7 - MIRALINA

465 16 0
                                    

MYXSICA’S POV

Nang magising ako ay gabi na. Bumangon ako para kumain at hindi pa rin naaalis ang matinis na tunog na masakit sa tainga. “Hindi talaga matitigil ang tunog na ‘to?” inis na sabi ko.

Napabuntong hininga ako at saka nagluto ng pagkain. Matapos ‘yon ay kumain na ako pagkatapos ay napatingin ako sa bintana. Naroon ang makinang na liwanag at ang sakit no’n sa mata. Habang nakatingin ako doon ay napasinghap ako nang bigla na lang may kumatok sa pintuan.

“Myxsica?” ani ng tinig na batid ko’y si Fracia.

Binuksan ko ang pinto at saka ko siya pinatuloy. “Ano ang ginagawa mo’t dis oras ng gabi ka nambulabog?” tanong ko.

“Mayroon lang akong gustong sabihin sa ‘yo. Kasi kanina…” hindi niya matuloy ang sasabihin niya na tila nag-aalangan pa.

“Ano?”

“Napag-usapan ng Hari, Reyna at punong guro ang tungkol sa iyo. Tungkol sa mga nakikita mong nilalang na tanging si Miralina lamang ang nakakakita noon,” saad nito at saka ako napahawak sa ulo ko.

“H’wag nila akong kinukumpara sa pumanaw nilang tagapangalaga ng Arendelle. Hindi ako si Miralina at mas lalong hindi ako gagawa ng bagay na pagsisisihan ko,” seryosong sabi ko.

“Myxsica, p’wede bang huminahon ka? Alam kong ayaw mo ng responsibilidad kahit noong nasa paligsaan tayo. Gusto mong manalo si Abriya para siya ang umakonsa responsibilidad sa buong Arendelle pero sa huli ay ikaw pa rin ang nagwagi. Isipin mong mabuti kung bakit nangyayari ang mga bagay na ‘yon. Iyong pagligtas mo sa Prinsesa kahapon pati na rin ang pagsama ng panahon at tanging ikaw lang ang nakakakita ng mga nilalang ng dilim,” paliwanag nito sa akin.

Hindi ko tinanggap ang mga paliwanag niya at hindi ko rin siya pinansin. Tinignan ko ang k’weba at patuloy pa rin ito sa pagkinang. Pero habang nakatingin ako dito ay may kung ano’ng tumutulak naman din sa akin na kunin ang espada na ‘yon sa k’weba. Gusto ko lang ng tahimik na buhay na walang kahit na ano mang iniisip. Hindi ko gugustuhin ang magkaroon ng isang malaking responsibilidad pero tingin ko ay iyon ang kailangan kong gawin.

Kapag mayroong hindi magandang nangyari sa buong Ethrejal at lalo na sa Arendelle. Saka ko lang kukunin ang espadang sinasabi nila na pagmamay-ari ni Miralina. Ngunit kung hindi ay bahala sila sa buhay nila.

Pinaalis ko si Fracia sa k’warto ko at saka ako ulit natulog. Nang magising ako kinabukasan ay maganda ang sikat ng araw. Naging maayos ang lahat at walang kahit na ano mang gulo ang nangyari. Bukod lang sa panggugulo ng Prinsipe sa akin. Ilang araw din ang lumipas at nagising na si Abriya. Ngayon ay nakasalubong ko siya sa pasilyo.

Nakantingin ito sa akin na tila may kung ano’ng gagawin at lahat ng mga estudyante sa paligid namin ay nakantingin sa kaniya. Ramdam ko ang nahihiya nitong mukha at alam ko naman na wala talaga s’yang binatbat sa akin. Noon pa man ay dalawa na kami ang nagpapaligsahan lalo na sa pagkuha ng mataas na marka. Pero palagi lang s’yang pumapangalawa.

“Wow, hindi ko alam na mataas pala ang rangko mo dito sa Academy?” ani ng Prinsipe sa akin.

Hindi ko siya kinibo at saka naman tumabi sa akin si Hyx. “Hindi ka ba sasabay sa akin na kumain?” tanong nito sa akin.

Sakto kasing may bakanteng oras kami. “Hintayin niyo na lang ako sa ibaba. May gusto lang akong kausapin,” sagot ko naman.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon