MYXSICA'S POV
"Hindi ka ba natutuwa na nagkaharap tayong dalawa?" ani nito sa akin.
Ngumisi ako sa kaniya at saka ko tinignan ang espada ko. "Sa totoo lang ay nagkaroon ako ng interes sa iyo kahit noong una ko pa lang narinig ang tungkol sa iyo," sabi ko at saka siya ngumiti.
Hindi ko naman maipagkakaila na g'wapo siya kaysa kay Xiphus. Kahit naman na saang angulo ay wala akong makitang pangit sa kaniya. P'wera sa ugali niyang likas na sa buong sistema ng kaniyang katawan.
"Ano ba ang kailangan mo sa hiyas ng tubig ng Arendelle? Wala ba kayong hiyas?" sarkastikong tanong ko.
"Sa totoo niyan ay hindi ko naman talaga kailangan ng hiyas na 'yon. Pero iyon lang ang tanging dahilan ko para lumabas ka at magkaharap tayong dalawa," sabi nito.
Mas lalong sumeryoso ang mukha ko at saka ko siya sinugod. Pareho ang lakas naming dalawa at hindi ko iyon maipagkakaila. Sa pagsugod ko sa kaniya ay agad n'yang sinalag ang espada ko. Parehong nag-cross ang espada naming dalawa at tinignan ko ang mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit may kakaiba pero tingin ko ay mayroon nga.
"Bakit ba ako magtataka kung bakit pareho lamang ang lakas nating dalawa, Myxsica," ani niya at nangunot ang noo ko.
"Wala akong pakialam sa kung sino ang mas malakas at hindi. Ibalik mo ang kinuha mo mula sa Arendelle at itahimik mo na lamang 'yang bibig mo," saad ko.
"Ibibigay ko ang nais mo pero mayroon akong kundisyon," seryosong sabi nito.
Ibinaba niya ang espasa niya at gano'n din ang ginawa ko. Unti-unti siyang bumaba sa lupa at sumunod naman din ako. Tumingin ito sa mga kasama ko at saka siya napatitig at napangisi kay Xiphus na no'n ay hindi makagalaw sa kinalalagyan niya. Inalis ko ang bagay na nakapulupot sa paa niya at agad s'yang lumapit sa akin.
"Ano'ng kundisyon?" tanong ko.
"Isang duwelo," sagot niya.
"Duwelo?" ani ni Fracia.
"Oo, duwelo. Ang grupo ninyo laban sa grupo ko," sabi ni Hellgurd.
Lumitaw sina Davina, Helicus at ang aking Lola Mathilia. May lumitaw pang tatlo pero hindi ko sila kilala. Gayon pa man ay sumeryoso ang mukha nina Hyx, Hexon, Kelson at Xiphus. Pero si Abriya at Fracia ay nakakunot lamang ang noo.
"Waw. Pito laban sa pito. Hindi ko aakalain na hahantong tayo sa isang duwelo. Hindi ba Abriya?" tila nasasabik nitong sabi.
"Totoo! Pero duda ako sa kanilang lahat lalo na dito sa Lola ng Lola ni Myxsica. Mukhang hindi magiging patas sa laban," kumento naman ni Abriya.
Ngumisi si Mathilia at saka siya tumingin kay Abriya. "Ang laban ay laban. Kung kinakailangan mong maging madaya para manalo. Hindi ba't gagawin mo rin kung kinakailangan?" ani nito na may kahulugan.
Nakita ko ang inis sa mukha ni Abriya kaya naman hinarang ko ang kamay ko at napatingin siya sa akin. Sinenyasan ko siyang huminahon na siya namang ginawa niya. Huminga ako ng malalim at saka ako tumingin sa mga kalaban at binasa ang mga mata nila isa-isa.
"Walang patawad at walang awa-awang mangyayari. Mamamatay ang matatalo," saad ko at nakita ko kung paanong sumeryoso ang mukha ni Mathalia.
Ramdam kong alam niya kung sino ang malakas sa aming dalawa. Si Hellgurd naman ay ngumisi at tila sang-ayon sa aking kagustuhan. Si Helicus naman ay tila nag-aalangan at hindi alam kung sasang-ayon nga ba. Si Davina naman ay halos magkasing mukha na sila ni Mithalia dahil alam nilang pareho kung hanggang saan lang ang limitasyon nilang dalawa.
Alam ko ang lakas ng tatlo pero hindi si Hellgurd. Pareho ang lakas namin at pareho lang ang halos lahat ng galaw naming dalawa. Ramdam ko ang malakas na kapangyarihan mula sa kaniya. Kung hindi ako makakalaban ni Hellgurd maaaring isa sa amin ang mawala. Kailangan maging patas ang laban.
"Saan ba gaganapin ang laban?" tanong ko at bigla ay nagbago ang buong kapaligiran.
Kung kanina ay nasa gubat pa kami ngayon ay nasa isang gymnasium na kaming lahat. Tumingin ako sa buong paligid at naroon ang mga iba't-ibang uri ng mga nilalang. Hindi ako makapaniwala na mayroon pa lang mga ganitong nilalang dito. Pero kung sa bagay ay gano'n din naman sa Arendelle. Habang nakatingin sa mga nilalang na nasa upuan ay hindi ko alam kung bakit tila mayroon akong hinahanap.
"Ang bilis niyo namang magdisisyon," nakangusong sabi ni Fracia.
"Hindi naman kailangan magdalawang isip dahil iisa lang naman ang utak," ani naman ni Kelson.
"Bakit ba sumasabat ka? Eh, hindi naman ikaw ang kinakausap," inis na sabi nito at saka lumapit kay Abriya.
"Kapag nanalo ang grupo niyo laban sa grupo namin. Isusuko ko ang hiyas na tubig. Pero kung hindi... ikaw ang susuko sa akin," sabi ni Hellgurd at saka ako ngumiti.
"Sige-"
"HINDI!" malakas na sabi ni Xiphus. "Hindi mo p'wedeng gawin ang bagay na 'yan! Hindi mo siya makukuha at hindi siya magiging sa iyo!" galit na sabi nito.
Hinatak ko siya at saka inis na tinignan ako nito. "P'wede bang manahimik ka?"
"Hindi ako tatahimik! Hindi ka p'wedeng mapunta sa kaniya!"
"Wala kang karapatan sabihin ang bagay na ako ang dapat nagdidisisyon," seryosong saad ko.
Sumeryoso ang mukha nito at saka siya masamang tumingin kay Hellgurd. Pinahinahon nito ang sistema ng kaniyang katawan at saka siya tumingin sa akin. Nakita ko kung paanong umamo ang mukha niya. Huminga ako ng malalim at saka hinarap ang mga makakalaban namin.
"P'wera sa hiyas na kailangan namin. May dapat pa akong makuha."
Nawala ang ngiti sa mukha ni Hellgurd gayon din sina Davina at Helicus. Nagkatinginan silang pare-pareho at si Mathilia naman ay napakuyom ang kamay. Matalin siyang tumingin sa akin na tila inaalam kung paano kong nalaman ang bagay na tinatago nila.
"A-Ano 'yon?" tila nagugulumihang tanong ni Abriya.
Hindi ko siya pinansin at tanging kay Mathilia lamang at kay Hellgurd. "Hindi niyo maitatago sa akin ang mga bagay na magagawa kong alamin sa isang kisap mata lamang. Tinatago niyo siya dahil siya ang buhay ng buong Devuneike hindi ba?"
"Bakit ba ako magtataka sa kapangyarihang taglay mo? Kaya dapat noong sanggol ka pa lamang ay dapat ka nang mawala!" galit na sigaw ki Lola Mathilia.
"H'wag kang matakot. Sisiguraduhin kong hindi magiging masakit ang pagkamatay mo. Ipagluluksa pa kita kung nanaisin mo," nakangising sabi ko at hindi na nito napigilan ang kaniyang sarili.
Binato niya ako ng kapangyarihan niya pero mas naging mabilis ang pagkilos ko. Nailagan ko ito at mula sa itaas ay saka naman ako nagpakawala ng matutulis na yelo. Mabilis na nakailag si Hellgurd pero hindi sina Davina, Helicus, Mathilia at iba pa nilang kasama.
BINABASA MO ANG
THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOM
FantasyAko si Xyca Myxsica Frijado- ang babaing mayroong lila at dilaw na mga mata. Maski ang kulay ng aking buhok ay naiiba dahil ito'y kulay puti na ang dulo ay ginto. Ang magkaroon ng natatanging kapangyarihan na naiiba sa iba ay hindi ko kailan man hi...