34 - TEARS

20 5 0
                                    

MILANA’S POV

Habang nag-uumpisa ang laban ni Hexon at nang kalaban ay hindi ko na rin maiwasan ang hindi mangamba. Pakiwari ko ay hindi kakayanin ng mga ito ang kalabanin ang mga kalabang makakaharap namin. Hindi ko nga alam kung ano ang kaya nilang gawin p’wera na lang kay Hellgurd. Kilala ko ang lalaking ito mula ulo hanggang talampakan niya.

“Ayos ka lang ba?” tanong ni Fracia sa akin.

Tumingin ako sa kaniya at saka ako napangiwi. “Tatapatin ko na kayo,” ani ko at saka ako tumingin sa mga kalaban. “Hindi sila basta-basta,” bulong ko. “Hindi ko alam kung magagawa nating mahintay ang pagbabalik ng kaibigan niyo bago pa kayo mamatay lahat,” dagdag ko pa.

“Ano? Bakit naman kailangan mo kaming takutin?” sabi ni Fracia.

“Hindi siya nananakot,” singit naman ni Abriya. “Totoo ang sinasabi niya. Hindi rin naman natin makakaya ang mga kalaban natin dahil ang isa ay mangkukulam habang ang iba naman ay maaring nasa antas ng pagiging dyos o dyosa,” paliwanag niya.

“Wala kayong ibang magiging paraan kung hindi ang pangalagaan ang ibinigay ko sa inyong dalawa,” paalala ko naman sa kanila.

Nag-umpisa na ang laban ni Hexon at nang kalaban namin. Habang nakatingin ako sa kanila ay pakiwari ko’y hindi magiging maganda ang kahihinatnan ng lahat. Nag-aalala ako sa masasaksihan ni Myxsica sa oras na bumalik ito. Nag-umpisa na ang laban at unang laban pa lang ay dehado na si Hexon. Ramdam ko rin ang takot at kaba niya pero wala akong magiging ibang paraan sa kaniya.

Tumalsik ito sa labas ng ring hudyat na natalo siya. Pero hindi naman magiging patas ang laban kung gano’n ang mangyayari at sa totoo lang ay luging-lugi na kami sa kanila. Bumangon pa si Hexon at saka muling bulaik sa entablado at tila hindi gustong magpatalo. Ngumisi ang kalaban nito at saka inihilig ang ulo nito na para bang hinahanda ang sarili.

“Hindi ko aakalain na hindi ka pala basta-bastang nagpapatalo?” sabi ng kalaban at sumeryoso ang mukha ni Hexon.

Muli silang naglaban at pinanood ko lang ang paglalaban ng dalawa. Nakikita kong nahihirapan na si Hexon at ginawang pagkakataon iyon ng kalaban upang atakihin ito sa likod niya na naging dahilan upang bumagsak ito. Napasigaw pa si Fracia sa nangyari at akmang lalapitan sana si Hexon nang pigilan naman ito ni Abriya.

Tumingin si Kelson sa kaniyang kapatid na no’n ay wala nang malay at hindi ko sigurado kung buhay pa ba ito o patay na. Hindi na napigilan ni Kelson ang kaniyang sarili at agad itong sumugod sa kalaban at agad niya itong napatalsik. Sa pagkakataon na ‘yon dahil sa kaniyang galit ay hindi na niya napigilan ang sarili na atakihin ito ng sunod-sunod. Habang nakatingin ako sa kanila ay naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Fracia at saka ako napatingin sa kaniya.

“Hindi ba’t isa ka mga dyosa? Makakaya mo silang talunin, Milana,” umiiyak na ani nito.

Umiling ako sa kaniya at saka ako napapikit ng mariin. “Hindi ako kasing lakas katulad ng inaasahan niyo, Fracia. Ang tungkulin ko lang ang gagampanan ko at iyon ay ang magpanggap sa ngayon,” sagot ko.

Pumatak ang luha sa kaniyang mga mata at naging tila apoy itong nalalaglag sa lupa. Hindi ko alam kung ano ang maaari kong gawin. Napalingon kami sa narinig naming pagsabog at mabilis na pagkilos ni Hyx at Vox.

Pipigilan ko pa sana sila pero bigla na lang ang ora ng paligid na siya namang ikinapangamba ko. Bigla ay lumutang sa ere sina Fracia at Abriya at pilit silang kumakawala ngunit malakas ang kapangyarihan na bumabalot sa kanila. Tumingin ako kay Mathilia at ngumisi lang ito sa akin.

“Nakikita mo naman siguro ang sitwasyon? Hindi na nagiging patas ang mga kakampi mo kaya naman kailangan na naming gumawa ng hakbang,” sabi ni Davina at napakuyom ako ng kamay ko.

“Hindi na kayo nagiging patas sa laban,” galit na ani ko sa kanila.

“Kailangan bang maging patas? Sa panahon ngayon wala nang patas na laban, Myxsica,” sabi nito sa akin.

Hindi ko na alam kung sino ang uunahin sa kanilang lahat. Nahihirapan akong pumili. Sa kalagayan ko ngayon ay ako ang mahihirapan at sa totoo lang ay hindi ko kakayanin kung nag-iisa lang ako at silang lahat ang kalaban ko. Hindi ko namamalayan ang pagpatak ng luha ko.

Bakit ba ako umiiyak dahil sa mga nilalang na hindi ko naman lubos na kilala?

Narinig ko ang impit na sigaw nina Hyx, Kelson at Hexon. Si Vox naman ay bihag na ni Hellgurd at si Helicus ay walang ano-ano’y bigla akong inatake. Agad ko itong nailagan at sa puntong iyon ay mabilis siyang lumipat sa likuran ko. Agad na naglabas ako ng kapangyarihan at saka ko iyon binato sa kaniya ngunit nailagan niya ito. Mula sa itaas ng ulo ko ay nakita ko ang pag-atake niya kaya naman agad akong umilag pero nakalimutan kong nandito nga pala si Davina.

Bigla akong bumulusok paibaba dahilan para mapuruhan ako at hindi kaagad makatayo sa kinalalgyan ko. Napaangat ako ng leeg ko nang tutukan ako ng talim ng espada ni Davina at saka ako napalunok ng sarili kong laway.

“Sa totoo lang hindi ka naman talaga nakakatakot na kalaban. Sad’yang malakas lang ang loob mo at nakukuha mo sa sindak ang sino mang nakakalaban mo,” seryosong sabi nito at saka ako napatawa ng pagak.

Kung gano’n pala ay iyon ang dahilan kung bakit nahihirapan silang kalabanin si Myxsica? Ang angkin nitong nakakakilabot na awra ang nagbibigay ng dahilan upang masindak sila at katakutan ang babaing ito.

Bumangon ako at saka ko siya binato ng kapangyarihan ko at saka kumalat ang alikabok sa buong paligid. Sa punto na ‘yon ay nagawa kong mapatumba si Divina pero hindi ibig sabihin na tapos na ang laban. Nang unti-unting nawala ang alikabok sa buong paligid ay nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Naroon at hawak ni Mathilia si Vox at ang tatlong lalaki ay walang buhay. Mula sa harapan ko ay sumulpot muli si Davina at bakas ko ang ngisi sa kaniyang labi.

“Sa ngayon masasabi kong ikaw ang nanalo. Pero tignan natin mamaya kung mananalo ka pa sa oras na bumalik na siya,” nakangising ani ko pero ramdam ko ang pagpatak ng luha ko.

Kasabay no’n ay unti-unti kong naramdaman ang paghugot sa akin at sa pagkakataon rin na iyon ay naramdaman ko ang enerhiya ni Myxsica. Napangiti na lang ako nang masilayan ko si Myxsica at sa totoo lang tila nabuhayan ako sa pagkakataon na ‘to.

“Patawad at hindi ko man lang nailigtas ang mga kaibigan mo, Myxsica. Pero sana ay manatili kang mahinahon at isipin ang kaligtasan ng mga nasasakupan mo.”

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon