XV: Hunter's Camp

10 3 0
                                    

Asa's POV

"Asa!!" Patakbo akong lumapit kay Lyn nang salubungin niya kami ng mga kasama niya dito sa entrada ng camp nila.

"Lyn!!" Nagyakap kami at tumalon-talon. Parehas na masaya at nagkita kami ulit.

Humiwalay na kami sa isa't isa at binati niya rin ang iba kong kasama.

"Hi." Napatingin ako kay Zayn, kahit nakangiti siya ay mapapansin mong wala siya sa mood o hindi niya gusto ang nangyayari.

Napahagikgik ako dahil sa iniisip ko, hiniwalay kasi siya kay Neysha, eh, hahahahhahaha.

"What's wrong with you?" Napatingin ako kay Trix na siyang napansin ng ngisi ko.

"Wala." Hindi pa rin mabura ang ngisi ko, tingnan natin kung kakayanin ni Zayn ang ilang araw o linggo na hindi nakikita si Neysha.

"Get inside please." Pinapasok kami ni Lyn sa isang kweba, hindi kagaya ng ibang kweba ay malaki iyon.

Umawang pa ang bibig ko nang makita ang matutulis at naglalakihang mga korte ng bato.

"Lyn kapag ba nabagsakan ako niyan, auto deads na ako?" Tanong ko habang nakatingala pa rin sa itaas ng kweba. Napangiwi ako, nakakatakot naman kasi na parang mga tinik ang mga bato doon na ano mang oras ay babagsakan ka.

"'Wag ka mag-alala matibay 'yan, proven and tested," natatawang sagot nito. Medyo mahaba-haba pa ang nilakad namin pero ayos lang naman dahil nakikipagkwentuhan kami sa kaniya.

"Ang haba ng kweba na 'to ah." Napalingon ako sa ibang bahagi ng kweba, meron kasing iba-ibang mga daanan na kung hindi ka sanay at isang hunter ay maliligaw ka talaga.

"Especially made for us." Si Zayn ay napansin kong kabisado na ang lugar na ito, hindi na ako nagtaka pa doon dahil alam kong nagpupunta siya dito noon. Noong panahon na patay na patay pa siya kay Artemis.

"Zayn! 'wag ka masiyadong mag reminisce baka madapa ka!" Sinadya ko siyang asarin, pero ngumiti lang siya na para bang wala lang sa kaniya ang pang-aasar ko, napanguso tuloy ako.

At sa wakas, sa hinaba-haba ng prosisyon ay nakarating na kami.

Hindi ko tuloy maiwasang mamangha nang tuluyan ko nang nakita ang camp nila.

Grabe, sobrang layo sa sibilisasyon. Napakaganda at napaka nature friendly, ang mga tinutuluyan nila ay tree house! Nakakahanga! Shet! Pangarap ko 'yan dati eh!!

Ang daming mga hunter sa paligid na nakagayak sa panlaban nilang kasuotan, nakahilera ang mga ito para pagbati sa amin.

"So this is our camp," nakangiting sabi ni Lyn, napangiti rin ako. "Mabuti pang magpahinga muna kayo, bago tayo mag-usap-usap," suhestyon niya at nanlaki ang mata ko dahil doon.

"We would love to but this is urgent Lyn, I'm sorry." Halos lumuwa ang mata ko nang dahil sa naisagot ni Zayn.

"Zayn!" Reklamo ko ngunit nginitian lang ako nito.

"Oh, is that so, sige. This way please." Iginaya kami ni Lyn sa isang daan.

Tapos habang naglalakad ay tumabi ako kay Zayn..

"Zayn naman! Chance ko na 'to eh, tree house 'yun Zayn! Tree house!" Mariin kong bulong dito ngunit tinawanan niya lang ako.

"I'll just gift you a tree house soon."

"Kainis naman!" Pasinghal akong umalis sa tabi niya at tumabi na lang kay Trix sa paglalakad.

"You're grumpy."

Depth Of The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon