MYXSICA’S POV
“Nakakainis hindi man lang ako nakaganti sa babaing walo ang galamay,” inis na sabi ni Fracia.
“Paano mo siya magagantihan kung hindi ka naman kasing lakas ni Myxsica?” pang-aasar naman ni Kelson.
“Alam mo ikaw dapat sa ‘yo ay tinatahian ang bibig,” mataray na sambit nito.
“Tama na ‘yan mamaya magkapikunan pa kayo,” suway naman ni Abriya. “Aalis na ba tayo?” tanong nito sa akin at saka ako tumingin sa hari at reyna.
“Hindi naman na balakid sa inyo si Octabina. Ang lahat ng mga nilalang sa Waixerisus ay dapat ninyong pangalagaan. Ang mga ito’y nasa ilalim ng in’yong pamumuno mahal na hari at reyna,” ani ko at saka sila tumango sa akin.
Lumapit ang prinsesa sa akin at saka siya may inabot. “Labis ang aking pasasalamat sa pagtulong niyo sa aming kaharian. Ito ay isang simpleng pasasalamat lamang. Gano’n pa man ay nakakatulong kahit na paano,” sabi nito at saka ko tinignan ang kung ano ang binigay nito.
Ito ay isang bulaklak na may kakaibang kulay. Marami itong mga talulot na tingin ko ay may kapangyarihan. “Hindi ako magtataka kung galing ito sa tanim mong halaman at nagkaroon ng ganitong kagandang bulaklak,” saad ko at matamis na ngiti ang iginawad nito.
Napangiti naman ako sa pagngiti niya at saka siya tumango. Bigla ay sumingit si Xiphus sa pagitan namin ng Prinsesa na s’yang ikinagulat naman ng Prinsesa. “Hindi lang pala dapat ako sa lalaki magselos kung hindi pati na rin sa babae,” sabi nito at saka niya ako tinignan sa mata.
Inalis ko siya sa pagitan namin at saka inabot ang bulaklak na binigay ng Prinsesa. “Salamat,” sabi ko at saka ko siya niyakap.
Si Xiphus naman ay nakangusong tinignan ako at saka siya masamang tumingin sa Prinsesa at napabuntong hininga na lang ako sa inasal niya. Nagpaalam kami ng maayos sa kanilang laat bago pa man kami tuluyang umalis. Habang naglalakad ay napatingin ako sa bulaklak at iniisip ang kung ano ang kapangyarihan ang mayroon ito. Napangiti pa ako sa sandaling maalala ang ginawa ni Xiphus. Agad naman na nawala ang ngiti ko at saka napakunot ng noo.
“Bakit ka ngumingiti, Myxsica? Bobo ka ba? H’wag kang maiinlab sa lalaking ‘yon!” inis na bulong ko sa sarili ko.
“Maiinlab?”
“Shit!” gulat na sabi ko nang biglang sumulpot si Hyx.
“Shit? Ano ang ibig sabihin no’n?” tanong niya.
“Tae,” sagot ko naman.
“Eh iyong maiinlab?” sunod na tanong niya.
“Magmahal,” sagot ko at kampante pa.
“Hmm,” sabi na lang nito at saka tumango-tango.
Napatingin ako kay Vox at hindi ko maiwasan ang hindi mamangha sa kaniya. Bukod kasi sa maskulado ito ay ang g’wapo niya rin. Hindi ako magtataka kung bakit siya hinahabol ng mga babae sa mundo ng mga tao. Umiwas ako ng tingin at tumingin sa ibang direksyon. Tinignan ko ang mapa at saka inintindi itong mabuti. Napabuntong hininga na lang ako at tinago iyon sa bag. Napahinto kami sa paglalakad nang mapagod na kaming pare-pareho. Kumain na rin muna kami at pagkatapos ay nagkuwentuhan. Nakikinig lang ako sa kanila at nakamasid lang din ako sa paligid.
Tumabi sa akin si Vox at hinawakan nito ang kamay ko. Napatingin naman ang mga kasama namin pero hindi ko na lang din pinansin. Siya naman ay nakangiti at sumandal pa talaga sa balikat ko. Tila naman naintindihan nila kung ano ang ibig sabihin no’n kaya naman hindi na lang din nila kami inintindi. Nakapabilod sila sa may apoy at kami naman ay nasa likuran lang nila.
“Bakit hindi ka nagagalit kapag hawak ko ang kamay mo at nakasandal ako sa iyo ng ganito?” tanong niya.
Huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot. “Nakakapagod mag-aksaya ng laway at lakas,” sagot ko naman sa kaniya.
Ngumiti siya ng matamis at mas lalong sumiksik sa akin. Nanayo pa ang balahibo ko dahil sa pagdampi ng labi nito sa kamay ko. Napakagat ako ng labi ko at napapikit ng mariin at paulit-ulit na napapamura.
Bakit ang lambot ng labi niya?
“Mayroon lang akong gustong itanong sa iyo,” saad ko at saka siya napatingin sa akin.
“Ano naman ‘yon?”
“Totoo bang may gusto ka sa akin o pinaglalaruan mo lang ako?” tanong ko at saka sumeryoso ang tingin niya sa akin.
“Mukha lang akong maloko pero hindi ko naman nilalaro ang pagmamahal,” seryosong sagot niya sa akin.
Nakikita ko ang seryosong mga mata niya at ramdam ko na nagsasabi siya ng totoo. Pinakiramdaman ko ang aura niya at hindi ito nagbabago. Walang halong kahit na ano man ang pustura ng mukha niya at mabilis ko lang mabasa ang nilalaman ng isip niya at maski ang kilos niya. Parang pakiramdam ko tuloy ay mali ako ng tinanong sa kaniya.
“Wala ka bang minahal na ibang babae?” sunod na tanong ko at saka siya napaisip.
“Sa loob ng maraming taon na nabubuhay ako ay wala akong nakitang babaing kagaya mo,” sagot nito sa akin.
“Malamang gold ako.”
“Bukod sa gold ka, maldita ka.”
Pinakita ko naman sa kaniya ang kamao ko at saka masama ko s’yang tinignan. “Simula ngayon ay hindi ka na hahawak sa kamay ko at hindi ka na rin sasandal sa balikat ko. H’wag ka na rin dumikit sa akin dahil mapapatay kita agad,” banta ko sa kaniya.
“Baby naman,” nakangusong saad niya.
Tumayo ako at saka pumunta sa kinalalagyan nila Fracia. Hinabol naman ako ni Vox at saka umupo sa tabi ko pero kusang gumalaw ang kamay ko kaya naman tumalsik siya sa ginawa ko. Hindi naman ako pinakialaman nina Fracia at si Hyx naman ay natawa na lang sa nangyari. Bigla ay sinugod niya ako at saka ako nito hinawakan sa bewang ko dahilan para mapasinghap ako. Lumipad kami paitaas at saka ko mabilis na dinistansya ang sarili ko sa kaniya.
“You want to fight me?”
“I want to love you.”
“Seryoso ang tanong ko.”
“Seryoso rin ang sagot ko.”
Sa tono ng pananalita niya pakiramdam ko ay kailangan kong maging mahinahon. Seryoso kasi ito at mas lalong lumalalim ang tono ng boses niya. Ang mga mata niya ay naging mas lalong mapungay kaysa kanina. Nakakapanayo ng balahibo ang boses niya at ngayon ko lang narinig ito.
“Okay.”
BINABASA MO ANG
THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOM
FantasyAko si Xyca Myxsica Frijado- ang babaing mayroong lila at dilaw na mga mata. Maski ang kulay ng aking buhok ay naiiba dahil ito'y kulay puti na ang dulo ay ginto. Ang magkaroon ng natatanging kapangyarihan na naiiba sa iba ay hindi ko kailan man hi...