LIII: Flame Builder

692 15 0
                                        

Isaac POV

Mabilis akong nagpunta sa inventory room ng Academy.

Pagkapasok ko doon ay kita kong nagkakagulo ang lahat.

"Saac!" Narinig ko ang boses ni Joshua, sumabay ito sa akin sa paglalakad patungo sa control room.

"Kamusta ang lahat?"

"Ayus naman, nagana ang lahat nang hinanda natin."

"Have you activated everything?"

"Yes master!" Pumasok kami sa control room. Naandoon lahat ng mga circuits na kumokonekta sa mga ginawa namin dito sa Academy.

Sa malaking screen ay pinanonood ko ang mga pangyayari sa labas.

"The barrier?"

"Holding still."

"Cannons?"

"Perfectly fine." Tumango-tango ako.

"Mag-ingat kayo sa pagfire, make sure walang inosenteng madadamay." Tinapik niya ang balikat ko.

"'wag ka mag-aalala master, my men are doing their best." Napatingin ako sa ibaba ng Academy kung saan may isang giant na naihagis sa mountain kung saan nakatayo ang Academy.

Tss, tss, Critzel...

"Siguraduhin niyong walang malaking distraction ang pwedeng mangyari sa bundok, mayroon nga tayong barrier sa Academy pero hindi kasama doon ang kinakatayuan nito." Napakamot ito sa ulo at tumango.

"Anong gagawin namin kapag nawala na sa kontrol ang lahat?" Kumunot ang noo ko, ngumiti siya ng alanganin. "Master ang ibig kong sabihin, hindi natin sigurado ang pwedeng mangyari, mga titans ang kalaban natin."

"You're right, dito sila sumugod sa Academy dahil alam nilang naandito ang nga sandata ng mga gods, tayo, demi-gods. Alam nilang gagawin natin lahat para maprotektahan ang Academy."

"Master, what if they start invading the Academy? Just what if?" Nginisian ko siya.

"It will only happen if I die." Pumunta ako sa pinakagitna ng control room at tumingala sa kisame.

Itinaas ko ang kamay ko, tapos sa kisame kung saan ko tinaas ang kamay ko ay may unti-unting nagbukas na isang maliit na pinto at lumabas doon ang isang puting button.

"Once we die on the battlefield, activate this." Kita ko ang pagkunot sa noo niya, nagtataka habang nakatingin sa button. "This is the reason why I came here."

"Ano 'yan master?" Gumuhit ang ngisi sa labi ko.

"Lineysha and I created this." Humalukipkip ako, "it's the greatest protection that the Academy could ever have. Once activated no one would come near the Academy." Umawang ang labi nito at namamanghang tumingin sa puting pindutan, "it will release a shock wave around the Academy, that even the titans cannot cross." Kinuha ko ang token sa bulsa ko.

"For plan C, use this token-"

"Master naman..." Natawa ako nang makita ang panunubig sa mata nito.

"G*go! Para kang tanga!" Natatawnag ani ko, "gamitin niyo 'yan kapag kailangan niyo nang tumakas, and-'yung blueprint ng token na 'yan nasa drawer ko sa office." Ngumisi ako dito, natawa ako nang makita ko ang pagpupunas niya ng luha. "Hoy hahahahhaha!!"

Depth Of The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon