12 - THE LETTER AND THE CROWN

270 15 0
                                    

MYXSICA’S POV

“You call me, Tanda?” hindi makapaniwalang sabi nito.

“Do you know who I am?” tanong ko.

Nangunot ang noo niya at saka tumawa. “Oo naman. Ikaw kaya ang aking magiging Rey—”

“Cut the fuck you’re stupid pick up lines!”

“Chill, masyado kang galit.”

“Sinong hindi magagalit! All this time you know who I am, and where fucking place I belong. Tapos parang wala lang sa ‘yo?” naghuhurimintado kong saad.

“Tingin mo ba mababago no’n ang nangyayari ngayon?” tanong nito sa akin at biglang sumeryoso ang mukha niya.

Ang kaninang tila makulit na Prinsipe ay naging isang Hari na. Sumeryoso rin ako at wala akong kahit na ano pa mang pinakitang ekspresyon sa kaniya. Totoo naman din na hindi rin naman mababago no’n ang kung ano ang nangyayari ngayon. Kung sinabi man niya ito ng maaga malamang aalma ako ng sobra.

“Bakit hindi mo ako sinuko kay, Hellgurd?”

“Ayy? Bakit kita ibibigay doon? Mamaya ayon pa pakasalan mo kawawa naman ako,” sabi nito at saka siya ngumuso.

Napatampal ako sa noo ko at saka pikong tumingin sa kan’ya. “Nasa seryoso tayong sitwasyon mahal na Prinsipe kaya p’wede ba—” napahinto ako ng sasabihin ko nang makita ko ang kinang sa kan’yang mga mata.

“T-Tinawag… tinawag mo akong mahal~” sabi nito na nakangiti pa.

“VOX XIPHUS DRACONILLE!” sigaw ko sa buo nitong pangalan.

Napahinto ang mga tao sa kanilang mga kan’ya-kaniyang pinag-uusapan at nagulat sa ginawa kong pagsigaw. Napakuyom ako ng kamay ko at pilit na pinipigilan ang pagkapikon ko sa lalaking ito. Gayon pa man ay hinawakan nito ang kamay ko at saka kami lumipat ng lugar. Nakarating kami sa isang k’warto at batid kong k’warto niya ito.

“You don’t need to shout my whole name in front of my people like that. Masyado mong binubunyag na gusto mo rin ako,” pabirong hirit na sabi pa niya.

Itinaas ko ang palad ko at pinakita sa kan’ya ang naglalagablab na apoy. “Seseryoso ka ba o tutustahin kita?” banta ko sa kan’ya.

Agad naman na napataas ito ng kaniyang mga kamay na ani mo’y sumusuko na. Napabuntong hininga ito at saka may kinuhang kahon at ibinaba ko naman na ang aking kamay. Lumapit ito sa akin at saka n’ya iyon binigay.

“Binigay sa akin ‘yan ng iyong Ina. Naglalaman iyan ng sulat at k’wintas pati na korona na nagrereprisinta na isa kang maharlikang prinsesa,” saad nito.

Tinignan ko ang kahon na binigay niya at saka ko iyon binuksan. Mula sa loob ay naroon nga ang korona ngunit hindi iyon ang kinuha ko kung hindi ang sulat. Nilapag ko ang kahon at saka binuksan ang sulat ay mula roon ay nalaglag ang k’wintas. Napatingin ako roon at saka ko iyon kinuha. Ang ganda ng k’wintas na iyon at nakaukit ang aking pangalan.

Mahal kong Anak,.Prinsesa Myxsica. Alam kong sa oras na mabasa mo ito’y ligtas ka na mula sa iyong Lola. Patawad kung hindi mo ako makakapiling habang lumalaki ka. Patawarin mo rin ako dahil sa pagsilang mo’y mayroon ka nang mabigat na responsibidad na dala-dala. Patawarin mo ako kung kailangan mong lumayo at lumaki sa mundong hindi sa iyo nararapat. Gayon pa man ay alam kong hindi ka masusundan ng iyong Lola sa mundong iyon dahil kahinaan nito ang mundong iyon. Sa ano mang dahilan ay hindi ko alam.

Kaakibat nitong sulat ang k’wintas na aking gawa para sa iyo. Gusto kong suotin mo iyan upang maalala ko at makilala kung sino ka. Mahal na mahal kita, Myxsica. Mahal na mahal ka namin ng iyong ama.

Nagmamahal, ang iyong ina, Marfina.

Matapos kong mabasa ang sulat ay sinuot ko ang k’wintas tumalikod at akmang aalis na. Pero napahinto ako nang pigilan ako ng Prinsipe at hawakan nito ang braso ko.

“Ayon na ‘yon? K’wintas lang ang kukunin mo? Hindi mo ba susuotin ang korona mo?” tanong nito sa akin at npasipat ako ng tingin sa kahon.

Dapat ko nga bang suotin ang korona sa gitna nang mga nangyayari ngayon?

Bumuntong hininga ako at saka hinawi ang pagkakahawak nito sa braso ko. Nahimasmasan na rin naman ako kahit na paano at unti-unting naiintindihan ang lahat. Ang kailangan ko na lang gawin ay ang hanapin si Lola at itanong ang kung ano ang naging kasalanan sa kaniya ng mga taga Arendelle at ito ang gustong-gusto n’yang pinapahirapan.

“Kailangan ko ng oras sa sarili ko para makapag-isip ng maayos. Kung maaari ay hayaan mo muna ako at wala kang kahit na ano mang gagawin na ikakasama ng timpla ko,” saad ko sa kan’ya at saka ako nag-teleport sa labas ng Dormitoryo.

Hawak ko ang k’wintas at hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang naramdaman ang sakit. Siguro ay dahil napunan ng ibang Ina ang pagmamahal ng tunay kong ina. Kung si Lola Mathilia ang malakas na nilalang sa mundo ng Ethrejal. Ibig sabihin ay parte rin ako ng Ethrejal pati na rin ng Arendelle. Kung sa Ethrejal naninirahan ang mga Lola ko noon. Isa sa nakapalibot na kaharian ang may kamag-anak ako.

Kailangan kong malaman kung ano’ng kaharian nabibilang ang mga Lola ko. Ang aking Ina ay dito rin isinilang at malamang ang aking ama ay ang naninirahan sa kaharian ng Haterial.

“Ibig sabihin ay dalawang mundo ang kinabilangan ko? Heterial ay alam kong mundo ng mga masasamang nilalang. Naroroon ang lahat ng uri ng apoy. Kaya pala may pagkamakasarili ako,” ani ko sa sarili ko saka ako napatawa ng pagak.

Napatingin ako sa sarili ko sa salamin at saka napahawak sa k’wintas na nasa leeg ko. Hindi ko talaga alam ang kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ko kahit na kailan man naranasan na mangulila sa isang Ina dahil may nagbuno ng pagmamahal na iyon sa akin. Pumunta ako sa library at nagbasa ng mga libro doon tungkol sa mga hiyas. Bawat kaharian ay may pinangangalagaang hiyas at importante ito lalo na sa buong Ethrejal.

Habang nagbabasa ako ay napahinto ako sa isang page kung nasaan ang isang kakaibang kristal. Ito ay halo-halong kapangyarihan na mayroon ang walong kristal na pinangangalagaan ng bawat kaharian kabilang na ang mundo ng Devunieake.

“Ang astig naman ng hiyas na ‘to,” ani ko pero walang emosyon.

Binasa ko iyon at inusisa. Doon ko nalaman na kapag nakuha mo ang hiyas na iyon ang lahat ng iyas na pinangangalagaan sa bawat karugtong na dimensyon ng mundong kinabibilangan mo’y aamo sa iyo. Ngunit sa oras na marahas mo itong kunin at mayroon kang hindi magandang intensyon ay mamatay ka at hindi na makikilala ng sino man.

“Mukhang hindi pa ito nagagalaw ng kabit na sino p’wera doon sa mismong nagmamay-ari ng kristal,” bulong kong sabi.

Sinara ko ang pinto at saka ko iyon pinaliit at sinilid sa bulsa ng aking suot. Nang makalabas ako ay saka ako dumeretso sa silid ko at kumuha ng mga kakailanganin kong mga kagamitan. Pinaliit ko lang ang mga iyon at ang iba’y ginawa kong pulseras. Lumabas ako at hinanap ko si Abriya, Hyx, Hexon, Kelson at Fracia. Nang makumpleto ko sila ay dinala ko sila sa silid ko.

“Akala ko ba ay ayaw mo ng responsibilidad?” tanong ni Abriya na may pangungutya.

“Oo nga,” sagot ko saka napangiwi.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon