14 - DARK FOREST

243 12 0
                                    

MYXSICA’S POV

Habang nagpapahinga ay tinignan ko silang lahat isa-isa. Tinawag ko lang sila pero hindi ko naman sinabing sumama sila sa akin. Bumuntong hininga ako at saka ako gumawa ng barrier para sa aming lahat. Pagkatapos ay saka naman ako gumawa ng apoy sa harapan namin. Masiyado kasing malamig.

“Bakit kayo sumama?” tanong ko at napatingin sila sa akin.

“Ayy ako ‘wag mo na akong tanunging kung bakit. Sasama ako sa ‘yo kahit hindi mo ako tanunging!” sagot ni Fracia.

Tumingin ako kay Abriya. “Ikaw? Hindi ba’t magkaaway tayo?”

“Oo nga,” sagot niya. “Pero hindi naman ibig sabihin na hindi ko p’wedeng ipakita sa iba na mabuting nilalang din ako,” dagdag pa niya.

Tumango na lang ako at saka ako tumingin kina Hyx, Hexon at Kelson. “Kami ni kambak bukod sa gusto naming makatulong ay gusto rin namin ang paglalakbay!” sabi ni Kelson.

“Hindi naman kailangan sagutin ang tanong na bakit. Kung para naman ‘to sa buong Ethrejal at sa Arendelle,” saad ni Hyx.

Sang-ayon ako sa sagot niya at saka ako tumango at nginitian ito ng bahagya. Bigla ay nasa harapan ko na si Vox at nakakunot ang noo. “Did I see you smile at him?” ani niya.

“Bakit hindi?”

“’Ni minsan hindi ka ngumiti sa akin!”

“Pakialam mo?”

Ngumuso siya sa akin at saka muling nanahimik sa tabi ko. Pakiramdam ko ay wala naman s’yang ibang gagawin kung hindi ang kulitin at bigyan ako ng sakit sa ulo. Habang nagpapahinga kami ay naiisip ko ang sinabi noong lalaki. Hindi siya pangkaraniwan at alam kong isa rin s’yang dyos. Nang makita ko iyong isang dyos na kasama ng iba pang dyosa ay doon ko lang napagtanto na mayroon itong kasing ora noong lalaking iyon.

Habang nakatingin ako sa buong paligid at doon ko lang napansin na mayroon pala itong apat na bahagi. Ang isa ay kulay brown kung saan ay naglalagas ang mga dahon na galing sa puno. Sa kanila naman ay umuulan ng snow. Sa kabila ay maganda at may mga bunga ang mga puno. Ang isa naman ay mayroong tuyong mga puno at halaman. Napatayo ako at sa pagkakataon na ‘yon ay nasubsub si Vox kasi nakasandal ito sa akin.

“Aww!” ani niya at saka tumayo. “Bakit naman bigla kang umalis?” inis na hanas niya.

“Tumayo kayo d’yan doon tayo tutungo,” sabi ko at saka tinuro ang may natutuyong puno.

“Ha?” sabi ni Hyx at saka siya lumapit sa akin.

“Hindi naman porket tuyot ang puno ay doon na tayo tutungo,” sabi ni Abriya.

“May apat na bahagi ang kagubatan na ito at kung nakikita niyo ay nasa gitnang bahagi tayo ng gubat. Ang pinagmulan natin ay narito sa kanan.” Turo ko sa kanan kung nasaan ang mahihitik na bunga.

Tinignan ito ni Vox at sumeryoso ang mukha nito. “Hindi ko kahit na kailan alam ang tungkol sa bagay na ito ng kagubatan,” ani niya at nangunot ng noo.

“Hindi ba ito tinuturo ng sino mang mga guro natin dahil ayaw nilang mapahamak ang sino mang papasok sa loob ng kagubatan,” sabi ni Hyx.

“Eh, hindi ba’t minsan nasa gubat tayo para magsanay?” sabi naman ni Fracia.

“Hindi tayo umaabot sa gitna o sa dulo,” sagot ko.

“Kung papaaok tayo d’yan hindi kaya mapapadali ang buhay natin?” tanong ni Kelson.

Hindi ko siya sinagot at wala rin akong kahit na ano mang salitang binitawan pa. Naglakad ako patungo doon sa itim na gubat at saka itinaas ang kamay ko. Susubukan ko kung totoo ang mga ito dahil baka isa lamang itong imahinasyon dahil napagod kami kanina. Totoo rin naman ang sinabi ni Vox pati na rin si Fracia. May minsan na nagsasanay kami sa kagubatan at wala rin akong nakitang ganito.

Tumagot ang kamay ko ngunit napasinghap ako sa malagkit na dumapo doon. Agad kong hinugot ito at tila natutunaw ang buong paligid. Agad akong hinawakan ni Hyx at Vox at sabay nila akong hinila dahilan para mapahiga ako sa lupa.

“Hala, Myxsica!”

Agad akong itinayo ni Kelson at Hexon at masama kong tinignan si Hyx at Vox. Gayon pa man ay tumingala ako ng tingin at pansing tila isa itong malambot na bagay at kami ay nakakulong. Pakiwari ko rin na mayroong nanonood sa amin. Pero A pagkakatapon na iyon ay tumakbo ako diretso sa itim na gubat at pagkarating doon ay agad akong gumawa ng liwanag upang makita ang kapaligiran. Gano’n na lamang ang gulat ko nang tumambad sa harapan ko ang isang hindi mawaring nilalang.

“Kadiri.” Kumento ko habang nakatingin doon.

“Aray naman Kelson!” rinig kong reklamo ni Fracia.

Sumunod rin pala sila sa akin at mula sa kanan ko ay sumulpot na naman si Vox. “Kung magpapakamatay ka isama mo na ako,” sabi nito.

“Kung mamatay man akong kasama ka—mauna ka na,” sagot ko.

“Aww, hindi ako papayag dapat sabay tayo,” banat niya.

“Kadiri,” kumento naman ni Hyx.

“Kadiri nga,” sabi naman ni Kelson.

“Ano’ng kadiri?” tila pagalit na tanong ni Vox.

“Ayon oh,” sabay-sabay na sabi nila sabay turo sa halimaw na nasa harapan namin.

“Kadiri nga,” saad nito at saka napatakip ng ilong niya.

Tinignan ko ang kamay ko at saka napangiwi. Med’yo may amoy nga ito at mayroon ding mga itim na uod na gumagapang. May kakaibang mga insekto na hindi ko alam kung ano’ng uri.

Kaya pala ang lagkit nito nang dumapo sa kamay ko.

Nilinisan ko ang kamay ko at saka tumingin sa higanting halaman na nasa harapan na may mga nakakadiring uod sa bawat ngipin. Napabuntong hininga ako at saka itinaas ang kamay ko at naglabas ng palaso. Pagkatapos ay binanat ko ito at tinutok sa higanting halimaw.

“Sandali lang sigurado ka ba d’yan sa gagawin mo?” tanong ni Abriya.

“Hindi,” sagot ko naman saka pinakawalan ang pana.

Narinig ko ang sigaw nila pero hindi ko pinansin. Ramdam ko ang takot sa kanila pero wala akong pakialam. Habang nakatingin sa halimaw at hinihintay na tumama ang pana ko’y agad akong gumawa ng malabing bola ng tubig. Pero naisip ko rin na baka hindi gumana kaya naman pinatigas ko ito bago ko inigahis sa malaking halimaw.

Nang magawa ko iyon ay napatakip kami ng aming mukha dahil sa liwanag na kumalat sa buong paligid. Dama ko ang malalagkit na tila laway na dumapo sa balat ko at sobrang nandiri ako.

“Eiiiw~” sabay-sabay naming sabi.

“Augh! Hindi man lang tayo nakagawa ng pananggalang!” sabi ni Abriya. “Nakakadiri!” maarteng saad pa nito.

“Ang arti mo naman,” hirit sa kaniya ni Fracia.

Inirapan ito ni Abriya habang ako naman ay tinignan ang buong paligid at tila walang pakialam sa lagkit ng katawan ko. Sa katahimikan ay may naririnig kaming agos ng tubig at sinundan namin ito kung saan ito nagmumula.

Habang sinusundan ang naririnig naming agos ay agad akong gumawa ng pananggalang dahil sa may narinig akong tila papalapit. Tumama iyon sa ginawa ko at napatingin kami sa kung ano iyon. Dahil doon ay mas dumami ito na s’yang ikinabahala naman namin.

“Ahhhh! Ang daming krayom!” tiling sabi ni Fracia.

“Hindi krayom ‘yan tanga,” sabi ko naman.

“Ayy ano ‘yan?” takang tanong niya at saka inayos ang sarili.

“Sandata nila ‘yan,” sagot ni Hyx. “Maliliit na sandata at sa tingin ko…”

Lumabas ang mga maliliwanag at maliliit na nilalang kung saan-saan at sinusugod nila kami. Para silang mga tutubi ngumit hugis tao. Mayroon silang pakpak at may mga kapangyarihan. Ngunit hindi iyon magiging sapat.

“Ang mga Falistia,” mahinang usal ni Abriya. “Mga uri ng maliliit na nilalang na may hindi ganoong kalakas na kapangyarihan,” dagdag pa niya.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon