Critzel's POV
"Oh well..." I whispered as soon as I saw the scenes in front of me.
Lumapit ako sa isang patay na tanim ng palay at hinawakan iyon.
"They are all dead..." Mahinang ani ko, even their vines are dead and it's making me upset...
Inilibot ko ang paninhin sa buong lugar, wala man lang kahit isa na tao dito.
Ang buong palayan ay patay na, hindi naman bumagyo at hindi rin el niño. Kaya bakit? Dahil ba ito sa natural na pangyayari o dahil ito sa mga taong naninirahan dito?
"Critz tara na, naandito raw ang presidente ng village." Sumunod ako kay Saac.
At habang naglalakad patungo sa isang may kalakihan na kubo ay hindi ko naiwasang hindi malungkot.
Sayang naman ang palayan na ito. Sira na ang lupa, siguradong mahihirapan sila kung sa kaling magtatanin silang muli.
Nang makarating kami sa harap ng isang kubo ay si Asa na ang kumatok doon.
"Tao po!" Naka ilang katok si Asa ngunit wala pa ring sumasagot. "Gusto niyo pasukin ko?" Napairap ako. Pinapairal niya na naman ang pagiging magnanakaw niya.
Nagtatanong akong tumingin kay Zayn, "I can only hear a faint heartbeat inside," he said, I nodded.
Kakatok na sanang muli si Asa pero natigil iyon nang may nagsalita sa likuran namin.
"Sino ho kayo?" Isang matandang lalaki. Nakasuot ito ng pangkaraniwang suot ng mga magsasaka at may suot na sumbrero gawa sa abaca.
"Magandang araw po!" Masiglang bati ni Asa ngunit ang matanda ay ngumiti lang sa kaniya ng maliit, na para bang nanghihina ito at pinipilit na lang na tumayo at makipag-usap sa amin.
"Maaari ko bang malaman kung sino kayo?" Nakangiting tanon nito, bakas ang pagod sa mukha. May kung anong hilab akong naramdaman sa dibdib, probably it was a pity for this old man.
"We're demi-gods." I answered straightforwardly and they all look at me as if I did a horrible thing.
The Headmistress had informed us that someone would meet us who were aware of our existence, and it could be the old man here.
"The deus." Gumuhit ang isang namamanghang ekspresyon sa mukha nito. "Dumating kayo!" Bigla na lang itong yumuko ng napakababa kaya gano'n na lang ang gulat ko, lumapit ako sa kaniya at tinayo ng maayos.
Hindi mabuti sa kaniya ang yumuko-yuko lalo na't hindi na siya bata, ang mga buto niya sa katawan ay sensitibo na.
"Maraming s-salamat." Nagkatinginan kami nang magsimulang humibi ang matanda at magpaulit-ulit ng yuko.
"Lolo tama na po.." mahinahong ani ko. I don't really know why I have this soft spot for elders.
Pinunasan nito ang luha sa mukha niya at umayos ng tayo. "Pasok! Pasok ho kayo!" Masigla niya kaming pinatuloy sa kubo sa harap namin, binuksan niya ang pinto at sinenyasan kaming pumasok.
Inilibot ko ang paningin sa loob at naningkit ang mata ko nang makita ang kalagayan nito, ang mga bulaklak at halaman sa loob ng bahay ay patay na, hindi rin kalinisan ang paligid, makalat ang buong kubo at....
May isang lalaking nakahiga sa mahabang upuan at natutulog, humihilik pa ito.
"Nako! Pasensya na po!" Hindi mapakali ang matanda at natatarantang sinubukang magligpit.
"Lo' 'wag na po ayos lang." Pinigilan ko ito at pinaupo na lang. "Magpahinga po kayo," ani ko at naghanap ng pwedeng kuhanan ng tubig, ngunit pati ang mga kagamitan sa kusina ay marurumi na rin.
Lumapit ako sa kusina ngunit wala akong nakitang ni katiting na tubig.
What happened to this place?
Dahil wala akong nakitang pwedeng inumin ay nagsummon na lang ako nang isang bote ng juice, grape juice ito at hindi alak.
"Ito po, uminom po muna kayo." Iniabot ko sa kaniya ang bote, nabigla pa ako nang inumin niya ito ng sunod-sunod at walang tigil na para bang ito ang unang pagkakataon na nakainom siya.
Umupo ako sa tabi nito at hinintay muna siyang kumalma.
'Di kalaunan ay umayos ito ng tindig at tumingin sa amin. "Salamat at nakarating kayo.." kanina pa siya nagpapasalamat.
"Lolo pwede niyo bang sabihin sa amin kung ano ang nangyayari dito sa village niyo?" Maingat kong tanong, dumaan ang lungkot sa mukha nito.
"Hindi ko alam hija.." yumuko ito, hinintay ko lang siyang magsalita at ipagpatuloy ang sasabihin niya.
Ang misyon na ito ay direktang ibinigay sa amin ng Olympians, hindi ko alam kung paanong kailangan kami pa ang gumawa ng misyon na ito? Hindi ba ito kayang gawin ng Olympians? Hindi ba nila kayang resulbahin ang problema dito?
"Isang araw na lang ay biglang nawalan ng gana ang mga tao dito sa bayan namin, ngunit hindi sila gano'n." Mahigpit akong humawak sa kamay niya, "masisipag ang mga tao dito, ni hindi ka makakakita ng mga tamad at walang ginagawa. Kahit hindi kailangan gawin ay ginagawa nila."
Malungkot ang mukha nito na para bang matagal niya nang iniinda ang problemang ito.
"Nawalan ng gana, tinamaad at dumating sa punto na hindi na kumikilos ang mga tao dito sa bayan, namatay ang mga tanim na palay, namatay ang mga alagang hayop at halos wala na kaming makain, ni ang pagkain ay wala na rin gana."
Nabahala ako sa kwento nito, "bilang pinuno ng village ay sinubukan kong gumawa ng paraan, nagdasal ako kay Demeter at Dionysus, at sa iba pang mga diyos, ngunit lumipas ang ilang mga linggo ay walang sumasagot sa dasal ko. Ngayong narito na kayo mga anak ng diyos, salamat." Hinawakan nito ang kanay ko, "salamat! Alam kong matutulingan niyo kami." Paulit-ulit itong yumuko.
Napatingin ako sa mga kasama ko, mayroon kaming iisang tanong sa isip.
"Lolo, alam niyo po ba kung bakit nangyayari ito?" Tanong ni Saac at natigilan ang matanda, unti-unti itong tumingin sa amin ngunit ang mata niya ay napuno ng pangamba at takot.
"Wala hong nakakaalam.."
"Mayroon po bang nagawang hindi maganda ang mga tao dito sa vilalage niyo?" Tanong naman ni Asa na siyang muli nakapagpahinto sa matanda.
"H-hindi ko ho alam.. wala akong alam..." Sagot nito, napabuntong hininga ako.
Si Zayn ay tumingin sa amin.
"It's a god." Napakunot ang noo ko, gindi naiintindihan ang sinabi niya. "Your village might have offended a god or a goddess." I blinked twice.
Inisip ko ang mga gods or goddesses na pwedeng makagawa ng ganito, pero wala akong maisip.
"Aergia, the goddess/personification of sloth, idleness, laziness, and indolence."
...
BINABASA MO ANG
Depth Of The Abyss
Fantasía(Theddeus Trilogy #3) "If I reign, will I be able to love?" Meízon had faced various challenges, fighting against monsters, gods and goddesses. Finding out the truth behind their existence and powers, but despite all of those they still find the com...