?” tanong ko pa.
“Myxsica makinig ka—”
“Bakit? Para saan pa?”
“Hindi mo kailangan magalit,” sabi noong babaing berde ang buhok.
“Linnea, hayaan mo siya,” pagpigil naman noong abo ang buhok. “Naguguluhan pa s’ya sa nangyayari. Ibalik mo na muna siya, Naia.”
“Tingin ko nga,” sabi nito na may malungkot na boses.
“Darating ang araw na s’ya ang tatawag sa atin at kakailanganin ang tulong natin. Sa ngayon kailangan na muna natin s’yang hayaan at pagbigyan sa kung ano ang kan’yang kagustuhan,” sabi ni Linnea.
“Tama rin naman ang sinabi ni Airalina. Sige na ibalik n’yo na muna.”
Naramdaman kong tila may humihigop sa akin. Bigla ay may humila sa likuran ko at halos mapasigaw pa ako dahil doon. Nang imulat ko ang mga mata ko ay doon ko nakita ang mukha nina Akaia at Fracia.
BINABASA MO ANG
THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOM
FantasyAko si Xyca Myxsica Frijado- ang babaing mayroong lila at dilaw na mga mata. Maski ang kulay ng aking buhok ay naiiba dahil ito'y kulay puti na ang dulo ay ginto. Ang magkaroon ng natatanging kapangyarihan na naiiba sa iba ay hindi ko kailan man hi...