VII: The God of Death

816 20 0
                                        


Lineysha's POV

I opened one of my drawers, kinuha ko ang itim na kahon doon at nilagay sa bag ko. Ito ang stone na binigay sa akin ni Persephone baka kasi kailanganin ko. Kumuha rin ako ng dalawang piraso ng libro at nilagay iyon sa bag.

Sunod kong kinuha ay ang paborito kong dagger na bigay ni Harry. Kinabit ko iyon sa hita ko. Mayroon na akong lagayan no'n, binigay ni Isaac. Ang galing nga kasi kaya no'n paikliin ang dagger tapos kong tinanggal ko sa lagayan ay babalik ito sa dati.

I tied my hair into a ponytail. I just wore a simple gray shirt and black pants. Nang makitang handa na ang sarili ay lumabas na ako bibit ang bag ko.

Pagkalabas ko naandoon na ang iba. Pumunta muna ako sa kitchen para sana uminom, nakita ko doon si Harry na gumagawa ng sandwich.

"Want some?" Napangiti ako at kumuha doon tsaka kumain. "Tuna sandwich this time, how was it?" Tumango-tango ako at nagthumbs up.

"It tastes great."

"Ciara's craving for it." Napangiti ako, ang sweet naman.

"Is everyone ready?" Narinig ko ang boses ni Zia kaya mabilis kong tinapos ang tinapay na nasa kamay ko atsaka uminom ng tubig muntikan pa akong mabulunan kaya tinawanan ako ni Harry.

Pumunta na ako sa sala at nakitang naandoon na ang lahat. Ngayong araw na ito ay ang mapagdesisyunan namin na pagpunta sa underworld upang humingi ng tulong kay Thanatos, ang god of death. Siya lang kasi ang kilala namin na makakatulong sa amin para makapunta ng Elysium.

"Your bag is too big." Ani Zayn na nasa tabi ko.

"Ahh may libro kasi 'yan..." Nahihiyang ani ko. Sabi kasi nila sa tuwing may mga quest kami ang dalhin lang namin ay damit at iba pang kailangan kaso hindi ko talaga matiis na hindi magdala ng libro.

"Let's exchange."

"Hin—" hindi na ako nakatanggi pa nang kunin niya sa likod ko ang backpack tapos ay pinasuot niya sa akin ang kaniya. Sandali pa akong natigilan nang hindi makaramdam ng bigat doon. "Anong laman nito?"

"Clothes only." Ani niya matapos isuot ang bag ko sa likod niya. Nagpigil ako ng ngiti nang makita ang itsura niya, masyado kasing maikli ang strap noon. Nagmukha tuloy siyang bata.

"Adjust natin." Humarap ako sa kaniya at ini-adjust ang strap ng bag sa magkabilang gilid niya. "Ayan okay na—" napasinghap ako nang sumalubong ang mukha nito sa akin, his emerald eyes are looking down on me. Isang dangkal lang ang layo namin sa isa't isa dahil nakayuko ito, ramdam na ramdam ko tuloy ang hininga nito.

Mabilis akong umatras nang maramdaman ko ang pagbilis na naman ng tibok ng puso ko, umiwas ako nang tingin at tuwid na tumayo muli sa tabi niya, narinig ko pa ang mahinang pagtawa nito.

"Kelis the portal, now." Mabilis na sumunod sa si Kelis sa utos ni Zia. Pumwesto si Kelis sa tapat ng pinto, he waved his hand and a black smoke came out from it forming a portal.

"Nice, hindi na natin kailangan bumyahe-byahe ng malayo." Nakangising ani Asa.

"Let's go." Naunang pumasok si Zia sa portal at sumunod ang iba, nahuli kami ni Zayn.

Narinig ko ang mahinang pagsinghap ng iba nang makarating na kami sa underworld.

"Shuta." Inilibot ko ang paningin ko pero nagtaka lang ako nang mapansin ang paligid.

Bakit parang may kakaiba?

"Grr!!" Sabay-sabay kaming napalingon sa isang sulok nang makarinig nang malakas na ungol na nangagaling sa nasisiguro kong hindi tao.

Depth Of The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon