Asa's POV
Pinagpahinga muna namin sa lolo Robert, 'yung head ng village.
Sa sala kami naiwan, ang kaninang lalaki dito ay pumasok na sa kwarto, pinapasok kanina ni lolo.
Nagkatinginan kami, "let's clean up." Ani Zayn, napakamot ako sa ulo ko.
Nag-assign kami ng mga gawain, at sinimulan namin linisin ang bahay ni Lolo. Sabi ni Zayn ayun muna gagawin namin bago ang lahat, hindi talaga makatiis ang anak ni Aphrodite sa kalat.
Si Critzel ay inasikaso ang mga bulaklak at halaman na para bang maiiyak na habang pinagmamasdan iyon. Maldita 'yan siya pero pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa ugat eh nagiging soft girl siya.
Si Zayn ang naghuhugas tapos tinutulungan siya ni Saac doon sa kusina, si Trix nag-iigib ako naman ay tamang ligpit lang dito sa sala at walis, tapos punas-punas.
Lumabas ako upang magtapon ng basura tapos namataan ko doon si Trix sa may poso nag-iigib, naningkit ang mata ko nang makita itong walang pang-itaas, kahit tuloy mga walang lakas na dumadaan ay napapahinto at napapatingin sa kaniya.
Tss, hilig niya talaga 'yan 'no? Akala mo laging nasa beach!
Matapos niya maglagay ng tubig ay binuhat niya na ang timba at natigilan pa nang makita akong nakatingin nang masama sa kaniya.
"What?" Takang tanong nito, "what did I do wrong this time?"
"Magdamit ka nga!" Padabog ko siyang tinalikuran, nakalimutan ko pa ang dust pan na dala ko kaya napapahiyang bumalik ako sa labas para kunin iyon at nagpatuloy ako sa paglilinis.
Tapos na mag-igib si Trix tapos naka damit na ito.
"There's no foods in here." Ani Zayn, nanlaki ang mata ko at napangisi.
"Ako bibili!" Prisinta ko at lahat sila ay napatingin sa akin, naningkit naman ang mata ko nang makita ang reaksyon nila, "'wag kayong mag-alala, totoong pagkain bibilhin ko!"
Padabog kong tinabi ang walis at dust pan. "Luto o hindi?" Tanong ko.
"Cooked," sagot ni Zayn, "it's better if someone will come with you Asa." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Wala ka yatang tiwala sa akin Zayn!" Ngumiti ito at umiling.
"No, I trust you Asa." Tapos ay lumingon siya kay Trix. "Trix, can you come with her?" Ang isa naman ay walang pag-aalinlangang tumango!
Ano ba 'yan! Gusto ko nang maggala mag-isa eh!
"Let's go." Kinuha ni Trix ang susi ng sasakyan kay Saac at nauna nang lumabas, nakasimangot naman akong sumunod.
Sumakay kami sa kotse, "alam mo ba kung saan tayo?" Ini-start niya na ang engine at nagsimula nang magdrive.
"There's a wet market in neighborhood's town." Sagot niya habang nakatutok ang tingin sa daan.
"Walang dry market?" Tiningnan niya lang ako saglit at ibinalik na ang tingin sa daan.
Sa buong byahe namin ay ako lang ang nagsasalita. "Alam mo ang sama ng ugali mo!" Pagmamaktol ko, hindi niya kasi ako pinapansin! Mapapanis na laway ko!
"What?" Sinamaan ko siya ng tingin, hindi naman siya ganiyan sa akin dati! Bakit parang may nagbago? Mas naging cold siya!
Hindi naman siya ganiyan, kahit papaano noon ay sumasabay siya sa trip ko at nakikipagdaldalan siya sa akin.
"Trix."
"Hmm?" Ni hindi man lang siya tumitingin sa akin, at naiinis na ako sa kaniya.
"Iniiwasan mo ba ako?" Diretsang tanong ko, nakita ko pang bahagya siyang natigilan ngunit mabilis din naka bawi.
BINABASA MO ANG
Depth Of The Abyss
Fantasy(Theddeus Trilogy #3) "If I reign, will I be able to love?" Meízon had faced various challenges, fighting against monsters, gods and goddesses. Finding out the truth behind their existence and powers, but despite all of those they still find the com...