Lineysha's POV
Gabi na nang makarating kami sa Academy, binuhat ni Isaac si Critzel at ginamit ang token nito upang makarating kaagad sa dorm, pumasok na rin kami dito.
At bumungad sa amin ang tahimik at madilim na dorm, automatically nagbukas ang ilaw.
Nagkatinginan kami at nagkaniya-kaniya nang pasok sa mga kwarto.
Pagod sa byahe at may nangyari pa...
Naglinis muna ako ng katawan bago ako humiga sa kama at tumitig sa kisame.
Hindi ko na magawang ipikit ang mata ko, takot na baka may makita na naman ako.
I spaced out again at hindi ko alam kung gaano katagal iyon. Marahas akong bumuntong hininga at umupo.
Bakit kaya hindi pa ako nasanay?
Ilang beses na ako nagkaroon ng vision at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay doon.
Napatingin ako sa orasan at nakitang alas dos na ng umaga. I sighed again and I get up.
Maybe I need something that could make me sleep. Nagpunta ako ng kitchen at nagtimpla ng gatas.
Naglakad ako papuntang garden at bahagya pang natigilan nang may makitang bulto ng lalaki doon.
"Kelis..." I sat beside him, sa pabilog na lamesa dito sa garden.
"Lineysha." Sandali lang itong lumingon sa akin at ibinalik na ang paningin sa langit. A lunar eclipse again..
"Bakit gising ka pa?" I asked para lang may mapag-usapan kami.
Kelis was our most introverted member, sure we had some but in his case it's really an eclipse of a moon when he talk.
But that won't stop you from feeling his presence, just him standing there, you could feel his radiating aura, it's impossible to forget and ignore his presence.
"I should be the one asking you that. Why was our little goddess here, awake?" Napasimangot ako.
"I'm not a goddess." And it's true, nilinaw na iyon ni Phoebe.
"You could say that, but people will feel otherwise." Napatingin ako rito. "You're still a goddess, and you know that. You might have a body of a mortal but you have a power of goddess." Pinagmasdan ko siyang magsalita. "Still a goddess, isn't it?" Tumingin ako pabalik sa buwan, hindi ko alam kung paanong nagkaroon ng punto ang sinabi niya.
I don't want to think that I'm a goddess, it scares me... Good thing I'm completely not, and I have to thank Coeus for that wise decision.
"Lineysha." Napatingin akong muli kay Kelis, napangiti ako, nasisiyahan ako dahil nagsasalita ito ng mahaba ngayon. "My apology." Kumunot ang noo ko, nagtataka kung saan siya nag-aapologize.
He looked back at me and he chuckled. "Too late? You even forgot what it is for. " My lips parted when I finally realized.
"Oh, for stabbing me?" I asked teasingly. He doesn't need to apologize though, I have forgiven him for a long time ago without him apologizing.
"Yeah, there's just someone who could not let me pass knowing the fact that I stabbed you." Natawa ako. Hindi dahil sa sinabi niya, kung hindi dahil sa haba ng sinabi niya. Not so Kelis.
Talking with him like this makes me feel like I'm getting to know him even more, and it feels great.
At nang maalala ko ang nangyari noon ay tumatak din sa akin ang sinabi niyang galit siya sa demi-gods. But surprisingly I didn't become suspicious of him, siguro kung sinabi niya sa akin ngayon 'yun baka pag-isipan ko pa siya ng masama.

BINABASA MO ANG
Depth Of The Abyss
Fantasy(Theddeus Trilogy #3) "If I reign, will I be able to love?" Meízon had faced various challenges, fighting against monsters, gods, and goddesses. Finding out the truth behind their existence and powers, but despite all of that they still find comfort...