𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 38: 𝐊𝐄𝐋𝐕𝐈𝐍 𝐏𝐑𝐎𝐏𝐎𝐒𝐀𝐋!

2 1 0
                                    

"Coleen calm down! Hindi ka malulumpo okay, gagaling ka pa tutulungan ka namin, saad ni Clyde.

Sa mga sandaling iyon ay napaluha na lang si Coleen.

"Tama si Clyde anak may pag asa pang makalakad ka ulit, saad ni Suho.

"Coleen listen to me ako ang mag sisilbing mga paa mo hanggang sa maka fully recover ka, I promise I will do everything to take care of you, saad ni Clyde.

Sa mga sandaling iyon ay kumalma na si Coleen.

Samantala sa kabilang VIP room:

Habang nagbabantay sila Kelvin ay napansin ni Dylan na tila nagigising na si Bella.

"Kuya Kelvin, Mayor si ate Bella nagigising na, saad ni Dylan.

"Bella anak mabuti naman at gising ka na sobrang nag alala kami sayo, saad ni Chen.

"Masaya akong makitang gising ka na, saad ni Kelvin.

"Kelvin, dad!, Dylan! Saad ni Bella.

"Kamusta pakiramdam mo? Gusto mo bang tumawag ako ng doktor, saad ni Kelvin.

"Hindi na I'm fine thank you for everything kelvin, saad ni Bella.

Napangiti naman si Kelvin dito.

Samantala nalaman ni Alejandro na nakatakas si Benedict kaya galit na galit ito.

"Mga BOBO! isang tao lang natakasan kayo! mga wala kayong silbi! Hanapin niyo siya! Hanapin niyo si Benedict hindi pwedeng makawala yun! Saad ni Alejandro.

At sumunod na nga ang mga tauhan niya sa kanya.

....Time Skip...

Lumipas ang ilang araw ay nakakarecover na si Bella dahil sa pag aalaga ni Kelvin sa kanya araw araw habang si Coleen ay patuloy pa rin nagpapagaling, tinutulungan siya ni Clyde pati na rin ni Carrie sa kanyang therapy araw araw.

Habang abala sa pag tetherapy si Coleen ay dumating naman si Kelvin.

"Ehem! Pasensya na kung maiistorbo ko kayo ah, saad ni Kelvin.

"Ikaw pala Kelvin Do you need anything? Saad ni Clyde.

"Ah eh gusto ko sana humingi ng pabor sa inyo, saad ni Kelvin.

"Sige ano ba yun? Saad naman ni Coleen.

"Baka pwedeng sumama muna kayo sakin sa Room ni Bella kahit sandali lang, need ko lang kayo doon please, Kayo rin po Tito Suho ,Sheila at Carrie, saad ni Kelvin.

At wala na ngang nagawa sila Clyde kundi pagbigyan ang hiling ni Kelvin kaya naman sumakay na muna si Coleen sa wheelchair at saka nagpunta na sila sa room ni Bella kasama sila Suho at Sheila.

Sa Room ni Bella:

"Wait anong meron? Saad ni Bella.

Saka binigyan siya ng flowers ni Kelvin habang hawak naman ni Dylan ang mga balloons.

"Anong meron kelvin? Tsaka bakit may pa Flowers at Balloons ka? Saad ni Bella.

Sabay biglang lumuhod si Kelvin sa harapan ni Bella at nagulat naman ang mga kasama nila dito.

Hanggang sa may inilabas itong singsing.

"Bella alam ko masyado pang maaga para dito pero nung araw na muntik ka ng mawala sakin, hindi ko kinaya hindi ko alam kung kakayanin ko bang mabuhay pa sa mundong ito ng wala ka, Oo nasaktan kita nung una kasi naging mahina ako, naging manhid at binalewala ko lang yung feelings ko for you, pero pinagsisisihan ko ang lahat ng yun simula ng minahal kita alam kong ikaw na yung babaeng gustong kong makasama habang buhay, sabi nga nila Maikli lang ang buhay ng tao kaya wag natin sayangin ang pagkakataon na makasama ang mga mahal natin sa buhay kaya... Saad ni Kelvin.

"Isabella Roxas Mendez will you marry me? Pagpasensyahan mo na hindi expensive tong nabili ko pero pinagiponan ko toh hehe,Dagdag pa niya.

Sa mga sandaling iyon ay napaiyak na lang sa tuwa si Bella.

"Yes Kelvin I will marry you, saad ni Bella.

Saka sinuot na nga niya ang singsing sa daliri ni Bella sabay naghalikan silang dalawa.

At nagpalakpakan naman ang mga kasama nila dito.

"Ayieee ang tamis naman nyarn, pabirong sambit ni Dylan.

"Loko! Saad ni Kelvin.

Saka nagtawanan silang lahat.

"Kaya pala pinapunta mo kami rito dahil gusto mong kami ang maging saksi sa proposal mo haha anyway congratulations to both of you, I'm so happy, saad ni Coleen.

"Thank you, saad nina Kelvin at Bella.

Saka binati rin sila ng iba pa nilang kasama.

"Masaya ako para sa inyong dalawa anak, and I know na maalalagaan at mamahalin kang mabuti ni Kelvin, saad ni Chen.

Napangiti naman silang lahat.

Lumipas pa ang ilang araw ay nakalabas na sa hospital sila Bella at Coleen, ganun pa man ay tuloy tuloy pa rin ang therapy ni Coleen sa kanilang Mansyon.

"Hay salamat nakauwi rin tayo, kapagod sa hospital, saad ni Bella.

"Naku sinabi mo pa, saad ni Coleen.

"Btw sabi ng doctor mo anak pagpapatuloy mo lang daw yung pag tetherapy mo, konting tiis na lang ay babalik din ang binti mo sa dati, saad ni Suho.

Napatango naman si Coleen dito.

"Di bale nandito naman ako e willing akong gawin lahat para sayo Coleen, saad ni Clyde.

"Salamat Clyde nung mga oras na sukong suko na ako, nandyan ka para palakasakin yung loob ko, hindi mo ko iniwan, saad ni Coleen.

"Ano ka ba bakit naman kita iiwan no matter what happen I will never leave you, I love you kaya lahat gagawin ko para sayo, saad ni Clyde.

"I love you too Clyde, saad ni Coleen.

Nag ngitian silang dalawa.

"Sweet naman nyan nakakainggit, saad ni Carrie.

Saka natawa silang lahat.

"Sana ako rin makatagpo ng kagaya ni kuya Clyde yung bang never kang iiwan kahit anong mangyari, sarap siguro sa feelings nung meron kang prince charming na sasamahan ka sa lahat ng oras hehe, saad ni Sheila.

"Maghahanap ka pa nandito lang naman ako, kaya ko rin naman gawin sayo yan at hihigitan ko pa, saad ni Dylan.

"Tsee! Ewan ko sayo, Isa pa prince charming ang hanap ko hindi frog prince, saad ni Sheila.

Saka natawanan naman ang mga kasama nila dito.

"Grabe ka naman sakin hmm..🤔 pero okay na rin yung frog prince ano para yung sa fairytale yung bang hinalikan ng prinsesa yung palaka kaya naging prinsipe, saad ni Dylan.

"Huh? alam mo epekto yan ng kakanood mo ng tv, saad ni Sheila.

At nagtawanan ulit silang lahat.

"Hay naku itigil niyo na nga yang kalokahan niyo, ang babata niyo pa para dyan, saad ni Kelvin.

"Kuya naman nasa tamang edad na kami, saad ni Dylan.

"Oo nga pero sa edad mo yang hindi mo pa kaya buhayin ang sarili mo, saad ni Kelvin.

The Siblings War(Magkasangga o Magkaaway?)(Exo)Where stories live. Discover now