XXXVI: Messenger of the Gods

693 15 0
                                        

Asa's POV

Kumurap-kurap ako habang pinapanood ang mga Nymphs na hindi magkandaugaga sa paghahain ng mga pagkain sa harap namin.

"Please, excuse them, we barely have demi-gods visitors in our land." Pan, the god of the wild.

Namamangha ako sa itsura niya, ibang-iba kumpara sa mga nakikita kong satyr sa Academy. Para siyang rainbow, ang laki at ang haba ng horns niya tapos 'yung breed niya ay kulay berde, makapal at mahaba. Ang suot niya ay gawa sa mga balahibo na iba't iba ang kulay.

Ang ganda rin ng ngiti niya, nakakagaan sa loob ang presensya niya. Para kang naligo sa batis dahil nakakapresko. Tapos may mga mumunting hayop na nakasiksik sa hooves niya na paminsan-minsan ay nilalaro niya.

"Please," isinenyas niya ang nga pagkain. Puro gulay at prutas ang nakahain, grabe feel ko paglabas ko dito may tutubong mansanas sa ulo ko.

"Thank you, my lord." Kumain na kami, though hindi ako vegetarian ay na-enjoy ko naman ang mga pagkain dahil nagugutom na talaga ako.

Napahinto ako sa pagkain nang may maramdaman akong nakatingin sa akin. Unti-unti akong lumingon kung saan nanggaling ito.

Si Pan iyon, nakangiti habang nakatingin sa akin. Alanganin akong ngumiti at tumango.

"You're the child of Hermes?" Nawala ang ngiti sa labi ko, ayaw ko man aminin ay tumango pa rin ako.

"Opo." Tumango-tango ito na para bang natutuwa.

"Your father would spend his time sometimes resting here, away from the gods, from his responsibilities." Natatawang ani nito.

So... Dito pala nagpupunta ang kumag na iyon pag stress siya.

"The gods haven't contacted any of you?" Nagkatinginan kami.

"They haven't, lord Pan." Zayn answered.

The god Pan smiled sadly, "please, don't get tired of them, give them time." Nangunot ang noo ko, nakita ko rin ang pagtaas ng kilay ni Critzel.

"What do you mean lord Pan?" Tanong niya.

"The former feud has taken a toll of strength from them and besides.." kumuha siya ng silver wear, "they're still recovering from the fact that they almost killed their children."

"Oh really?" Natatawang ani Critzel, pinanlakihan ko siya ng mata.

"Why? Do you think that the Olympians wanted to kill you?" The god asked, smiling. Nakinig lang ako, gusto ko pa kasing marinig ang mga alam niya. "If they really wanted to, you won't be here in front of me asking for our help."

Natigilan ako, I drop my utensils. I remembered that day, is it true? Hindi ba nila talaga kami gustong patayin? Ano bang gusto nilang mangyari?

"Please, don't take my words heavily. Expect Demi-gods that the wilderness will always be at your hand." Magaang ani nito, and suddenly the atmosphere lightened. "We prepared a room for each of you, please take the time to rest you'll need that."

Pagkatapos naming kumain ay dinala kami sa sari-sarili naming kwarto. Lumawak ang ngiti ko nang makita na ang kwarto, malaki ito at maluwag may malaki ring higaan, vanity table at mga cabinet tapos meron ding isang pi to na nasisiguro kong paliguan, mayroon ring balcony.

Nilapag ko ang bag ko sa upuan at sumilip sa balcony, ang ganda ng pwesto namin dahil sa harap ay ang lake tapos may mga nakita akong naiads na nakasilip at nagtatawanan na para bang kinikilig. Nangunot ang noo ko at napatingin kung saan sila nakatingin.

Depth Of The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon