VIII: Elysium

776 18 1
                                        

Lineysha's POV

My lips parted when we finally arrived at Elysium.

"Paradise."

"Heaven." Hindi ko matanggal ang paningin ko sa buong lugar.

Everything... everything..is just so beautiful....

How can a place like this exist?

"Two days, demi-gods, two days." Ani Thanatos bago ito mawala kasama ang portal.

"Kailangan ko na yatang magpakabait para dito ako mapunta kapag namatay na ako."

Inilibot ko ang paningin. Ngayon ay nasa isa kaming maliit na bridge sa taas ng kumikinang na tubig. Sa paligid namin ay may mga gusali na gawa sa makalumang kulay at paraan pero kumikinang pa rin ito. May mga namumukadkad na iba't ibang klaseng bulaklak at puno sa paligid. Ang kalangitan ay sobrang maaliwalas, ang hangin ay presko at masarap sa pakiramdam, mabango rin ang paligid at ang mga ingay ay mumunti lamang.

"Death is indeed beautiful.." I uttered.

"Only for those who lived doing good deeds." Ani Zayn habang nakangiti ito. "Let's go?" Siya pa lang yata ang nakaka-recover sa ganda ng paligid. Sa bagay sanay na siya sa magaganda.

"Demi-gods." Sabay-sabay kaming napalingon sa boses na pinanggalingan nito. There I saw a woman wearing a white dress that reached her toes with a hood. She's smiling brightly at us and her aura is glowing, may kasama rin itong dalawa pang babae sa likod niya. "I was informed that you are to visit the Elysian field." Tumungo ito ng bahagya. "I'm Ernid, the head oracle here in Elysium." We bowed a little to her as a greeting.

"Hi Ernid! I'm Ciara!" Bati ni Ciara at lumapit para yakapin ito.

"Daughter of the God Apollo." Ngumiti ng matamis si Ciara dito.

"I'm Critzel, child of no one." Critzel held her hand. "I'm kidding, it's Dionysus." Nakipagkamay sa kaniya ang oracle, at sunod-sunod pang nagpakilala ang iba.

"I'm Lineysha—"

"The infamous child of Coeus and Hera." Ngumiti ako ng maliit. "It's nice meeting you demi-gods, please let me escort you in your chamber." She guided us, nauna itong maglakad paalis sa bridge at may pinasukan kaming hallway.

Habang naglalakad ay napapatingin ako sa mga tao—no I mean, tao? Tao pa ba silang maiituturing o souls? What are they?

I'll call them souls then, they are looking at us smiling. Their faces are bright and it looks like they're living their best here.

Ngumiti rin ako sa iba dito at mas lalo pa silang natuwa doon.

Elysium is where the souls of people who lived justly in their time on earth went once they die. And it is sad knowing na madadamay sila kung sakali mag-umpisa na naman ang malaking gulo.

Nahirapan na sila noong nabubuhay pa sila at nakakalungkot na isipin na pati sa kabilang buhay ay may panganib pa rin na naghihintay sa kanila.

Matapos ang hindi gano'n kahabang paglalakad ay huminto kami sa tapat ng isang gusali.

"Ito po ang naihanda namin para sa inyo, alam kong kailangan niyo akong makausap pero mas mabuti kung magpapahinga muna kayo, ihahatid dito ang mga pagkain para sa inyo. Sana ay maging komportable kayo sa panantili dito."

"Thank you Ernid!" Masiglang pasasalamt dito ni Ciara.

"Salamat!"

"Thank you, Ernid." The Oracle nodded and she bowed her head before leaving us.

Depth Of The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon