XXIV: Chariot Race

10 3 0
                                    

Lineysha's POV

Hindi ako mapakali habang hinihintay na magsimula na ang race.

"Neysha, relax." Pagpapakalma sa akin ni Zia pero hindi iyon tumalab. Kinakabahan talaga ako ng sobra, ito ang unang beses na sumali ako sa mga ganitong klaseng patimpalak!

Paano na lang kung mahulog ako mamaya? Paano na lang kung magpagulong-gulong ako? Nakakahiya iyon!

Tumingin ako kay Trix, iniinspeksyon nito ang chariot. Ang chariot na gagamitin namin ay gawa ng staff ng Academy, ayun ang sabi nila. Sabi sa amin ni Saac ay dapat siya ang gagawa ng gagamitin namin na chariot kaso ang problema ay wala siyang oras para dito.

Sana lang ay maayos ang chariot.

"Neysha let's go." Tumabi ako kela Zia at Trix, kaming tatlo ang magkakampi at sa iisa kaming chariot sasakay. Kaya naman iyon dahil kasya para sa tatlong tao at dalawa ang kabayo sa harap.

Ipinakilala ang bawat manglalaro at nagkaniya-kaniyang hiyawan ang mga estudyante para sa mga manlalaro na nais nilang manalo.

Kasunod ay ipinaliwanag ng Announcer ang rules, "you can use weapons and any of your abilities against each other, but strictly, no killing." Nagkatinginan kami nila Zia.

"Ready!" Inalalayan kami ni Trix pasakay sa chariot.

Nagkatinginan kaming tatlo, determinado. Humawak si Trix sa tali na kumukonekta sa mga kabayo.

"Race!"

"Woahh!!"

"Yahhh!!"

"Wahhhh!"

Napuno ng hiyawan ang field nang magsimula na ang laban. Mahigpit akong humawak sa handle na nasa tabi ko.

Naningkit ang mata ko dahil sa marahas na hangin na sumasalubong sa amin. Hinanda ko ang sarili ko at ibinwelo ang kamay ko.

Tatlo lang sa klase namin ang kasali sa karera samantala marami naman mula sa ibang klase.

Kasali dito ang presidente ng fylaska na si Cleo, isa pang babae at ang lalaki na kasama niyo noon.

"Hold tight!" Sigaw ni Trix, tumingin ako sa harap at nakita ang isang mataas na hams doon.

Ang sabi sa amin ay maraming hinanda na pagsubok ang Academy sa Chariot Race.

Lalong humigpit ang hawak ko sa handle nang talunan ng chariot namin ang hams na iyon.

Napalingon ako at nakitang may mga hindi nakalagpas sa pagsubok na iyon.

Naningkit ang mata ko nang may makitang naghagis ng patalim sa direksyon namin.

"They're starting it," Zia muttered. Using my ability I throw the dagger back to them and it hit the shoulder of the one who's controlling the horses. "Nice."

"Which? Back? Front?" I asked Zia and she already know what I'm talking about.

"Front." Tumalikod kami sa isa't isa, ako ay humarap sa likuran upang pigilan ang atake na siyang ibabato sa amin. Si Zia naman ay sa harap para tulungan si Trix.

Kita kong natigilan ang mga kalaban na nasa likuran namin nang tuluyan na akong humarap sa kanila.

A transparent energy appeared in my hand. Test me. Ngumiti ako ng matamis.

Ang totoo ay binalaan ako ng Headmistress na huwag masyado gagamit ng mga abilities ko sa laban because it will be too much of a distraction, well I don't really intend using mine.

Depth Of The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon