Lineysha's POV
Pagkatapos ng race ay agad kaming sinalubong ng medic at ng Meízon. Napatingin ako sa kabilang grupo, mabuti na lang at hindi gano'n kalala ang natamo nila galing sa ipo-ipo.
"Neysha!" Lumapit agad sa akin si Ciara at pinunasan ng bimpo ang dugo na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pagtulo. "Oh my gosh! It's poisoned!"
Ciara is a great healer but poison was not really in her expertise.
"Bakit ka ba laging nalalason Neysha!" Pagmamaktol ni Asa na para bang siya ang nalason. "Wala na akong dugo ng gorgon!" Napangiwi ako nang maalala iyon, naramdaman ko tuloy ang hapdi ng sugat ko.
"Ahh..." Halos sabay-sabay kaming lumingon sa likuran namin nang may magsalita doon. "Hi.." alanganin itong ngumiti sa amin, siya ang lalaki na kasama nila Cleo kanina, mabuti naman at ayos lang siya. "I'm so sorry for that," he said.
Tapos ay may inilabas siya sa bulsa niya, "as an apology." Iniabot niya sa akin ang isang vial na may puting likido sa loob, kukunin ko na sana iyon ngunit may na una na sa akin.
"Thank you." Nagugulat akong napalingon kay Zayn, ngayon ko lang kasi naramdaman ang presensya niya, paano ay kanina pa siyang umaga tahimik. "Please, the medic's waiting for you." Napakamot sa pisngi ang lalaki at muling tumingin sa akin.
"I'm so sorry Lineysha." Gustuhin ko man ngumiti sa kaniya ay hindi ko magawa dahil humahapdi ang sugat sa pisngi ko.
"It's ok." I said, tumungo ang lalaki bago umalis.
"Let's go." Hinawakan ni Zayn ang pulsuhan ko at pumasok kami sa portal na nasa likuran na pala namin.
Pagkalabas ng portal ay nasa loob na kami ng dorm.
Nasa kitchen kami, pinanood kong buksan ni Zayn ang vial at amuyin iyon. "Ciara!" Tawag niya kay Ciara na mabilis na lumapit sa amin.
"Yes?"
"Can you inspect this?" Iniabot ni Zayn ang vial kay Ciara na tiningnan niya naman agad.
"Don't over think too much Zayn, it's an anti-dote."
"Good." Sunod na iniabot ni Zayna ng vial sa akin at tinanggap ko naman iyon. "Drink it now." Dahil sa takot na baka kasing lasa 'yun ng dugo ng gorgons ay pikit mata kong ininom iyon.
Mabuti at hindi gano'n kapangit ang lasa no'n, mapait lang.
"Meízon." Matapos inumin ang anti-dote ay napalingon ako kay Zia, pero na-distract lang din ako nang lumapit sa akin si Zayn at hawakan ang baba ko para paharapin sa kaniya.
"Let's clean your wound." Hindi niya pinansin si Zia sa halip ay sinimulan niyang linisin ang pisngi ko, unti-unti rin ay naramdaman ko ang paggaan ng pakiramdam ko at ang pagsara ng sugat ko.
"The headmistress called for us." And no one knows how much of a complaint I heard after Zia said that.
"It's fine now." At sa wakas ay natapos na rin si Zayn sa paglilinis ng pisngi ko na wala na namang sugat. Tumayo ako ng maayos at kamuntikan pa mawalan ng balanse dahil sa hilo. "Tss." Inalalayan ako ni Zayn, "don't forget that you're still a human, Murai." Tumango-tango ako.
"Let's go."
"Zia naman eh! Hindi pa tapos Olympic!" Zia didn't pay attention to Asa's complaint. Saac with his frowning face made a portal and we entered it again. "T*nginang buhay!"

BINABASA MO ANG
Depth Of The Abyss
Fantasy(Theddeus Trilogy #3) "If I reign, will I be able to love?" Meízon had faced various challenges, fighting against monsters, gods, and goddesses. Finding out the truth behind their existence and powers, but despite all of that they still find comfort...